Seguridad ng 4 na presong iniuugnay sa pagkamatay ng umano’y middleman sa Lapid killing, siniguro ng DOJ

TINIYAK ng Department of Justice (DOJ) na ligtas sa pasilidad ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na inmates ng New Bilibid Prison na sinasabing may kinalaman sa posibleng sadyang pagpatay kay Jun Villamor na umano’y middleman sa Percy Lapid killing.

Ito ang pangako o sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla makaraang inilipat kahapon sa NBI-NCR Detention Center ang apat na bilanggo para mabigyan ng mas mahigpit na seguridad.

Nilinaw naman ni Remulla na bago inilipat sa NBI ang apat ay kinuhanan muna sila ng kanilang mga statements na posibleng magamit laban sa maaaring nag-utos sa kanila para ipapatay si Villamor.

Inamin ng DOJ na hindi maiaalis ang hinala o posibilidad na hindi natural death at sa halip ay baka sinadyang pinatay si Villamor noong hapon ng October 18.

Mananatili umanong nasa NBI Detention Center ang apat na inmates hanggang hindi nareresolba ang kaso.

Kaugnay nito ay hindi muna pangangalanan ng NBI at ng DOJ ang mga inmates bilang bahagi ng kanilang seguridad at ng kanilang pamilya at hindi rin nagbigay ng detalye ng mga testimonya ng apat na inmates.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon