Wildfires, malaking banta sa mga higanteng sequoia trees sa Yosemite Nat’l Park

TUMITINDI ang wildfires sa Yosemite National Park sa California, na nagbabanta ng malaking pinsala sa mga makasaysayang higanteng puno ng sequoia na inaalagaan ng estado.

Sa nakalipas na ilang taon, ang mga wildfires ay naging pinakamalaking banta sa mga higanteng sequoia sa Yosemite National Park.

Nagpadala na ng mga grupo sa Mariposa Grove upang balutin ang malalapad na katawan ng puno ng foil na nagsisilbing proteksyon at upang mailigtas ang mga ito sa mga di makontrol na apoy.

Humigit-kumulang 500 magulang na sequoia ang nasa panganib ng matinding pinsala kabilang ang 3,000 taong gulang na puno, na grizzly giant.

Sa ngayon, inaalam pa ang sanhi ng sunog. Ang mga bumbero ay nagsisikap na pigilin ang apoy sa pamamagitan ng isang air tanker na nagtatapon ng flame retardant at 2 helicopter na nagsasaboy ng tubig.

Ayon sa mga ulat ng mga namamasyal at naglalakad malapit sa kakahuyan, nakakita umano sila ng mga kalat-kalat na sunog.

Sinabi naman ng mga opisyal na walang mga palatandaan at mga senyales ng natural na dahilan para sumiklab ang apoy.

Ang mga grupo ay nagtutulungan upang malutas ang problema ng wildfires na sumusunog sa mga puno ng sequoia at patuloy na hinahanapan ng mga paraan upang hindi ito tuluyang masunog.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon