Higit 13-M COVID-19 vaccine ng Canada, itatapon

AABOT sa 13-M expired doses ng COVID-19 ang itatapon na ng pamahalaan ng Canada dahil sa limitadong demand para sa bakuna.

Kalahati ng bakunang itatapon ng Canada ay ang Oxford AstraZeneca vaccine dahil hindi ito makakita ng mga gustong tumanggap ng naturang bakuna, sa loob at labas ng Canada.

Mula Hunyo 2022, halos 9-M doses ang ipinadala na sa 21 mga bansa.

Ngunit sinabi ng Health Canada na may limitadong demand para sa AstraZeneca vaccine at hindi ito makakita ng mas maraming bansa na gustong makakuha ng available na bakuna.

Nagdonate din ang Canada ng halos 6.1-M doses ng Moderna vaccine mula sa 10 milyon na ipinangako nito para sa donasyon, ngunit itinapon din ang 1.2-M doses ng bakuna na iyon.

Aabot naman sa higit 31-M katao sa bansa ang nakatanggap ng 2 doses ng COVID-19 vaccine.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang Canada ng 3.94-M kaso ng COVID-19 kung saan umabot na sa higit 40-K ang nasawi.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon