Higit 60 OFWs sa Macau nagpositibo sa COVID-19

IKAAPAT na araw na ngayon ang mahigpit na pagpatutupad ng partial lockdown sa Macau, dahil marami sa mga overseas Filipino workers (OFWs) ang apektado sa kanilang mga trabaho.

Simula Hulyo 11 mahigpit nang ipinatutupad ang partial lockdown sa Macau.

Ibig sabihin, limitado lamang ang galaw ng mga residente doon  dahil sa patuloy na tumataas ang COVID-19 cases sa lugar.

Sa huling tala umabot na sa 1,675 ang kaso ng COVID-19 doon habang mahigit 60 sa mga Pinoy ay nagpositibo sa COVID-19.

Ipinagbabawal na rin ngayon ang paglabas ng kanilang pamamahay kung hindi rin naman kailangan.

Maari lamang lumabas para pumunta sa mga supermarket para bumili ng mga pangunahing kailangan gaya ng pagkain at iba pa.

 “Once na lumabas ka ngayon na naglakad ka na wala kang gagawin , pwde kang mahuli, “ ayon kay Inna Santos Angeles, Vice President, Filipino Community Alliance in Macao (FILCAM).

Pili lamang din ang mga establisyemento na bukas, gaya ng mga restaurant pero hindi pwde ang dine-in kundi take-out ang mga pagkain na bibilhin.

Pati ang mga pagtitipon ay ipinagbabawal din.

Kapag lalabas mahalagang ipakita ang QR code na nagpapatunay sa mass testing.

Kabilang dito ang rapid antigen test o RAT self- testing at nucleic acid test o NAT.

Sa ngayon dahil marami sa mga Pinoy sa Macau ang nawalan ng trabaho, namamahagi na rin ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng mga food packs o groceries at cash assistance naman sa mga tinamaan ng COVID-19.

Pati mismo ang Filipino Community Alliance in Macau (FILCAM) ay tumutulong na rin.

Humihingi rin ng pang-unawa sa mga pamilya ng mga OFW sa Pilipinas sa maaring pagkakadelay ng ipadadalang pinansyal dahil sa kasalukuyang krisis na pinagdadaanan nila ngayon doon.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon