Madalas na paglabas sa publiko ng mga mahistrado ng Korte Suprema, asahan na ng publiko

GUMAGAWA na ngayon ng ibang pamamaraan ang Korte Suprema para mailapit sa publiko at para mas maramdaman ng taumbayan ang presensya ng Kataas-taasang Hukuman.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na nais kasi nilang maipaliwanag sa publiko ang kanilang mga programa na magpapabago sa ilang mga nakagawian sa judicial system ng bansa o tinatawag na Strategic Plan for Judicial Innovations for 2022-2027.

Ipinaliwanag pa ng Punong Mahistrado na kung kinakailangan ay gagawin nilang mas madalas ang kanilang pagharap sa media para iparating at maipaintindi sa taumbayan ang kanilang mga plano para sa hudikatura.

Batay sa nakasanayan o naging kalakaran ay hindi basta- basta lumalabas at hindi sila basta makakausap kahit ng media pero ngayon ay asahan na aniya na mababago na ang dating sistema sa Korte Suprema.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon