Agarang medical assistance mula kay VP Sara Duterte, ikinamangha ng isang dialysis patient

LUBOS ang pasasalamat ng pamilya Ronsairo kay Vice President Sara Duterte dahil sa mabilis na medical assistance na natanggap ng kanilang padre de pamilya matapos itong na-diagnose ng stage 5 chronic kidney disease.

April 2022 nang malaman ni Mang Roberto Ronsairo na mayroon siyang stage 5 chronic kidney disease.

Aminado si Mang Roberto na pahirapan ang paghahanap ng perang panggamot at pang-dialysis lalo na’t nawalan sila ng trabaho ng kaniyang asawa na si Aling Marites dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung saan kukuha ng perang panggamot nanatili itong palaisipan sa kanila.

Pero tila nabigyan ng pag-asa at liwanag ang pamilya Ronsairo nang malaman na namamahagi ng medical assistance ang Office of the Vice President.

Bitbit ang kinakailangang requirements, agad na tumungo si Mang Roberto sa satellite office ng OVP sa Quezon City.

Kuwento nito na labis siyang napahanga dahil sa mismong araw ng kaniyang paghingi ng medical assistance ay natanggap niya kaagad ang mga gamot na nagkakahalaga ng P15,000.

Naiyak naman sa tuwa ang kaniyang maybahay dahil sa tulong na kanilang natanggap mula sa Bise Presidente.

Ayon kay Marites, mailalaan pa ang perang gagamitin sana sa gamot ng kaniyang asawa sa mga iba pang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Kamakailan ay sinimulan ni VP Duterte ang pamamahagi ng medical assistance at ng burial assistance.

Kasunod ito ng pagbubukas ng satellite offices ng kanyang opisina sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ayon kay Vice Presidential Spokesperson Atty. Reynold Munsayac na inisyatibo ni VP Sara ang pagbubukas ng mga sangay ng kaniyang opisina upang mapalapit sa taumbayan.

Paliwanag ni Munsayac na ang satellite offices na ito ay binuksan upang makapagbigay ng assistance o agarang tulong sa mga panahon ng kalamidad o pangangailangan.

Upang makakakuha ng medical at burial assistance, kailangan lang mag-fill out ng application form, magsumite ng mga hinihinging requirements sa mga satellite offices saka ipoproseso.

Mga hakbang upang makakuha ng assistance mula sa OVP:

  1. Filled-out application form
  2. Submit the complete requirements and form via walk-in to satellite office processor/staff
  3. Wait for the processing of application
  4. The processor/staff will inform the applicant of the date of issuance of assistance that will be provided personally or via email.

Maliban sa Quezon City, matatagpuan ang ibang satellite offices sa lungsod ng Dagupan (Region 1), Cebu (Region VII), Tacloban (Region VIII), Zamboanga (Region IX), Davao (Region XI), at Tandag sa Surigao del Sur (Region XIII).

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon