Death Penalty System, tinatalakay na sa South Korea

SINIMULAN na ng Constitutional Court ng South Korea ang pagtalakay sa Death Penalty System sa bansa.

Nagkaroon ng open hearing ngayong araw ang Constitutional Court  ng South Korea kung ipapawalang-bisa ba o hindi ang death penalty sa bansa.

Makalipas ang 12 taon na mabigyang bias ang death penalty sa bansa taong 1996 at 2010, ngayon ang muling pagkakataon na nagkaroon ng paglilitis ang constitutional court ng South Korea hinggil sa batas na ito.

Ito ay matapos naghain ng Constitutional Petition Challenging Capital punishment, kasama ng Committee for Justice and Peace of the Catholic Bishops of Conference sa South Korea, ang isang lalakeng nahatulan ng death penalty na kalaunan at nahatulan ng panghabambuhay na pagkakulong dahil sa pagpatay sa sariling mga magulang nito taong 2019.

Samantala, anim na pagsang-ayon mula sa siyam na Constitutional Court Judges ang kinakailangan upang mapawalang bisa ang death penalty sa bansa.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon