COVID-19, hindi na ituturing na emergency –PBBM

HINDI na ituturing na emergency ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. natukoy na ng Department of Health (DOH) kung anong sektor ang vulnerable sa COVID-19 kung ikukumpara noong nag-uumpisa pa lang ito taong 2020.

Hakbang na rin ito ng bansa ayon kay PBBM upang makapagbukas na ang mga negosyo.

Nilinaw rin ng Pangulo na hindi pa rin naman tatanggalin ang state of calamity ng bansa.

Ito’y para makukuha pa rin ang health workers ng kanilang COVID-19 benefits na itinakda ng batas.

Magiging mabagal na rin ang pag-iimport ng bakuna.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon