Martin Nievera, proud na ama sa kanyang anak na may autism

NAGING emotional ang singer na si Martin Nievera habang ibinabahagi nito ang karanasan bilang ama na may anak na may special needs.

Kasabay sa pagdiriwang ni Martin ng ika-40 taon sa entertainment industry, hindi nito maiwasang maging emotional habang ikinukwento ang patungkol sa kanyang anak na si Santino na may autism spectrum disorder (ASD).

Aniya laking pasalamat niya at nagkaroon siya ng anak na katulad ni Santino na nagbibigay hamon sa kanyang buhay ngunit sa kabila nito hindi nito maiwasang matakot.

Sa ngayon, si Martin at ang kanyang dalawa pang anak na sina Robin at Ram ang nag-aalaga kay Santino sa Estados Unidos.

Matatandaan na, isa si Martin sa mga nagperform sa “Be You: The World Will Adjust” concert na dedicated para sa mga taong may special needs.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon