Pilipinas, nakibahagi sa pagpupulong kaugnay sa disaster management sa Thailand

NAKIBAHAGI ang Pilipinas sa ika-41 pagpupulong ng ASEAN Committee on Disaster Management (ACDM) sa Bangkok, Thailand ngayong araw.

Sa nasabing pagpupulong, nagbigay ng update si Civil Defense Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer sa pagpapatupad ng mga pangunahing dokumento ng ASEAN na inendorso ng ACDM kamakailan.

Kabilang dito ang ASEAN Regional Plan of Action for Adaptation to Drought 2021-2025, at Implementation of the ASEAN Framework on Anticipatory Action in Disaster Management.

Ang 41st ACDM Meeting ay ang una sa mga pagpupulong ng ASEAN na may kaugnayan sa disaster management.

Tatagal ang pagpupulong hanggang Oktubre 21.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon