Nasawi sa Halloween disaster sa Seoul, umabot na sa 154

HIGIT 154 katao na ang naitalang nasawi sa Halloween tragedy sa Seoul.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ng South Korea ang crowd surge na nagdulot sa pagkasawi ng mga partygoers.
Nagsimula na ang bansa sa pagpapatupad ng isang linggo na pagdadalamhati nito.
Sa mourning period na ito, lahat ng pampublikong institusyon at mga diplomatiko ay magbababa ng kanilang bandila sa half-mast at ang non-urgent events ay kakanselahin.
Umabot sa 26 na foreign national kabilang na ang 2 Amerikano ang nasawi sa insidente.
Higit isang dosenang embahada naman sa buong mundo ang nagkumpirma na mayroong nasawi sa insidente mula sa kanilang bansa.
Samantala, ayon sa South Korea Ministry of Education, 6 na estudyante ang kabilang sa insidente kung saan isa rito ay mula pa sa middle school.
Ayon sa mga ulat, mabilis na rumesponde ang mga awtoridad ngunit dahil sa sobrang dami ng tao na nagsisiksikan ay hindi nito maabutan ng tulong ang agad na nangangailangan.
Comments
Post a Comment