PNP, inatasan ang mga hepe na mas paigtingin pa ang seguridad sa mga tourist spot

INATASAN ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga hepe at station commanders na dagdagan pa ang visibility at crime prevention measures lalo na sa mga tourist spot ng bansa.
Ang utos na ito ay mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang madagdagan ang mga pulis na itatalaga sa mga tourist spot sa buong bansa upang matiyak ang parehong lokal at foreign visitors na maging ligtas sa mga masasamang tao.
Inihayag ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano De Leon na naiintindihan nila ang logic sa likod ng utos ng commander-in-chief na si Pangulong Marcos upang matiyak ang kaligtasan ng mga lugar sa bansa lalo na ang mga tourist spots.
Dagdag pa ni De Leon, dapat ligtas ang mga tourist spot dahil bahagi ito sa recovery plan ng bagong administrasyon.
Titiyakin din ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na susunod ang lahat ng mga police commander hanggang precinct level at municipal police stations.
Saad din ni De Leon na dapat madagdagan ang intelligence gathering efforts para makilala ang mga kriminal at mga bata sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
BASAHIN: Susunod na PNP chief, dapat kayang banggain ang mga sindikato – Senador Dela Rosa
Comments
Post a Comment