Pangulong Marcos, nag-ocular inspection sa Ormoc Airport ngayong araw

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ocular inspection ngayong araw sa ni-rehabilitate na Ormoc Airport.
Ang rehabilitasyon at renobasyon ng nasabing paliparan at iba pang airports sa bansa ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Transportation at Department of Tourism.
Bahagi ito ng programa ng administrasyong Marcos na may layong palakasin ang Philippine tourism sector.
Sa ginanap na Cabinet meeting nitong Oktubre 11, natalakay ang patungkol sa pagsasaayos ng mga paliparan bilang bahagi ng layuning i-ahon ang ekonomiya ng bansa sa tulong ng masiglang turismo.
Matatandaang sinimulan ang pagsasaayos at pagpapalawak ng nasabing paliparan sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Comments
Post a Comment