Chinese State Councilor Wang Yi, nag-courtesy call kay VP Sara Duterte

TULOY-tuloy ang pagtatrabaho ni Vice President Sara Duterte ngayong araw bilang ikalawang pangulo at kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon kung saan dinaluhan niya ang ilang mga pagpupulong.

Ngayong hapon, nag-courtesy call kay VP Duterte sa isang hotel sa Makati si Chinese State Councilor at Foreign Minister Wang Yi.

Kasama nila sina Department of Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo and Chinese Ambassador Huang Xilian.

Una nang nagkita si President Ferdinand “Bongbong’’ Marcos at Foreign Minister Wang Yi sa MalacaƱang ngayong hapon upang talakayin ang higit pang pagpapatibay ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at China.

Samantala, pinangunahan naman ni VP Sara ang isang pulong sa Department of Education (DepEd) para rebyuhin ang budget ng kagarawan kaninang umaga.

Pinagplanuhan din ng mga opisyales ang budget ng DepEd para sa taong 2023.

Magugunitang umabot sa P631.77B ang budget na inilaan sa DepEd para sa 2022 na 6.34% na mas mataas kumpara sa 2021 General Appropriations Act (GAA) ng departamento.

Dumalo sa pulong sina Education Usec. for Finance Annalyn Sevilla, dating DILG Usec. Epimaco Densing at dating House Committee on Appropriations Chair Cong. Isidro Ungab.

Kaugnay nito ay kinumpirma ni Usec. Densing sa SMNI News na isa siya sa mga undersecretary ng DepEd at chief of staff ni VP Sara sa kagawaran.

Sinabi naman ni Cong. Ungab na dumalo siya sa pagpupulong ng DepEd upang maibahagi ang kaniyang karanasan sa pagba-budget.

“I am just helping VP Sara with the DepEd budget. Sharing my knowledge and experience with DepEd about budgeting,” ani Ungab.

 

Follow SMNI News on Twitter 

 

 


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon