UAE, magpapadala ng $100-M humanitarian aid sa Ukraine

MAGPAPADALA ang United Arab Emirates (UAE) ng $100-M humanitarian aid sa Ukraine.

Ang tulong na ito ay makakatulong sa mga sibilyan na naapektuhan ng nagpapatuloy na krisis.

Inihayag ni Reem Bin Ebrahim Al-Hashimy, Minister of State for International Cooperation na ang tulong na ito ay mula sa paniniwala ni Sheikh Mohamed na importante ang pagkakaisa sa panahon ng kaguluhan.

Ito ang huling tulong na ipapadala ng UAE sa Ukraine na kasalukuyang nasa gitna ng isang digmaan.

Ang UAE ay nagpadala ng kaparehas na relief aid sa mga sibilyan ng Ukraine na naapektuhan ng krisis.

Ang tulong na ito ay kasunod ng pag-uusap sa telepono ni Sheikh Mohamed kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon