‘Technical issues’ sa 3 railway projects ng pamahalaan, tiniyak na aayusin para mapondohan – Chinese government

INIHAYAG ng tagapagsalita ng Chinese government na sa nakalipas na 6 na taon ay mas pinalalim pa ang ugnayan ng China at ng Pilipinas.

Kabilang ang kooperasyon sa pagitan ng Belt and Road Initiative at mga programa tungo sa pag-unlad.

Pero, kamakailan lang nang maglabas ng pahayag ang Department of Transportation (DOTr) hinggil sa pag-atras ng Chinese government sa pagpondo ng tatlong malalaking railway projects ng pamahalaan.

Sinabi ni DOTr Usec. Cesar Chavez ng railways na umatras ang China sa pagpondo ng Calamba to Bicol, Tagum-Davao-Digos at Clark hanggang Subic.

Sa isang interview, ipinaliwanag ni Chavez na inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang tatlong proyekto, kung saan ang pondo ay manggagaling sana sa official development assistance loan mula sa China.

Pero, hindi tinugunan ng China ang hiling ng Duterte administration na umutang.

 “The Loan Applications for the SCRP EPCC Contract and the PNR SLH DB Contract were not approved as of 31 May 2022. Accordingly, in June 2022, the DOF advised China Exim Bank that the Loan Applications for these contracts, among other contracts of other Implementing Agencies, are deemed automatically withdrawn,” pahayag ni Chavez.

Kasabay nito, naglabas naman ng pahayag ang Chinese government patungkol sa pag-atras nila sa tatlong malalaking railway projects ng Pilipinas.

Sa kanilang pahayag sa SMNI News, sinabi ng Chinese Embassy na may ‘positive progress’ na nabuo sa kanilang pakikipag-usap sa kasalukuyang administrasyon para matuloy ang mga proyekto.

“Despite those difficulties and challenges, our two sides have worked tirelessly to push the projects forward and yielded rich outcomes, spanning from anti-pandemic response, disaster relief to infrastructure, agriculture, and other fields,” pahayag ng Chinese Embassy.

Dagdag pa ng Embahada ng Tsina na tinitiyak ng Chinese government ang pag-aayos nila sa mga ‘technical issues’ para pondohan ang mga nabanggit na proyekto.

Sa katunayan, bukas ang Tsina para magkaroon ng diskusyon sa kasalukuyang administrasyon para sa nasabing proyekto.

“China is open for technical discussions over our G-to-G projects, and is ready to carry our cooperation forward, in close communication with the Philippine new administration,” ayon sa Chinese Embassy.

Sinabi pa ng tagapagsalita ng Tsina na ang China at Pilipinas ay nakatuon sa pagpapahusay ng pagkakaibigan at pagtitiwala sa isa’t isa.

“China’s policy towards the Philippines has always been and will continue to be consistent and stable as ever. It is also believed that continuity would be secured in our relations as well as the bilateral practical cooperation,” saad ng embahada.

Giit ng Tsina, sisikapin nilang suportahan ang Pilipinas para mapabuti pa ang imprastraktura ng Pilipinas.

Mababatid na sa kasalukuyan ay nasa 17 proyekto na ang natapos at higit sa 20 mga proyekto pa ang ipinapatupad katuwang ang Chinese government.

 

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon