Prime minister ng Australia, nakipagkita sa prime minister ng Solomon Islands sa Fiji

SINALUBONG ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang kanyang counterpart na si Prime Minister Manasseh Sogavare ng Solomon Islands ng isang mahigpit na yakap sa kasagsagan ng sideline ng Pacific Islands Forum sa Fiji.

Ang mainit na pagbati na ito sa pagitan ng dalawang lider ay nangyari sa gitna ng tensyon na bumabalot sa security agreement ng Solomon Islands at China.

Sa pagpupulong, binigyang diin ni Albanese ang kahalagahan ng relasyon sa pagitan ng Australia at Solomon Islands.

Sinabi naman ni Sogavare na nananatiling pamilya ang dalawang bansa sa kabila ng maraming isyu na bumabalot sa mga ito.

Ang pagpupulong na ito ang unang face-to-face talk sa pagitan ni Albanese at Sogavare kasunod ng kanilang unang pag-uusap sa telepono noong nakaraang buwan.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon