57 sako ng puti at dilaw na sibuyas, lumabag sa Food Safety Act

TINATAYANG nasa 57 sako ng white/yellow onions o sibuyas ang nakumpiska at dinala sa BPI Quarantine Office para suriin at maging bahagi ng ebidensya para sa kaukulang kaso na isasampa laban sa may-ari ng nasabing produkto.

Kasunod ito ng isinagawang operasyon sa pinagsanib na pwersa ng Department of Agriculture (DA), Bureau of Plant and Industry (BPI), Bureau of Customs (BOC), at Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pakikipagtulungan na rin ng Manila Police District sa bisa ng Implementing Letter of Authority at ang Food Safety Act para sa pag inspeksyon sa isang lugar sa loob ng Divisoria Market na  pinaniniwalaang lumabag sa Food Safety Act sa pag-import ng mga sibuyas.

Paalala ng mga awtoridad lalo na sa mga negosyante na mag-ingat sa mga pinapasok na negosyo para maiwasang mapahamak.

Patuloy rin ang imbestigasyon sa kaso sa posibleng kahalintulad na mga modus sa loob ng Divisoria Market.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon