Thailand, minomonitor ang lahat ng arrival mula sa Africa sa gitna ng Ebola outbreak

MAHIGPIT na binabantayan ng Thailand ang lahat ng arrival mula sa Africa upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na Ebola outbreak sa bansa nito.

Sa gitna ng nagpapatuloy na Ebola outbreak sa Uganda, ang mga pasahero na nanggagaling mula sa mga bansa sa East Africa ay kinakailangang sumailalim sa health screening at mag-rehistro ng kanilang pagdating bago tuluyang makapasok sa bansa.

Hinigpitan ng mga Thai official ang monitoring sa mga pagdating mula sa mga bansa sa Africa lalo na sa Uganda sa gitna ng nagpapatuloy na Ebola outbreak roon.

Hanggang Oktubre 24, inihayag ng Ministry of Public Health ng Uganda na nakapagtala na ito ng 90 Ebola infections.

Sa bilang na ito 44 ang nasawi kabilang na ang 5 medical personnel na naimpeksyon.

Ang Sudan strain na nagdulot ng Ebola outbreak sa Uganda ay mayroong 53 porysento na mortality rate.

Ang nakahahawang sakit ay nagpapakita ng mga sintomas ng kahinaan, muscle pain, sakit sa ulo, sore throat, pagsusuka at diarrhea.

Hindi pa idinedeklara ng World Health Organization ang kasalukuyang outbreak na isang public health emergency pero ang Thailand ay nagpatupad na ng mga hakbang bilang proteksyon at maiwasan ang pagpasok ng sakit na ito sa bansa.

Ang Ebola ay unang nadiskubre ng Democratic Republic of Congo taong 1976 pero hanggang sa araw na ito hindi pa natutuklasan ng mga eksperto ang lunas sa nakamamatay na virus.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon