Rabiya Mateo, pinatuloy ang mga na scam na drag queens; Netizens namangha sa kabutihang loob ng beauty queen

NAGULAT ang netizens sa kabutihang loob ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Iyan ay matapos na walang pag-aalinlangan nitong tinulungan at pinatuloy sa kanyang bahay ang mga drag queens mula Baguio City na dadalo sana sa isang drag show sa Bonifacio Global City noong Huwebes nang gabi.
Na-scam kasi ang Baguio queens sa AirBnB na nai-book ng mga ‘to na kanilang dapat rerentahang lugar sana.
Panawagan ng drag queens sa pamamagitan ng isang facebook post, kahit matutuluyan lang sana para may mapag-ayusan sa drag cartel na dadaluhan nila.
To the rescue naman si Rabiya at in-offer ang mismong place nito.
Inulan naman ng pasasalamat ang beauty queen sa social media. Sabi pa ng netizens, “beautiful inside and out!”
Comments
Post a Comment