Maynilad, magkakaroon ng water interruption simula Nov 1 hanggang 15

INANUNSYO ng Maynilad na magkakaroon sila ng water service interruption sa ilang parte ng Parañaque araw-araw, simula ngayon, November 1 hanggang November 15.

Sa Twitter post nito, sa pagitan ng alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon mangyayari ang water interruption dahil sa isasagawa nilang facility repair activity.

Hinikayat nito ang mga kostumer sa nabanggit na lungsod na mag-imbak ng sapat na tubig.

Pinapayuhan din nila na hayaang dumaloy ang tubig pag ito’y babalik na hanggang magiging malinaw na ang kalidad nito.

Magpapaikot naman anila sila ng mobile water tankers sa apektadong lugar para sa maiinom na tubig at magkakaroon rin ng stationary water tanks na ilalagay sa iba’t ibang lugar.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon