Malaysia, ipinagdiriwang ang Hari Raya Aidiladha

MATAGUMPAY na ipinagdiriwang sa Malaysia ang Hari Raya Aidiladha sa gitna ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob, ngayong taong 2022 ay mahigit 14,000 Malaysian pilgrims ang naging panauhin sa Holy Land ng Mecca upang magsagawa ng panalangin at pasasalamat.

Samantala, ang hari at reyna sa Malaysia ay nakilahok sa libu-libong kasapi na nagsagawa ng panalangin ng Hari Raya Aidiladha sa Estado ng Pahang.

Gayunpaman, ayon sa Malaysian Highway Authority naiulat na maayos at kontrolado ang daloy ng trapiko sa ilang pangunahing hiway at toll plaza sa pagdiriwang ng Araw ng Aidiladha.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo