Agarang pagpapaalis kay Gen. Bantag sa BuCor, hindi makatarungan –Pastor ACQ

HINDI makatarungan ang agarang pagpapaalis kay General Gerald Bantag ayon kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Honorary Chairman ng SMNI.

Ang pahayag ni Pastor Apollo ay hinggil sa pagkasangkot umano ni dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief General Gerald Bantag sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid.

Sa kanyang programang SpotLight nitong Miyerkules, Oktubre 26, inilahad ni Pastor Apollo na sa mata ng mamamayan, lumalabas na ang Percy Lapid case ay paraan upang mawala si Bantag sa pwesto.

“Para sa akin, it’s really an injustice kasi hindi pa naman talaga naliwanagan basta galing lang doon sa loob ang gunman o ang nag-utos, hindi siguro karapat-dapat na tanggalin muna siya, di ba? Para sa akin. Hindi natin pwedeng pangunahan ang ating pamahalaan kasi utos ng ating Pangulong BBM na i-under preventive suspension siya,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Siguro ‘yun ay makatarungan para sa kanilang side ng gobyerno, pero sa side ng mga mamamayan tulad natin, ito ay isang paraan upang mawala si Gen. Bantag sa kanyang ikinalalagyan at ngayon ay maaaring hindi na makabalik sa kanyang pwesto, nawa’y makabalik siya sapagkat sa kanyang mga pahayag, kahit ‘yung sinabi niya sa akin, siya ay, sabi niya, ‘saksi ang dakilang Ama, ako ay inosente sa mga bagay na ito,” dagdag ng butihing Pastor.

Sa panayam ng SMNI News sa programang Pulso ng Bayan, kinwestiyon ni Bantag kung bakit sa mahigit 160 persons of interest ay bakit siya ang tila nasi-single out.

Kaugnay nito, nagpahayag naman ng suporta si Pastor Apollo kay General Bantag.

Ani Pastor Apollo, nasa likod ni Bantag ang taong-bayan, at alam ng mamamayan ang katapangan na ginawa nito sa BuCor.

“Kaya ‘yun ang dapat na malaman ng taong-bayan, ang adhikain ng ating Gen. Bantag kung ano ang ginawa niya, at ‘wag kang mag-alala Gen. Bantag sapagkat nasa likod mo ang taong-bayan, at alam nila ang katapangan mo na ginawa mo ang hindi magawa ng iba at ngayon ay may mga paninirang ginawa sa iyo ngunit ang hustisya ay maghahari pa rin. At naniniwala pa rin tayo na ang Diyos na Ama sa langit ang siyang magbibigay ng kaliwanagan at hustisya sa bagay na ito. Kaya tayo ay nananalangin kay Gen. Bantag sapagkat maraming beses nating na-preview sa ating special report si Gen. Bantag. Bakit? Kasi ‘yung nagawa niya ay hindi nagawa ng iba, ‘yung mga reporma na nagawa niya sa kanyang katapangan at inihain niya ang kanyang buhay. ‘Yan ang dapat na mga pamuno natin sa bansa, nag-aalay ng kanilang buhay, pati pamilya nila para sa kabutihan, para sa kahusayan, para sa kapayapaan, at para sa magandang pamamalakad lalo na riyan sa Bilibid na ‘yan na napakaraming mga iligal na kalakalan na nauugnay ang ibang mga tao ng gobyerno at siya ang gumawa sa dapat gawin na kung hindi ka matapang, kung hindi ka nag-alay ng buhay mo ay hindi mo magagawa kaya naging ganyan ang Bilibid ngayon,” pahayag ni Pastor Apollo.

“Kaya, ang taong-bayan ay nasa likod mo Gen. Bantag, at kami dito sa SMNI nananalangin sa’yo na ikaw ay pagpalain at ikaw ay bibigyan ng hustisya sa katapusan kasi ang katotohanan ang siyang lilitaw,” dagdag pa nito.

Samantala, hinamon ng butihing Pastor si PNP Chief Rodolfo Azurin, Jr. na pangalanan ang dalawang heneral na sangkot umano sa iligal na droga.

Ani Pastor Apollo, kung ikukumpara ang kaso ni Bantag at ng dalawang heneral, injustice ang nangyari kay Bantag.

Sinabi rin ni Pastor Apollo, subject for investigation pa lamang si Bantag ngunit tinanggal agad ito.

Kung ganoon ani Pastor Apollo ay dapat ilagay rin sa preventive suspension ang dalawang heneral upang maging patas ang batas.

“Puro subject for investigation, bakit pinangalanan kaagad? Hindi pa naman maliwanag, tinutumbok, tinuturo si General Bantag ang salarin. Hindi pa naman maliwanag na siya nga. Bakit tinanggal siya? Hindi muna siya dapat tanggalin. Itong dalawang heneral, hindi pa nga tinanggal eh,” ayon kay Pastor Apollo.

“Injustice ‘yan sa parte ni General Bantag. Challenge, pangalanan ninyo General Azurin, pangalanan po ninyo para sa taong-bayan para makita na wala kayong pinagtatakpan. Transparency. Huwag ninyong pagtakpan. Si General Bantag, police din ‘yan eh,” aniya.

“Bakit pinangalanan siya? Under investigation pa naman. Bakit ito, dapat itong dalawang general na ito ilagay din sa preventive suspension kasi involved sila para patas at pantay ang hustisya,” dagdag ng butihing Pastor.

Dagdag ni Pastor Apollo, hindi makatarungan na hindi pangalanan ang dalawang heneral.

“Katulad na lang itong si Chief PNP, sasabihin niya na may mga dalawang heneral involved ngayon sa drugs, malalaking entity. ‘Yun pero ayaw niyang i-mention ‘yung dalawang generals. “Bakit ako, kayang-kaya niyang i-mention?” Sabi niya, “May career daw itong 2 heneral na pinaghirapan nila. Bakit, hindi ba ako naghirap din sa career ko?” ayon kay Pastor Apollo.

“Kaya parang injustice talaga. General Azurin, pakisagot lang po ito, sino po ang dalawang general na ito na involved sa drugs? Kung sa Pangulong Duterte pa, ay hindi maaari na hindi mo banggitin ‘yan, hindi maaaring ikaw ang naririyan bilang PNP Chief ay ikaw talaga ‘yung command responsibility dito,” aniya pa.

“Kung hindi mo ime-mention ‘yan, madadawit ka doon kasi tinatakpan mo eh involved pala, siya mismo, mula sa bibig niya ni Gen. Azurin, PNP Chief na may dalawang heneral na involved sa drugs. Hindi niya pwedeng i-mention dahil pinaghirapan daw nila ‘yung kanilang ranggo,” panawagan ni Pastor Apollo.

Ani Pastor Apollo, dapat ang PNP ang tagapagtanggol ng mamamayan laban sa droga kaya dapat ay hindi ito pagtakpan ni Azurin.

“Aba! Anong klaseng lohika ‘yun? Dapat itong dalawang heneral na ‘to, dapat sila ang tagapagtanggol natin laban sa droga, involved pa sila, pagkatapos pinagtatakpan pa ng ating PNP Chief. Ayaw banggitin ang kanilang pangalan dahil daw pinaghirapan. Eto na nga, pinaghirapan mo ‘yun pagkatapos na-involved ka, dapat alisin sa’yo ‘yun. Dapat tanggalin ka kasi hindi ka example. Hindi ka huwaran. Kung itong mga heneral na ito hindi babanggitin, pagtatakpan. Paano na ‘yung mga pulis na nasa baba? Sasabihin nila, ‘Ito ngang heneral involved sa drugs pagkatapos tinakpan, tinabunan pa. Tayong mga pulis, malaya na tayong gumawa nito,” ayon pa sa butihing Pastor.

“Anong mangyayari sa bayan natin kung ganoon ang mga lider natin? Kung ganoon ang mga lider natin, ganoon sila magsalita, naku mga kababayan, this nation is going to the dogs. We are on the rabbit hole of destruction kung ganito nang ganito. Biro mo, heneral ‘yan na-involved sa drugs, maaari ba ‘yun sa panahon ni Pangulong Duterte? Naku!” dagdag ni Pastor Apollo.

“Maaari ba ‘yan sa panahon ni PNP Chief Bato? Hindi! Kaya may tumatayo para sa atin. Ito’ng binanggit ni General Azurin dito, hindi ka nagtatanggol sa amin General Azurin, pinagtatanggol mo itong dalawang heneral na involved the drugs.”

“Kayo mismo nagsalita niyan, involved sila sa drugs dapat ma-expose sila, dapat litisin sila. Dapat alisin sila sa pwesto. Naka-drug matrix ‘yan. Naku, kung ganito,” ani Pastor Apollo.

“Bakit si General Bantag, hindi involved sa drugs, minention ninyo, hindi pa napatunayan na siya ‘yung mastermind, ginagawa nang mastermind. Sinisiraan na ‘yung mga pinagsasabi ni Percy Lapid. ‘Yun ang palaging nilalagay,” ayon pa sa butihing Pastor.

Samantala, sinabi rin ni Pastor Apollo na kung magpapatuloy ang kawalang hustisya, ay mawawala ang tiwala ng taumbayan sa kapulisan.

Dagdag ng honorary chairman ng SMNI, made-demoralize ang mga taong matuwid at lalakas ang loob ng mga masasama.

 “Ang magiging epekto nito, made-demoralize ang mga taong gustong gumawa ng katuwiran para sa ating bansa at lalakas ang loob ng mga masasamang loob na pinagtatakpan pa, nasa pwesto pa, mga heneral pa. Lalakas ang loob nila,” ayon kay Pastor Apollo.

“Kung nabanggit ni General Azurin na itong dalawang ito, involved the drugs, tapos ayaw niyang i-mention, ano ang mensahe niyan sa taong-bayan? Anong mensahe? ‘Ah ganoon ba?’ Oh eh ‘di wala na tayong mapagkakatiwalaan na pulis. Wala na tayong mapagkakatiwalaang heneral. Hindi na natin ma-alienate ang mga mabuting heneral at sa mga masasama kasi naghalo na,” ayon pa sa butihing Pastor.

“Hindi mo alam kung sino ang mga heneral na ‘yan pero kung banggitin mo sila, alam ng taong-bayan sila ‘yung bulok. Kung bulok na kamatis ‘yan, ilagay mo sa mga kamatis na matutuwid, mahahawa kayo lahat.”

“So, ano pa ang pagtitiwala ng taong-bayan sa sinabi ng PNP Chief na ‘to? May pagtitiwala pa ba tayo sa ating mga pamunuan sa PNP sa mga heneral? Hindi mo alam kung sino. Hindi mo na-pin point kung sino. Damay ‘yung mga mabubuting heneral, ‘di ba?” aniya.

Samantala, bukas naman ang SMNI at si Pastor Apollo C. Quiboloy na makuha ang pahayag at makapanayam ang PNP.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon