Posts

Showing posts from January, 2023

Lalaki sa Los Angeles, napatunayang inosente pagkatapos ng 38 taon sa bilangguan

Image
ISANG lalaki mula sa South Los Angeles na nakulong ng higit sa 38 taon para sa isang pagpatay noong 1983 ang napalaya mula sa bilangguan pagkatapos lumitaw sa isang DNA exam na ibang tao ang tunay na salarin. Si Maurice Hastings, 69 na taong gulang, ay ginugol ang mahigit kalahati ng kanyang buhay sa selda dahil siya raw umano ang humalay at pumatay sa isang babaeng nagngangalang Roberta Wydermyer noong 1983. Ang katawan ng biktima ay natagpuan noon sa trunk ng sasakyan ng biktima sa Los Angeles suburb ng Inglewood. Sa kabila ng paratang na ito, nanindigan si Hastings na siya ay inosente. Gayunpaman, kinasuhan siya ng special-circumstance murder at bibigyan sana ng hatol na death penalty ng District Attorney’s Office ngunit hindi natuloy. Hinatulan siya ng pangalawang hurado at nasentensiyahan siya noong 1988 ng habambuhay na pagkakakulong nang walang posibilidad ng parol. Pagkaraan ng halos tatlong dekada, nagsumite si Hastings ng claim na siya ay inosente sa District Attorne...

Nasawi sa Halloween disaster sa Seoul, umabot na sa 154

Image
HIGIT 154 katao na ang naitalang nasawi sa Halloween tragedy sa Seoul. Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ng South Korea ang crowd surge na nagdulot sa pagkasawi ng mga partygoers. Nagsimula na ang bansa sa pagpapatupad ng isang linggo na pagdadalamhati nito. Sa mourning period na ito, lahat ng pampublikong institusyon at mga diplomatiko ay magbababa ng kanilang bandila sa half-mast at ang non-urgent events ay kakanselahin. Umabot sa 26 na foreign national kabilang na ang 2 Amerikano ang nasawi sa insidente. Higit isang dosenang embahada naman sa buong mundo ang nagkumpirma na mayroong nasawi sa insidente mula sa kanilang bansa. Samantala, ayon sa South Korea Ministry of Education, 6 na estudyante ang kabilang sa insidente kung saan isa rito ay mula pa sa middle school. Ayon sa mga ulat, mabilis na rumesponde ang mga awtoridad ngunit dahil sa sobrang dami ng tao na nagsisiksikan ay hindi nito maabutan ng tulong ang agad na nangangailangan. [embedded content] Follow SMNI NEW...

Maynilad, magkakaroon ng water interruption simula Nov 1 hanggang 15

Image
INANUNSYO ng Maynilad na magkakaroon sila ng water service interruption sa ilang parte ng Parañaque araw-araw, simula ngayon, November 1 hanggang November 15. Sa Twitter post nito, sa pagitan ng alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon mangyayari ang water interruption dahil sa isasagawa nilang facility repair activity. Hinikayat nito ang mga kostumer sa nabanggit na lungsod na mag-imbak ng sapat na tubig. Pinapayuhan din nila na hayaang dumaloy ang tubig pag ito’y babalik na hanggang magiging malinaw na ang kalidad nito. Magpapaikot naman anila sila ng mobile water tankers sa apektadong lugar para sa maiinom na tubig at magkakaroon rin ng stationary water tanks na ilalagay sa iba’t ibang lugar. Follow SMNI News on Twitter

Seguridad ng 4 na presong iniuugnay sa pagkamatay ng umano’y middleman sa Lapid killing, siniguro ng DOJ

Image
TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na ligtas sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na inmates ng New Bilibid Prison na sinasabing may kinalaman sa posibleng sadyang pagpatay kay Jun Villamor na umano’y middleman sa Percy Lapid killing. Ito ang pangako o sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla makaraang inilipat kahapon sa NBI-NCR Detention Center ang apat na bilanggo para mabigyan ng mas mahigpit na seguridad. Nilinaw naman ni Remulla na bago inilipat sa NBI ang apat ay kinuhanan muna sila ng kanilang mga statements na posibleng magamit laban sa maaaring nag-utos sa kanila para ipapatay si Villamor. Inamin ng DOJ na hindi maiaalis ang hinala o posibilidad na hindi natural death at sa halip ay baka sinadyang pinatay si Villamor noong hapon ng October 18. Mananatili umanong nasa NBI Detention Center ang apat na inmates hanggang hindi nareresolba ang kaso. Kaugnay nito ay hindi muna pangangalanan ng NBI at ng DOJ ang mga inmates bilang bahag...

Elon Musk, sinibak ang Top Executives ng Twitter matapos maka-fully paid

Image
MATAPOS makumpleto ni Canadian and American Business Magnate at Investor Elon Musk ang kanyang $44 bilyon na deal para mabili ang Twitter sinibak nito ang mga Top Executive sa nasabing kompanya. Kabilang sa sinibak ni Musk ay ang CEO na si Parag Agrawal at dalawa pang executive, kung saan ito ay ang company’s chief financial officer at head sa legal policy, trust and safety. Ikinabahala naman ng iilan ang naging desisyon ni Musk sapagkat maaring makaapekto ito sa kinabukasan ng social media platform. Ngunit ayon kay Musk ang pagsasagawa ng mga hakbang na iyon ay para sa ikakabuti lang din ng nasabing kompanya. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

PH Red Cross, magpapakalat ng staff sa buong Pilipinas ngayong Undas 2022

Image
NAG-DEPLOY ang Philippine Red Cross ng kanilang medical assets at services maging staff at volunteers para sa Undas 2022. Ipapakalat nila ito sa iba’t ibang transportation hubs at memorial parks sa buong bansa. Partikular na magbibigay serbisyo ang Red Cross sa mga motorista at byahero. Sa kabuuan, 1, 104 na trained first aiders at 22 na red cross staff ang ipapakalat. 217 first aid stations ang itatayo sa 235 cemeteries, bus terminals, seaports, airports at mga daanan lalong-lalo na ang major highways sa Abra; Ifugao; Mt. Province; Northern Luzon Expressway; Sta. Rosa, Laguna; Davao del Sur; Surigao del Sur; at Valenzuela City. Follow SMNI News on Twitter

PNP, hiniling sa publiko na agahan ang pagpunta sa mga sementeryo ngayong undas

Image
NANAWAGAN si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa publiko na samantalahin ang weekend upang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Ito ay kasunod ng pag-iinspeksyon ni Azurin sa Manila North Cemetery bilang bahagi ng seguridad sa darating na Undas. Ikinatuwa nito ang nakalatag na Police Assistance Center sa sementeryo upang umalalay sa mga mamamayan. Sinuri rin ni Azurin ang mga ipinagbabawal na bagay na nakumpiska tulad ng lighter at iba pang gamit. Nag-alay din ng bulalak si Azurin sa puntod ng yumaong Pangulong Ramon Magsaysay at dating Manila Mayor Alfredo Lim. Samantala, iinspeksyunin din ng heneral ang terminal ng bus, pantalan at paliparan sa Metro Manila. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Dubai Airport, nagbukas ng kauna-unahang co-working space para sa mga biyahero

Image
NAGBUKAS ang Dubai Airport ng kauna-unahang co-working space para sa mga manlalakbay. Ang kauna-unahang co-working space sa Dubai Airport ay tinatawag na ‘Their Patio’ ay nagbukas kahapon sa terminal 3 malapit sa gate 3 ng arrivals section. Ayon kay Mei Mei Song, Global Brand Director ng Plaza Premium Group na nagtayo ng lounge, sa tulong ng bagong lugar na ito sa airport ay hindi na kinakailangan pang mag-abala ng mga pasahero na maghanap ng kung-ano ano pa para makapag-transact ng negosyo habang nagbibiyahe. Ito ay dahil ang lounge ay kumpleto ng pasilidad na idinesenyo para gumawa magkaroon ng working environment para sa business travellers. Mayroon itong meeting rooms, private call rooms at maging shared offices kung saan maaaring mag-process ng ilang serbisyo. Ang lounge na ito ay kayang mag-host ng tatlundaan at siyamnaput walong biyahero bawat araw. Ang mga indibidwal naman na nais gumamit sa lounge ay kinakailangang magbayad ng isandaan at tatlumpung dirhams sa loob ng ...

Rabiya Mateo, pinatuloy ang mga na scam na drag queens; Netizens namangha sa kabutihang loob ng beauty queen

Image
NAGULAT ang netizens sa kabutihang loob ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo. Iyan ay matapos na walang pag-aalinlangan nitong tinulungan at pinatuloy sa kanyang bahay ang mga drag queens mula Baguio City na dadalo sana sa isang drag show sa Bonifacio Global City noong Huwebes nang gabi. Na-scam kasi ang Baguio queens sa AirBnB na nai-book ng mga ‘to na kanilang dapat rerentahang lugar sana. Panawagan ng drag queens sa pamamagitan ng isang facebook post, kahit matutuluyan lang sana para may mapag-ayusan sa drag cartel na dadaluhan nila. To the rescue naman si Rabiya at in-offer ang mismong place nito. Inulan naman ng pasasalamat ang beauty queen sa social media. Sabi pa ng netizens, “beautiful inside and out!” [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pang. Marcos at VP Duterte, dinaluhanan ang programa para sa pagdedeklara sa Davao bilang ‘insurgency-free region’

Image
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang programa para sa pagdedeklara sa rehiyon ng Davao bilang ‘ insurgency-free region’ . Nagkaroon din ng relaunching sa nasabing rehiyon bilang tourism at investment-ready destination. Kamakailan lang, opisyal na idineklara ng mga miyembro ng Regional Peace and Order Council – Davao (RPOC-11) ang nabanggit na rehiyon bilang ‘insurgency-free’ nang binuwag ang mga labi ng mga komunistang New People’s Army (NPA) sa lugar. Sa pamamagitan ito ng serye ng matagumpay na mga hakbangin para sa kapayapaan at kaayusan. Kasunod ng Regions I at IX, ang Davao Region ang ikatlong rehiyon sa bansa na idineklara bilang insurgency-free. Follow SMNI News on Twitter

Civil Defense ng Dubai, magsasagawa ng evacuation drill sa Dubai Opera

Image
MAGSASAGAWA ang Dubai Civil Defense ng evacuation drill kung saan hinihiling ang mga residente na magbigay daan sa mga emergency vehicle at iwasan ang pagkuha ng mga litrato. Inihayag ng Dubai Civil Defense na ang dalawang oras na exercise na ito ay isasagawa sa Dubai Opera sa Downtown Dubai. Ang exercise na ito ay susubok sa kahandaan ng emergency response agency sa gitna ng krisis. Ang operasyon na ito ay isasagawa sa tulong ng Dubai Police, Dubai ambulance, road and transport authority, municipality at health authority Ang ibang departamento naman na tutulong sa drill ay ang Dubai electricity, water authority at red crescent. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Huling pelikula nina Cherie Gil at Miguel Faustmann bago pumanaw, kabilang sa QCinema International Film Festival

Image
KASAMA sa QCinema International Film Festival ang pinakahuling pelikula nina Cherie Gil at Miguel Faustmann bago ito pumanaw. Ang “Elehiya,” ay sasabak sa Asian New Wave Section ng film festival na gaganapin mula Nobyembre 17 hanggang 26. Kaya naman inialay ng direktor na si Loy Arcenas ang pelikula sa parehong mga yumaong aktor, na magsisilbing angkop na alaala sa isa sa pinakamatalino na artista sa teatro at pelikula sa Pilipinas, sina Cherie at Miguel. Si Gil, isang award-winning na aktres at sikat na kilala sa kanyang mga kontrabida role, ay namatay noong Hulyo pagkatapos makipaglaban sa cancer, habang si Faustmann ay namatay sa kanyang pagtulog noong Mayo. Ang orihinal na pamagat na “Mirador,” “Elehiya” ay nagsalaysay ng pababang spiral ni Dr. Celine de Miranda (Gil), habang sinusubukan niyang pagsama-samahin ang mga durog na labi ng isang childless marriage. Follow SMNI News on Twitter

Madalas na paglabas sa publiko ng mga mahistrado ng Korte Suprema, asahan na ng publiko

Image
GUMAGAWA na ngayon ng ibang pamamaraan ang Korte Suprema para mailapit sa publiko at para mas maramdaman ng taumbayan ang presensya ng Kataas-taasang Hukuman. Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na nais kasi nilang maipaliwanag sa publiko ang kanilang mga programa na magpapabago sa ilang mga nakagawian sa judicial system ng bansa o tinatawag na Strategic Plan for Judicial Innovations for 2022-2027. Ipinaliwanag pa ng Punong Mahistrado na kung kinakailangan ay gagawin nilang mas madalas ang kanilang pagharap sa media para iparating at maipaintindi sa taumbayan ang kanilang mga plano para sa hudikatura. Batay sa nakasanayan o naging kalakaran ay hindi basta- basta lumalabas at hindi sila basta makakausap kahit ng media pero ngayon ay asahan na aniya na mababago na ang dating sistema sa Korte Suprema. Follow SMNI News on Twitter

Martin Nievera, proud na ama sa kanyang anak na may autism

Image
NAGING emotional ang singer na si Martin Nievera habang ibinabahagi nito ang karanasan bilang ama na may anak na may special needs. Kasabay sa pagdiriwang ni Martin ng ika-40 taon sa entertainment industry, hindi nito maiwasang maging emotional habang ikinukwento ang patungkol sa kanyang anak na si Santino na may autism spectrum disorder (ASD). Aniya laking pasalamat niya at nagkaroon siya ng anak na katulad ni Santino na nagbibigay hamon sa kanyang buhay ngunit sa kabila nito hindi nito maiwasang matakot. Sa ngayon, si Martin at ang kanyang dalawa pang anak na sina Robin at Ram ang nag-aalaga kay Santino sa Estados Unidos. Matatandaan na, isa si Martin sa mga nagperform sa “Be You: The World Will Adjust” concert na dedicated para sa mga taong may special needs. Follow SMNI News on Twitter

Agarang pagpapaalis kay Gen. Bantag sa BuCor, hindi makatarungan –Pastor ACQ

Image
HINDI makatarungan ang agarang pagpapaalis kay General Gerald Bantag ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Honorary Chairman ng SMNI. Ang pahayag ni Pastor Apollo ay hinggil sa pagkasangkot umano ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief General Gerald Bantag sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid. Sa kanyang programang SpotLight nitong Miyerkules, Oktubre 26, inilahad ni Pastor Apollo na sa mata ng mamamayan, lumalabas na ang Percy Lapid case ay paraan upang mawala si Bantag sa pwesto. “Para sa akin, it’s really an injustice kasi hindi pa naman talaga naliwanagan basta galing lang doon sa loob ang gunman o ang nag-utos, hindi siguro karapat-dapat na tanggalin muna siya, di ba? Para sa akin. Hindi natin pwedeng pangunahan ang ating pamahalaan kasi utos ng ating Pangulong BBM na i-under preventive suspension siya,” pahayag ni Pastor Apollo. “Siguro ‘yun ay makatarungan para sa kanilang side ng gobyerno, pero sa side ng mga mamama...

Estados Unidos, kinasuhan ang Ukrainian ‘Racoon Infostealer’ ng cybercrimes

Image
NASAMPAHAN ang isang Ukrainian man ng kasong computer fraud dahil sa umano’y pag-infect nito ng milyun-milyong computer na may malware sa isang cybercrime operation na tinatawag na “Racoon Infostealer” ayon sa US Justice Department. Kinilala ang Ukrainian man na si Mark Sokolovsky ay kasalukuyang nasa Netherlands at ninanais ng Estados Unidos ang extradition nito ayon sa departamento. Ayon sa ulat, pinaupahan ang Racoon Infostealer sa mga cybercriminals sa halagang 200 dollars kada buwan at binabayaran ito sa pamamagitan ng cryptocurrency. Pagkatapos nito ay ilalagay ang malware sa mga computer ng mga biktima at ginagamit upang nakawin ang mga personal na impormasyon gaya ng log-in credentials at financial information. Sinabi rin ng justice department na napag-alaman ng Federal Bureau of Investigation (FBI) na nasa higit 50 milyong unique credentials at forms of identification gaya ng email address at credit card numbers ang nanakaw na datos mula sa milyun-milyong biktima nito sa...

Thailand, minomonitor ang lahat ng arrival mula sa Africa sa gitna ng Ebola outbreak

Image
MAHIGPIT na binabantayan ng Thailand ang lahat ng arrival mula sa Africa upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na Ebola outbreak sa bansa nito. Sa gitna ng nagpapatuloy na Ebola outbreak sa Uganda, ang mga pasahero na nanggagaling mula sa mga bansa sa East Africa ay kinakailangang sumailalim sa health screening at mag-rehistro ng kanilang pagdating bago tuluyang makapasok sa bansa. Hinigpitan ng mga Thai official ang monitoring sa mga pagdating mula sa mga bansa sa Africa lalo na sa Uganda sa gitna ng nagpapatuloy na Ebola outbreak roon. Hanggang Oktubre 24, inihayag ng Ministry of Public Health ng Uganda na nakapagtala na ito ng 90 Ebola infections. Sa bilang na ito 44 ang nasawi kabilang na ang 5 medical personnel na naimpeksyon. Ang Sudan strain na nagdulot ng Ebola outbreak sa Uganda ay mayroong 53 porysento na mortality rate. Ang nakahahawang sakit ay nagpapakita ng mga sintomas ng kahinaan, muscle pain, sakit sa ulo, sore throat, pagsusuka at diarrhea. Hindi pa idi...

PNP, nangakong magiging maingat sa imbestigasyon sa 2 pang police officers na umanoy sangkot sa recycling ng shabu

Image
NILINAW ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magiging maingat sila sa ginagawang imbestigasyon sa ilang police officers ang sangkot sa isyu ng recycling ng iligal na droga. Ayon sa impormasyon, dalawa pang opisyal ng PNP Drug Enforcement Group ang iniimbestigahan ngayon dahil sa pagpupuslit ng 42 kilos ng shabu sa Maynila . Galing ang mga iligal na droga sa 990 kilo na shabu na bunga ng buy-bust operations sa Maynila kung saan nahuli si Master Sergeant Rodolfo Mayor Jr. na miyembro din ng PNP Drug Enforcement Group. Sa ngayon, tiniyak ni PNP chief police General Rodolfo Azurin Jr . na magiging maingat sila sa imbestigasyon upang hindi madungisan ang kredibilidad ng sinumang opisyal sakaling hindi totoo ang alegasyon laban dito. Follow SMNI News on Twitter

Mga magsasaka sa Florida, pilit binabangon ang agrikultura pagkatapos sinalanta ng Hurricane Ian

Image
ILANG linggo matapos ang pananalasa ng Hurricane Ian sa estado ng Florida , tinatantya ng mga magsasaka at ranchero na aabot sa isa’t kalahating bilyong dolyar na pagkalugi ang sinalanta ng bagyo sa kanilang agrikultura. Batay sa pagtatantsa ng Institute of Food and Agricultural Sciences Economic Analysis program ng University of Florida, aabot sa pagitan ng $787 million at $1.56 billion dollars na pagkalugi ang sumalanta sa milyun-milyong ektarya ng mga lupang pang-agrikultura ng Estados Unidos na kinabibilangan ng citrus, gulay, melon, at mga alagang hayop. Ang hagupit ng malalakas na hangin sa maraming puno, kasabay ang pagbaha sa mga bukirin lulan ng malakas na ulan, mga pinsala sa mga bakuran at ang pagkawala ng kuryente ay nagdulot ng malaking dagok para sa mga alagang hayop at mga manggagawa sa nag-susupply ng mga produktong galing sa mga hayop. Sinabi ng Florida Cattlemen’s Association Executive Vice President na si Jim Handley, humigit-kumulang 42% ng kawan at populasyon n...

COVID-19, hindi na ituturing na emergency –PBBM

Image
HINDI na ituturing na emergency ang COVID-19 pandemic. Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. natukoy na ng Department of Health (DOH) kung anong sektor ang vulnerable sa COVID-19 kung ikukumpara noong nag-uumpisa pa lang ito taong 2020. Hakbang na rin ito ng bansa ayon kay PBBM upang makapagbukas na ang mga negosyo. Nilinaw rin ng Pangulo na hindi pa rin naman tatanggalin ang state of calamity ng bansa. Ito’y para makukuha pa rin ang health workers ng kanilang COVID-19 benefits na itinakda ng batas. Magiging mabagal na rin ang pag-iimport ng bakuna. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

BHW Party-list at Move It, nag-aalok ng free rides sa barangay health workers

Image
NAGKAISA ang BHW Party-list at motorcycle firm na Move It para sa proyektong magbibigay ng isang buwang libreng sakay para sa barangay health workers (BHW). Ayon kay Move It General Manager Wayne Jacinto, isang paraan anila ito ng pasasalamat sa mga BHW lalong-lalo na at isa ito sa nagbibigay serbisyo sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic. Lubos namang ikinatuwa ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co at binigyang halaga ng Move It ang mga BHW. Nagsimula ang proyekto ng dalawa nitong October 15 at magtatapos ito sa November 15, 2022. Available ang free rides mula Lunes hanggang Biyernes at dalawang beses ang maximum free ride para sa mga ito. Hanggang 300 free ride slots ang inaalok at “first-come, first-served” basis ito. May ibibigay ring promo code ang Move It sa BHW Party-list at ito na ang mamamahagi ng code sa mga BHWs. Para maka-avail, kailangan lang ipresenta ng BHW ang kanilang official ID. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

DBM, naglaan ng pondo sa NEP para sa tenure security program ng DAR

Image
NILAANAN ng pondo ng Department of Budget and Management (DBM) ang tenure security program ng Department of Agrarian Reform (DAR ) sa National Expenditure Program (NEP) 2023 na isinumite sa Kongreso. Ayon sa DBM, aabot sa P3.52-B ang kanilang allocation para dito at mas malaki ito kung ikukumpara sa P3.12-B na alokasyon ngayong taon. Magiging instrumento naman ang pondo upang magamit na at mai-register ang 27, 942 na ektarya na mga lupang naipamahagi na. Para din maipamahagi na ang karagdagang 27, 102 na ektarya ng private agricultural at government-owned na mga lupain sa mga lokal na magsasaka. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

UAE, magpapadala ng $100-M humanitarian aid sa Ukraine

Image
MAGPAPADALA ang United Arab Emirates (UAE) ng $100-M humanitarian aid sa Ukraine . Ang tulong na ito ay makakatulong sa mga sibilyan na naapektuhan ng nagpapatuloy na krisis. Inihayag ni Reem Bin Ebrahim Al-Hashimy, Minister of State for International Cooperation na ang tulong na ito ay mula sa paniniwala ni Sheikh Mohamed na importante ang pagkakaisa sa panahon ng kaguluhan. Ito ang huling tulong na ipapadala ng UAE sa Ukraine na kasalukuyang nasa gitna ng isang digmaan. Ang UAE ay nagpadala ng kaparehas na relief aid sa mga sibilyan ng Ukraine na naapektuhan ng krisis. Ang tulong na ito ay kasunod ng pag-uusap sa telepono ni Sheikh Mohamed kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Isang kalaban ng estado, nasawi sa engkwentro sa Misamis Oriental; High-powered firearms, nakumpiska

Image
NASAWI ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos maka-engkwentro ang militar sa Barangay Alagatan, Gingoog City, Misamis Oriental . Ayon kay Lieutenant Colonel Christian Uy, commanding officer ng 58th Infantry Battalion, nakaharap nila ang nasa 8 rebelde na pinaniniwalaang natitirang miyembro ng Platoon Falcon, Sub-Regional Committee 1, North Central Mindanao Regional Command. Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng isang rebelde na inaalam pa ang pagkakakilanlan. Nakuha sa lugar ang M16 rifle, at dalawang backpack. Nanawagan ang militar sa natitirang rebelde na ibaba na ang kanilang armas at magbalik-loob sa batas. Makakaasa aniya ang mga rebelde na may nakahandang programa ang gobyerno para sila ay makapagbagong buhay kasama ang kanilang pamilya. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Mga armas at bala, nakumpiska sa isang lalaki sa Marawi City

Image
NAARESTO ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya ang isang lawless personality sa Marawi City. Sa ulat kay AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) acting commander Brigadier General Arturo Rojas, kinilala ang nahuli na si Majid Dipatuan, 35 taong gulang at residente ng Barangay Bangco, Marawi City. Si Dipatuan ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Nakuha sa kanya sa isinagawang joint law enforcement operation ang caliber 380 pistol, Colt Shotgun at mga bala. Dinala na ang nahuli at mga armas sa CIDG Lanao del Sur Provincial Field Unit para sa safekeeping at proper disposition. Tiniyak ni General Rojas na tuluy-tuloy ang kanilang kampanya laban sa paglaganap ng loose firearms at lahat ng lalabag ay mahaharap sa kaparusahan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Mga Pilipino sa Ukraine, wala sa mga lugar kung saan may martial law –DFA

Image
WALANG mga Pilipino sa Ukraine ang nakatira sa mga lugar kung saan ipinapatupad ng Russia ang martial law. Ang apat na Ukrainian Regions kung saan ipinatutupad ng Russia ang martial law ay sa Donetsk, Lugansk, Kherson at Zaporizhzhia. Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) , 25 na mga Pinoy lang ang alam ng Philippine Embassy sa Warsaw ang nasa Ukraine at madalas sa mga ito ay nakatira sa Kyiv. Kumpirmado rin ang datos ng Honorary Consulate General sa Kyiv. Sa kabila nito ay nakahanda ang DFA na tulungan ang mga ito sakaling nais umuwi sa Pilipinas. Sa unang bahagi ng taon ay mahigit 450 na mga Pilipino ang tinulungan ng DFA at halos 400 ang nakauwi sa bansa. Follow SMNI News on Twitter

Sen. Robin Padilla, nakuha ang suporta ni Pastor Apollo sa pagsusulong ng Charter Change

Image
NAKUHA ni Senador Robinhood Padilla ang suporta ng Honorary Chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C Quiboloy sa adbokasiya nito na repasuhin na ang Saligang Batas. Nitong Biyernes ng gabi nagkaroon ng pagkakataon si Pastor Apollo na makausap si Sen. Padilla. At dito napag-usapan nila na napapanahon na ang pagkakaroon ng Charter Change sa bansa. “Yun po ang isang pinakausap ko ngayon sapagkat sa akin pong ilang buwan sa Senado nakikita po natin sa Senado, siyempre hindi naman tayo nagbulag-bulagan nakikita natin nararamdam natin gusto nating mapabilis ang responde ang serbisyo ng gobyerno. Ang pag-asa natin ay mapalitan natin ang konstitusyon hindi ko naman inaapi o sinasabi na minamaliit ang 1987 Constitution kundi 2022 na po kasi next year 2023 na hindi naman po siguro masama na after 34 years eh magbago naman tayo ng konstitusyon natin. Hindi naman siguro ito mali hiningi natin ang tulong ni Pastor na sa pag-iikot ng komite ng pag-amyenda ng konstitusyon ay masamahan tayo ng SMN...

DILG, pinatutugunan sa mga LGU ang 1.4M backlog sa VaxCertPH digital registration

Image
PINATUTUGUNAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units ang 1.4 milyong backlog sa VaxCertPH digital registration. Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, hanggang September 22, ang Vaccination Information Management System (VIMS), ang official central database ng VaxCertPH ay may backlog na kabuuang 1,460,582 vaccination records ng mga mamamayan. Sa nasabing bilang, 334,317 aniya dito ay dahil sa nawawalang records, 308,386 ang hindi narecord dahil sa kakulangan ng manpower; 243,300 ay dahil sa late submission; 122,897 ay dahil sa incomplete data; 109,806 ay dahil sa nawawalang data fields; 94,575 ay dahil sa operational at procedural issues at 75,831 ay dahil sa mga isyu sa internet connections. Sinabi ni Abalos na batay sa Department of Information and Communications Technology (DICT) , ang kakulangan ng manpower sa encoding, problema sa internet connection, nawawala at maling data at records maging ang kakulangan ng pagtugon mula sa...

Pangulong Marcos, nag-ocular inspection sa Ormoc Airport ngayong araw

Image
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ocular inspection ngayong araw sa ni-rehabilitate na Ormoc Airport. Ang rehabilitasyon at renobasyon ng nasabing paliparan at iba pang airports sa bansa ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Transportation at Department of Tourism . Bahagi ito ng programa ng administrasyong Marcos na may layong palakasin ang Philippine tourism sector. Sa ginanap na Cabinet meeting nitong Oktubre 11, natalakay ang patungkol sa pagsasaayos ng mga paliparan bilang bahagi ng layuning i-ahon ang ekonomiya ng bansa sa tulong ng masiglang turismo. Matatandaang sinimulan ang pagsasaayos at pagpapalawak ng nasabing paliparan sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pilipinas, hindi mahirap i-promote sa mga dayuhang turista –foreign buyers

Image
POSITIBO ang mga foreign buyers na dadami ang mga turista na bibisita sa Pilipinas mula sa kani-kanilang mga bansa dahil sa dami ng maaaring ma-experience ng kanilang mga kliyente. Sa mahigit pitong libong isla, tila malulula ka sa dami ng magagandang tanawin at mga pwedeng gawin sa Pilipinas. Mula sa mga nagpuputian at pinong-pinong buhangin sa dagat hanggang sa mga makalaglag-pusong ganda ng mga bulubundukin, hindi ka talaga mauubusan ng mapupuntahan sa bansa. Madami ring mga aktibidad ang maaaring subukan ng mga dayuhang turista mula sa water activities, food adventure hanggang sa extreme activities at iba pa. Kaya para sa ilang foreign buyers ng 2022 Philippine Tourism Exchange, isa ang Pilipinas sa mga bansang hindi mahirap i-promote at talagang patok sa kanilang mga kliyente. Isa rin anila sa maipagmamalaki ng bansa ay ang mismong mga Pilipino. Bagay na ibinida rin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kaniyang talumpati sa ginanap na Philippine Tourism Industr...

Panukalang tayuan ng public schools ang mga liblib na lugar sa bansa, hiniling na suportahan ni PBBM

Image
PASADO na sa House Committee on Basic Education and Culture ang isang consolidated bill na layong magtayo ng public schools sa mga liblib na lugar sa bansa . Sa ilalim ng panukala, obligado ang pamahalaan na magtayo ng ‘Last Mile Public Schools,’ na itatayo sa mga napakalalayong lugar sa bansa o Geographically Isolated Disadvantaged Conflict-Affected Areas (GIDCAS). Kabilang din sa scope ng panukala ang mga dati nang paaralan ngunit may apat lamang na classroom. “Importante po na ma-institutionalize itong mga bill na’to maging batas siya una kasi hindi lang DepEd po ang masasali dito. Ang kasama po sa bills, kailangan tumulong ng DPWH kasi hindi lang naman po mga buildings ang itatayo,” pahayag ni Rep. Roman Romulo, Chairman, House Committee on Basic Education and Culture. Mayroon nang existing na programa ang DepEd na Last Mile Schools ngunit ayon kay Romulo, hindi sapat ang pondo para dito. Taong 2019 pa nang madiskubre ng DepEd na nasa P46-B ang kailangang pondo para magpat...

Tropical Depression Obet, posibleng magland-fall ngayong Sabado –PAGASA

Image
SA pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) , inaasahang maglaland-fall ngayong Sabado ang binabantayang Tropical Depression Obet. Sa ngayon, namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,025 kilometers ng East of Extreme Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 55 kilometro kada oras at kasalukuyang kumikilos ng pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras. Batay sa pagtaya ng PAGASA, posible na umanong magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal No. mamayang hapon hanggang bukas dahil sa bagyo. Sa ngayon, ayon pa rin sa PAGASA, ang bagyo ay wala pa umanong direktang epekto sa bansa pero dahil sa patuloy na pag-iral ng Shear line o linya kung saan nagtatagpo ang malamig na north easterly surface wind flow at ang mainit na easterlies. Kung kaya’t may makakapal na ulap na nagdudulot ng malakas na pag-uulan na kasalukuyang nararanasan n...

Senator Win, nanawagan na isalba agad ang mga mawawalan ng trabaho sa POGO

Image
NANAWAGAN si Senator Win Gatchalian sa Labor Department na madaliin ang pagpapatupad ng isang detalyadong programa na makakatulong sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa mga Philippine Overseas Gaming Operators (POGO) na posibleng maalis sa trabaho sakaling magsara ang mga ito kung ipagbawal na sa bansa. Bagama’t sinabi na ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tinitingnan nito kung paano matutulungan ang mga Filipino POGO workers na maaaring mawalan ng trabaho sakaling ipagbawal ang mga POGO sa bansa, binigyang-diin ni Gatchalian na kailangang magkaroon ng makabuluhan at detalyadong programa para sa kanila, kabilang ang “retooling at upskilling” ng kanilang mga kasanayan. Tinatayang nasa 22,000 na mga Pinoy ang kasalukuyang nagtatrabaho sa mga POGO operators sa bansa. “Bagama’t hindi natin inaasahan ang biglaang pagsasara ng mga POGO sa bansa, mahalaga na mayroon nang nakahandang tulong o interbensyon para sa mga manggagawang Pilipinong mawawalan ng trabaho upang makahanap a...

ABS-CBN, paiimbestigahan muli sa Kamara; istasyon posibleng maipasara

Image
PAIIMBESTIGAHAN muli sa Kamara ng isang mambabatas ang dating network giant na ABS-CBN. Taong 2020 pa nang magpaso ang prangkisa ng ABS-CBN kaya wala na sila sa ere at nang mag-apply sila for renewal, hindi sila pinagbigyan ng Kongreso dahil sa iba’t ibang paglabag. Katunayan, ang mga frequency na dati nilang hawak ng tulad ng Channel 2 ay naibigay na sa ibang media player. Ngunit para kay Cavite Rep. Elpidio Barzaga, hindi pa tapos ang laban dahil kailangang malaman ng Kongreso kung tinuwid ba ng ABS-CBN ang kanilang mga pagkakamali? “Unang-una bagama’t hindi na-renew ang prangkisa, there are still issues katulad ng mga taxes and violation of the labor standard laws ng ABS-CBN. Pangalawa, yung foreign depositary receipt, pangatlo yung dual citizenship ni Gabby Lopez at kung anuman ang hindi pa natutupad na mga obligasyon ng ABS-CBN sa ating pamahalaan,” pahayag ni Barzaga. Batid naman ni Barzaga ang hindi natuloy na merger ng ABS-CBN at TV5 at ang agreement ngayon ng ABS-CBN...

Mambabatas, umaasa na tama ang suspek na hawak ng PNP sa pagpatay kay Percy Lapid

Image
UMAASA si BH Party-list Rep. Bernadette Herrera na tama ang hawak na suspek ng PNP sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid . Giit ni Herrera, nasa PNP ngayon ang burden para patunayan na ang self-confessed gunman nga na si Joel Estorial ang totoong bumaril kay Lapid. Diin ni Herrera, dapat matibay ang pruweba ng PNP na tama ang hawak nilang suspek hindi lamang batay sa pag-amin ng nagpakilalang gunman kundi kasama dapat dito ang forensic evidence. ‘The burden of proving the case is on the PNP and the prosecutors who will eventually handle the case, so they better get their facts right and have the gunman who actually shot the victim,’ saad ng mambabatas. Umaasa naman si Herrera na nabigay rin sa alleged suspect ang kanyang karapatan gaya ng right to counsel o magkaroon ng abogado kahit man lang mula sa Public Attorney’s Office. Na dapat lahat ng testimonyang bibitawan nito ay ginawa nang may presensya ng abogado nito. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twit...

Farm-to-market road sa Ifugao, opisyal nang binuksan

Image
OPISYAL nang naiturnover ng Department of Agriculture (DA) ang P510.96 million farm-to-market road sa local government ng Ifugao. Ang nasabing farm-to-market road ay malaking benepisyo sa mahigit kumulang 720 sa kabahayan na nasa 10 barangay sa munisipalidad ng Banaue. Ngayong opisyal na itong na iturnover sa LGU ng Ifugao, naatasan ito na siguraduhin ang pagpapanatili ng accessibility ng kalsada sa lahat ng panahon. Nagpaabot naman ng pasasalamat si Ifugao Governor Jerry U. Dalipog sa Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) dahil aniya malaking tulong ito sa mga mamamayan ng Ifugao. Sa ngayon nasa 16 na ang nakompletong proyekto sa ilalim ng DA-PRDP sa probinsya ng Ifugao. Follow SMNI News on Twitter

“Cattleya Killer” star na si Arjo Atayde, dumating na sa France para sa MIPCOM Cannes

Image
DUMATING na ang aktor na si Arjo Atayde sa France upang dumalo sa international premier ng “Cattleya Killer” sa MIPCOM Cannes, na siyang pinaka malaking content market sa buong mundo. Sa MIPCOM Cannes ay ipepresenta ang pilot ng international sic-part series sa industry decision makers upang makakuha ng global distribution partner. Ang serye ay tungkol sa imbestigasyon sa pagpatay ng isang copycat ng isang serial killer na tumakot sa Manila dalawang dekada ang nakalipas. Ang anak ng pulis na siyang namumuno sa kasong ito ang naging pangunahing suspek. Si Atayde na nanalong best actor sa Asian Academy Creative Awards noong 2020 ang siyang bibida sa serye. Pagbibidahan din ito nila Jake Cuenca, Christopher de Leon at Zsa Zsa Padilla. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

NOTAM kaugnay sa Bulkan Mayon, muling pinalawig –CAAP

Image
MULING pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen (NOTAM) kaugnay sa banta ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Ayon sa CAAP, epektibo ngayong araw October 17 hanggang bukas October 18 ang nasabing NOTAM kung saan pinapayuhan ang mga piloto na iwasan ang paglipad o 10,000 feet mula sa tuktok ng bulkan. Ang NOTAM na inilabas ng CAAP ay alinsunod sa Alert Level 2 status na inisyu ng PHIVOLCS. Wala namang naiulat na apektadong flights na mula at papunta sa mga lugar na malapit sa Bulkang Mayon. Follow SMNI News on Twitter

Panukalang bumuo ng National Water Use Plan, suportado ng NWRB

Image
HINIKAYAT ni House Deputy Majority Leader David Suarez ang gobyerno na bumuo ng National Water Use Plan para matiyak ang food security sa bansa. Layon ng naturang plano na makapagbigay ng accessible water supply lalung-lalo na sa mga magsasaka. Ginawang basehan ni Suarez ang record ng National Irrigation Administration (NIA) sa paglahad ng kanyang mungkahi. Batay sa datos ng NIA, nasa 36% ng higit 3.1 million (3,128,631) irrigable areas ng bansa ay walang well-functioning irrigation system. Giit ng mambabatas, kailangan munang resolbahin ang ugat ng problemang ito. Dito aniya papasok ang pagkakaroon ng isang National Water Use Plan na siyang sagot sa kakulangan ng tubig sa mga palayan. Kaugnay rito, suportado naman ng pamunuan ng National Water Resources Board ang naturang panukala. Sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David, Jr. na akma ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. “Maganda pong panukala iyan at ito po naman, sabi nga natin ay akma po doon sa instr...

Pilipinas, nakibahagi sa pagpupulong kaugnay sa disaster management sa Thailand

Image
NAKIBAHAGI ang Pilipinas sa ika-41 pagpupulong ng ASEAN Committee on Disaster Management (ACDM) sa Bangkok, Thailand ngayong araw. Sa nasabing pagpupulong, nagbigay ng update si Civil Defense Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer sa pagpapatupad ng mga pangunahing dokumento ng ASEAN na inendorso ng ACDM kamakailan. Kabilang dito ang ASEAN Regional Plan of Action for Adaptation to Drought 2021-2025, at Implementation of the ASEAN Framework on Anticipatory Action in Disaster Management. Ang 41st ACDM Meeting ay ang una sa mga pagpupulong ng ASEAN na may kaugnayan sa disaster management. Tatagal ang pagpupulong hanggang Oktubre 21. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

57 sako ng puti at dilaw na sibuyas, lumabag sa Food Safety Act

Image
TINATAYANG nasa 57 sako ng white/yellow onions o sibuyas ang nakumpiska at dinala sa BPI Quarantine Office para suriin at maging bahagi ng ebidensya para sa kaukulang kaso na isasampa laban sa may-ari ng nasabing produkto. Kasunod ito ng isinagawang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng Department of Agriculture (DA) , Bureau of Plant and Industry (BPI), Bureau of Customs (BOC), at Philippine Coast Guard (PCG). Sa pakikipagtulungan na rin ng Manila Police District sa bisa ng Implementing Letter of Authority at ang Food Safety Act para sa pag inspeksyon sa isang lugar sa loob ng Divisoria Market na  pinaniniwalaang lumabag sa Food Safety Act sa pag-import ng mga sibuyas. Paalala ng mga awtoridad lalo na sa mga negosyante na mag-ingat sa mga pinapasok na negosyo para maiwasang mapahamak. Patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso sa posibleng kahalintulad na mga modus sa loob ng Divisoria Market. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

2 personnel ng PCG lumahok sa arresting techniques coaching course sa Japan

Image
LUMAHOK ang dalawang kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katatapos lang na arresting techniques coaching course. Isinagawa ito sa Japan Coast Guard (JCG)’s Branch School, Fukuoka, Japan. Ang nasabing inisyatiba ay bahagi ng PCG’s capability sa kanilang vessel operations. Dinaluhan ito ng nasa 16 na kalahok mula sa Malaysian Maritime Enforcement Agency kasama ang Japan. Ilan sa mga natutunan sa programa ang kinesiology taping method, advanced arresting technique, at martial arts discipline para sa self-defense ng mga tauhan ng coast guard. Inaasahang magagamit ito lalo na sa mga maritime operations at lalo na sa mga masasamang loob sa karagatan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Ph Red Cross, nagbigay tulong sa mga displaced Himamaylanons

Image
TINULUNGAN ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga Himamaylanon na nawalan ng tirahan dahil sa armadong labanan kamakailan, bilang bahagi ng kanilang strong commitment sa pagbibigay ng pag-asa sa mga nangangailangang mamamayan. Sa pamamagitan ng PRC Negros Occidental – Bacolod City Chapter, nagbigay ito ng humanitarian support sa mga lumikas na pamilya ng Brgy. Carabalan, Himamaylan City sa Negros Occidental, na kasalukuyang sumilong sa mga evacuation center matapos kubkubin ng armadong labanan ang lungsod noong Oktubre 6, 2022. Ayon kay PRC Chairman at Chief Executive Officer sabi ni Richard J. Gordon tinatayang nasa 2,741 indibidwal naman ang naapektuhan ng insidente at lima katao ang nasawi. Naghatid ng hotmeals ang PRC Negros Occidental-Bacolod City Chapter sa 228 indibidwal, bitamina sa mahigit 150 pamilya, at face mask sa 765 indibidwal. Bukod pa riyan nagbigay tulong pangkalusugan din ang PRC sa mga apektadong pamilya kabilang na dito ang psychological first aid (PFA) at chi...

Zero crime, target ng NCRPO ngayong Undas 2022

Image
NAKAHANDA na ang buong hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para tiyakin na walang mangyayaring gulo at krimen sa pagdaraos ng araw ng mga patay sa susunod na buwan. “Yes, ‘yun pa rin ang instruction ng aming Regional Director (PBGen. Jonnel Estomo) na paigtingin ang pagbabantay sa buong Metro Manila because this can resolve na ang aim talaga is to prevent crime from happening by deploying the maximum police presence sa buong Metro Manila,” ani PLtCol. Dexter Versola, Spokesperson, NCRPO. Batay sa datos ng PNP, aabot sa 10K personnel ang ipakakalat sa buong Kamaynilaan na magtitiyak na walang karahasan o anumang uri ng kriminalidad ang uusbong sa panahon ng pagninilay-nilay ng mga Pilipino. “10K police personnel will be deployed all around Metro Manila para paigtingin ang police visibility para sa ating crime prevention strategy at gagamitin lahat ang resources kasama na diyan ang fore multipliers, ang ating mga LGU’s and other agencies. Kasama na rin dito an...

Mga benepisyaryo ng SPES sa Taguig, tinanggap na ang kanilang sahod

Image
NATANGGAP na ng mga benepisyaryo ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang kanilang mga sahod sa isinagawang salary distribution sa Vista Mall Trade Hall, Brgy. Calzada-Tipas, Taguig City . Ito na ang pangatlong distribusyon na pinangunahan ng Public Employment and Service Office. Ibinigay sa mga benepisyaryo ang 60% ng kanilang sahod mula sa lokal na pamahalaan habang ang 40% naman ang matatanggap nila mula sa DOLE at makukuha sa pamamagitan ng remittance center. Hinikayat ang bawat dumalo na gamitin sa tama ang kanilang natanggap na incentive para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Layunin ng SPES na ihanda at bigyan ng karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral at out of school youth tungkol sa mga responsibilidad na nakapaloob sa pagtatrabaho. Maaaring isama sa resume ang kanilang naging karanasan sa SPES Program sapagkat itinuturing itong work experience. Ang ilan sa mga trabaho na isinasagawa ng mga benepisyaryo ay ang pagkuha ng vitals ng mga pasyente s...