Inflation sa Estados Unidos, pumalo sa pinakamataas sa 40 taon

TUMAAS ang mga presyo ng mga bilihin sa Estados Unidos sa 9.1% kumpara sa pinakamalaking taunang pagtaas mula noong 1981 at nagbabadya ng pagtaas ng interes sa mga pampinansyal na institusyon ng Amerika.

Mataas na presyo ng gasolina, pagkain at upa ilan lang ito sa dahilan sa pagpalo ng pinakamataas na inflation rate ng Estados Unidos sa loob ng apat na dekada na tinatayang magdadala ng panibagong kalbaryo sa mga gastusin ng mga pamilya.

Ang inflation ay pumalo sa pinakamataas noong Hunyo, kung saan ang presyo ng mga mamimili sa Estados Unidos ay tumaas ng 9.1%, ayon sa bagong data na inilabas ng Bureau of Labor Statistics.

Ito ang pinakamataas na antas sa mahigit 40 taon at mas mataas kaysa sa nakaraang pag-aaral, nang tumaas ang mga presyo ng 8.6% para sa taong natapos noong Mayo. Mas mataas din ito kaysa sa 8.8% na una nang inasahan ng mga ekonomista.

Karamihan sa pagtaas noong Hunyo ay hango sa presyo ng gasolina, na tumaas ng halos 60% sa buong taon.

Ramdam din ang mga pagtaas sa lahat ng kategorya tulad ng mga presyo ng pagkain sa bahay na tumaas ng 12.2% sa buong taon, tumaas naman ng 13.5% ang gatas, at 13.8% ang mga karne.

Samantala, ang federal reserve ay inaasahang magtataas ng benchmark na rate ng interes nito nang hindi bababa sa 75 basis points sa susunod nitong pagpupulong sa paggawa ng patakaran sa pananalapi.

Ang inflation ay tumaas din sa ibang bansa. Umabot sa 9.1% ang inflation sa UK noong Mayo, ang pinakamataas na antas sa loob ng apat na dekada, karamihan ay epekto ng mas mataas na presyo rin ng gasolina at pagkain.

Matatandaan na nitong linggo lang sinabi ng White House na inaasahan nito ang mas mataas na inflation data dahil sa patuloy na epekto ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine.


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon