Dingdong Dantes, tinuruan ang mga anak na maging environmental advocates sa murang edad

PANGANGALAGA sa kalikasan at kapaligiran ang maagang itinuro ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kanilang dalawang anak na sina Zia at Sixto.
Ayon kay Dingdong, bilang isang mamamayan, dapat ay mayroong ambag ang bawat isa kung paano mapangangalagaan ang kalikasan, kapaligiran, at kahit ang mga hayop.
Ibinahagi ni Dingdong ang isang halimbawa kung saan may isang beses anila silang namasyal sa dagat at itinuro nito kay Zia ang maraming mga basura.
Ipinaliwanag niya dito na nakasasama ang basura sa karagatan kung kaya’t dapat itong pulutin at ilagay sa tamang basurahan.
Para din aniya mas effective ang pagtuturo nilang mag-asawa sa kanilang mga anak, binigyang-diin ni Dingdong na kailangan maging lead by example siya sa mga ito.
Ibig sabihin, mismong siya ay dapat makikita ng mga ito na ginagawa rin ang kanyang mga itinuro dito.
Nabanggit ito ni Dingdong sa nakaraang mediacon ng programa niyang Amazing Earth na magdidiwang ng 4th anniversary nitong buwan ng Hulyo.
Comments
Post a Comment