PNP, hiniling sa publiko na agahan ang pagpunta sa mga sementeryo ngayong undas

NANAWAGAN si PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa publiko na samantalahin ang weekend upang bumisita sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ito ay kasunod ng pag-iinspeksyon ni Azurin sa Manila North Cemetery bilang bahagi ng seguridad sa darating na Undas.

Ikinatuwa nito ang nakalatag na Police Assistance Center sa sementeryo upang umalalay sa mga mamamayan.

Sinuri rin ni Azurin ang mga ipinagbabawal na bagay na nakumpiska tulad ng lighter at iba pang gamit.

Nag-alay din ng bulalak si Azurin sa puntod ng yumaong Pangulong Ramon Magsaysay at dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Samantala, iinspeksyunin din ng heneral ang terminal ng bus, pantalan at paliparan sa Metro Manila.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon