Mga Pilipino sa Ukraine, wala sa mga lugar kung saan may martial law –DFA

WALANG mga Pilipino sa Ukraine ang nakatira sa mga lugar kung saan ipinapatupad ng Russia ang martial law.

Ang apat na Ukrainian Regions kung saan ipinatutupad ng Russia ang martial law ay sa Donetsk, Lugansk, Kherson at Zaporizhzhia.

Sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), 25 na mga Pinoy lang ang alam ng Philippine Embassy sa Warsaw ang nasa Ukraine at madalas sa mga ito ay nakatira sa Kyiv.

Kumpirmado rin ang datos ng Honorary Consulate General sa Kyiv.

Sa kabila nito ay nakahanda ang DFA na tulungan ang mga ito sakaling nais umuwi sa Pilipinas.

Sa unang bahagi ng taon ay mahigit 450 na mga Pilipino ang tinulungan ng DFA at halos 400 ang nakauwi sa bansa.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo