Posibleng dagdag-buwis, pahirap lang sa mga Pilipino – Pastor Apollo C. Quiboloy

HINDI pa napapanahon ang panukalang dagdag-buwis sa mga single-use plastic, online shopping at iba pa.
Ito ang sinabi ni Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, Honorary Chairman ng SMNI sa kanyang live program na Powerline nitong hapon lamang.
Ani Pastor Apollo, dagdag-pasanin lang ang pagdagdag ng buwis.
Ito’y matapos magpahayag ang Department of Finance (DOF) na buwisan ang single-use plastic, online shopping at online subscription gaya ng Netflix.
Ayon sa DOF ito ay para tumaas ang kita ng pamahalaan bilang pambayad sa bilyon-bilyong utang at bilang pampondo sa mga programa at proyekto.
Giit ni Pastor Apollo, mas mainam na humanap ng ibang paraan ang pamahalaan para makalikom ng pondo.
Pagkukumpara pa ni Pastor Apollo, nagawa naman sa ilalim ng Duterte administration na hindi dagdagan ang buwis kaya kakayanin din ito ng kasalukuyang administrasyon.
Comments
Post a Comment