Bagong kaso ng COVID-19 nitong linggo, tumaas

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng karagdagang higit 2,500 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa higit 19,870 ang aktibong kaso sa bansa na patuloy na ginagamot o naka-isolate.

Nakapagtala rin ang DOH ng higit 1,670 na gumaling habang wala namang naitalang nasawi nitong linggo.

Naitala naman ang karamihang bagong kaso sa National Capital Region (NCR), Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Iloilo, Pampanga at Cebu.

Samantala, mula naman sa Quezon City, Makati City, Manila, ParaƱaque at Pasig ang karamihang kaso sa NCR.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon