BHW Party-list at Move It, nag-aalok ng free rides sa barangay health workers

NAGKAISA ang BHW Party-list at motorcycle firm na Move It para sa proyektong magbibigay ng isang buwang libreng sakay para sa barangay health workers (BHW).

Ayon kay Move It General Manager Wayne Jacinto, isang paraan anila ito ng pasasalamat sa mga BHW lalong-lalo na at isa ito sa nagbibigay serbisyo sa kalagitnaan ng COVID-19 pandemic.

Lubos namang ikinatuwa ni BHW Party-list Rep. Angelica Natasha Co at binigyang halaga ng Move It ang mga BHW.

Nagsimula ang proyekto ng dalawa nitong October 15 at magtatapos ito sa November 15, 2022.

Available ang free rides mula Lunes hanggang Biyernes at dalawang beses ang maximum free ride para sa mga ito.

Hanggang 300 free ride slots ang inaalok at “first-come, first-served” basis ito.

May ibibigay ring promo code ang Move It sa BHW Party-list at ito na ang mamamahagi ng code sa mga BHWs.

Para maka-avail, kailangan lang ipresenta ng BHW ang kanilang official ID.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon