Posts

Showing posts from November, 2022

2 indibidwal, tiklo sa anti-drug operation sa Rizal

Image
ARESTADO ang dalawang drug suspects matapos ang isinagawang operasyon sa San Mateo, Rizal. Ito ay sa pangunguna ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station kasama ang Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU). Sa ulat kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. , kinilala ang mga nahuli na sina Diadema Babasa, 56 taong gulang, high-value individual at Betty Babasa, 45 taong gulang. Nakumpiska ng mga pulis ang mahigit 1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga sa mahigit 6.9 milyong piso. Muling tiniyak ni General Azurin ang seguridad ng publiko lalo na sa iligal na droga. Follow SMNI News on Twitter

South Korea, bukas sa pakikipag-ugnayan sa US sa gagawing Naval Exercise

Image
BUKAS ang South Korea sa pakikipagpulong sa Estados Unidos ukol sa gagawing Naval Exercise sa loob ng 4 na araw. Nagsimula na ang unang araw na Naval Exercise ng South Korea sa Estados Unidos upang mapalakas pa lalo ang depensa ng bansa pagdating sa digmaan. Sa loob ng 4 na araw na Combined Naval Exercise ng South Korea at Estados Unidos, bukas ito sa paggamit ng 20 war ships, nuclear powered aircraft carrier, USS Ronald Reagan at maging ang strike group training. Base sa report, ang super carrier ang gagamitin sa pagsasanay ng dalawang bansa at kayang magdala ng 80 fighter jets at 5,000 sailors. Maliban dito pag-aaralan din ng dalawang bansa kung papaano ang tamang paggamit ng mga 7,600 ton guided-missile destroyer, ROKS Seoae Ryu Seong-Ryong at 4,400 ton destroyer. Samantala, target din ng South Korea na mas mapalalim pa ang ugnayan sa Estados Unidos sa pagpapalawak ng kaalaman sa sasakyang pandigma sa himpapawid. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Mandatory quarantine sa mga COVID-19 patient sa Malaysia, magpapatuloy hanggang katapusan ng taon

Image
MAGPAPATULOY ang mandatory quarantine sa mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19 hanggang sa katapusan ng taon sa pagsasaalang-alang ng panuntunan na ipinatupad sa Malaysia . Inihayag ni Health Minister Khairy Jamaluddin na magpapatuloy hanggang katapusan ng taon ang mandatory quarantine para sa mga COVID-19 patient. Ayon kay Jamaluddin, ang pagsasaalang-alang ng panuntunan na ito ang isa sa mga pangunahing dahilan sa pagkontrol ng COVID-19 pandemic sa bansa. Ang pinakahuling mga panuntunan sa quarantine ng COVID-19 ay nagsasaad na ang mga positibong kaso ng COVID-19 ay dapat ma-quarantine sa loob ng 7 araw mula sa araw na natanggap nila ang positibong resulta ng pagsusuri, anuman ang COVID-19 vaccination status ng mga ito. Gayunpaman, maaring tapusin ng mga COVID-19 patient ang kanilang quarantine nang mas maaga kung magnegatibo ang resulta ng RTK-AG test nito sa loob ng ikaapat na araw. Samantala, maari ding gawin ang pagsusuri sa ikalima o ikaanim ng quarantine at kung positibo a...

COVID-19 tracking sa Japan, nakatuon na lang sa mga matatanda at madaling mahawaan ng sakit

Image
NAKATUON na lang ngayon ang bansang Japan sa pag-track ng COVID-19 sa mga mamamayan nitong matatanda na at madaling mahawaan ng sakit. Pinadali na ng pamahalaan ng Japan ang pagtatrack ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Kung ikukumpara noong nakaraang taon hindi na kinakailangang magsulat ng pangalan o maging address ng isang pasyente kung magpapatest ito. Pahayag ng pamahalaan, obligado ang lahat ng mga ospital sa bansa na magbigay ng kaukulang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19. Ayon naman kay Health Minister Katsunobu Kato, nagpahayag ng pangamba ang mga mamamayan sa bansa na nakatira ngayon sa mga munisipalidad dahil sa posibleng hindi ito makakasali sa mga naitatalang kaso ng sakit. Samantala, nangako naman ang health minister ng Japan na magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga kawani nito upang matuldukan na ang hawaan ng nasabing sakit. Follow SMNI News on Twitter

Klase sa mga paaralan sa Luzon at Metro Manila, kanselado bukas dahil sa Super Typhoon Karding

Image
KANSELADO ang mga klase sa lahat ng paaralan sa Luzon at ilang bahagi ng Metro Manila dulot ng Super Typhoon Karding. Narito ang mga lugar na nagdeklara ng walang pasok sa Lunes, September 26, 2022, dahil sa Super Typhoon Karding (Noru): Luzon: Aurora: all levels, public and private Rizal: all levels, public and private Cavite Silang: all levels, public and private Nueva Ecija: all levels, public and private Tarlac Tarlac City: all levels, public and private Bulacan Guiguinto: all levels, public and private Malolos City: all levels, public and private Metro Manila: Caloocan City: all levels, public and private Manila: all levels, public and private, face to face and online Muntinlupa City: all levels, public and private Marikina City: all levels, public and private Taguig City: all levels, public and private Pateros: all levels, public and private Patuloy ang update sa balita kaugnay sa Super Typhoon Karding. Follow SMNI NEWS in Twitter

Lungsod ng Maynila, walang pasok sa lahat ng paaralan bukas

Image
IDINEKLARA ni Manila City Mayor Honey Lacuna ang pagsuspinde sa klase ng lahat ng lebel ng pampubliko at pribadong paaralan kabilang ang face-to-face at online bukas ng Lunes, Setyembre 25, 2022 dahil sa Super Typhoon Karding. Manila Mayor Honey Lacuna declares classes in ALL LEVELS, public and private, face to face and online, are hereby suspended in the City of Manila, tomorrow, September 26, 2022 due to #KardingPH . #AlertoManileno #WalangPasok pic.twitter.com/Mgm7YceM3O — Manila Public Information Office (@ManilaPIO) September 25, 2022 Suspindido rin ang lahat ng pasok sa Manila City Hall maliban sa mga departamento at opisina na may kaugnayan sa disaster and emergency response. Diskarte na rin sa mga employer sa pribadong kompanya ang suspensyon ng kanilang trabaho. Samantala, naka-red alert na ang Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at iba pang departamento ng Manila City Government ngayong araw. Patuloy na isinasagawa naman ang declogging oper...

Pastor Apollo, wawasakin ang mga kalaban ng estado

Image
WAWASAKIN ni Pastor Apollo C. Quiboloy , Honorary Chairman ng SMNI ang teroristang grupong CPP-NPA-NDF . Kasunod ito sa pagbasura ng Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Malagar sa petition for proscription ng Department of Justice (DOJ) laban sa CPP-NPA noong 2018 para maideklara ang mga ito bilang teroristang grupo. Kasabay na rin ng pahayag ng naturang judge na umano’y common crime lang ang ginagawa ng teroristang grupo. Binigyang-diin pa ni Pastor Apollo na hindi niya titigilan ang laban kontra CPP-NPA-NDF hanggang sa tuluyang mawasak ang itinuturing  salot ng lipunan. Binanatan din ni Pastor Apollo ang mga aktibistang namumundok at nag-aarmas para kalabanin ang gobyerno. Kung ang CPP-NPA aniya ay mga aktibista na kinakalaban ang pamahalaan, sinabi ng butihing Pastor na aktibista rin siya subalit para sa katotohanan. Sa kanyang programang Spotlight nitong Biyernes, sinabi pa ng butihing Pastor na gagamitin niya ang kanyang broadcasting network para ipalagan...

Recruitment agencies, inatasan na tigilan na ang pag-require sa OFWs na magsuot ng PPEs

Image
NAGLABAS ng advisory ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) laban sa requirement ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na magsuot ng full personal protective equipments (PPEs) habang papaalis na ng bansa. Ang naturang advisory ay bilang tugon sa direktiba ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan ‘Toots’ Ople na tigilan na ang requirement sa mga OFW na magsuot ng PPE sa paliparan. Sa POEA Advisory Number 62 Series of 2022, pinaalalahanan ang mga recruitment agency na iwasang pasuutin ng PPEs ang mga OFW na patungo sa kanilang destination countries.   “The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) has not issued nor implemented rules and guidelines mandating the use of personal protective equipment (PPE) by overseas Filipino workers (OFWs), whether in Philippine airports or in the countries of destination,” saad ng POEA Advisorty #62 Series 2022. Naniniwala ang DMW na sapat nang proteksyon para sa mga OFW ang pagpapabakuna laban s...

Libu-libong fans ni Andrew E, dumalo sa Bagong Pilipinas Rap Festival Tour sa Rio Banquet Calgary AB

Image
ISANG maingay at matagumpay na concert ng Filipino Rap Festival ang naganap sa Rio Banquet Calgary, Alberta AB noong nakaraang Sabado kung saan ang tinaguriang ‘Master of Rap’ na si Andrew Espiritu o mas kilala bilang ‘ Andrew E’ ay muling nagpakitang gilas ng kanyang galing sa pag rap. Si Andrew E ay naging sikat noong 1990 dahil sa kanyang kanta  na “Humanap ka ng panget” Ilan din sa mga performer na kasama ni Andrew E ay ang Fuzbuzlaw, Salbakuta, Krussada, at Six Threat at iba pang local Filipino artist na naka base sa Calgary na nagpakitang gilas din sa opening act. Nagpahayag naman ng kasiyahan ang concert goers at sila’y umaasa na magkakaroon pa ng susunod na concert si Andrew E. “ Sulit na sulit yung Andrew E dito sa Calgary, 1991 pa lang kilala ko na si Andrew E, high school pa lang ako noon at tsaka taga Davao ako, Duterte country, Mabuhay po tayo lahat, Filipino in Calgary”. “I came from Regina, Saskatchewan, nag travel pa kami almost 8 hrs para mapanood namin yu...

Office of the Vice President, naghahanda na para sa Senate budget hearing

Image
NAGHAHANDA na ang Office of the Vice President para sa kanilang Senate budget hearing para sa taong 2023 matapos itong aprubahan ng Kongreso. Nakatakdang depensahan ng OVP ang budget nito sa Senado sa Setyembre 29. Pagtitiyak ni OVP Spokesperson Atty. Reynold Munsayac na nakahanda rin ang OVP na ipaliwanag nang mabuti ang lahat ng mga katanungan. Ang OVP ay proposed budget na ₱2.3-bilyon para pondohan ang mga Projects, Programs and Activities (PPAs) nito na karamihan ay mga social services at livelihood programs. Nagpapasalamat naman ang OVP sa kanilang budget sponsors at sa mga miyembro ng Kongreso dahil sa mabilis na pagpasa ng kanilang budget. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Japan, makikipagpulong sa Italy para sa usapin ng makabagong fighter jets

Image
HANDA ang Japan na makipagpulong sa Italy sa usapin ng pagpapalago ng makabagong fighter jets. Sa susunod na buwan sisimulan na ng Japan ang ugnayan nito sa Italy para sa ika-anim na henerasyon ng fighter jets. Ayon kay General Luca Goretti ng Italian Air Force isang magandang pagkakataon na makipag-ugnayan sa Japanese Air Force lalo na sa usaping pandigmaang himpapawid upang mapabilis at mapalakas pa nito lalo ang gagamiting bagong henerasyon ng fighter jets. Dagdag pa ng heneral, kung mapapalalim pa nito ang usapin sa teknolohiya sa Japan tiyak na lalakas pa ito. Maliban dito plano ng Japan na mapalalim ang pag-aaral sa F-X program bilang kapalit ng Mitsubishi F-2 fighter program. Samantala, inaasahan din ngayong taon ang pakikipag-ugnayan ng United Kingdom sa Japan ukol pa rin sa usapin ng mga makabagong kagamitang pandigma sa himpapawid. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

British pound bumaba laban sa dolyar

Image
PAGKATAPOS ideklara ni Vladimir Putin na tumatawag siya ng mga reserbang sundalo para lumaban sa Ukraine at inakusahan ang kanluran ng “nuclear blackmail” ay bumagsak ang pound. Ito ang bagong naitalang pinakamababang palit sa dolyar, na naikumpara sa nakalipas na 37 taon. Naalarma ang mga mangangalakal sa mga komento, na nagresulta sa pagpili nila sa mas ligtas na pamumuhunan tulad ng dolyar, ginto, at mga bono, na lahat ay itinuturing na hindi gaanong peligroso. Bago muling bumangon, pansamantalang bumaba ang pound sa $1.13040, ang pinakamababang punto nito mula noong 1985. Ang nasabing pagbaba ng palitan ay sumunod din sa datus ng UK na nagpapakita na tumaas ang bayad ng interes sa paghiram sa banko simula nung Agosto habang ang inflation ay tumaas. Sa Huwebes, ang Bank of England (BOE) ay inaasahang tataas muli ang mga rate ng interes. Ang pagtaas ng mga rate ng interes ay ginagawang mas mahal ang paghiram at hinihikayat ang mga tao na gumastos nang mas kaunti, na maaaring...

Higit 20 brgy sa Metro Manila, tatanggap ng mga paddle boat sa ilalim ng Manila Bay Rehab Program

Image
NAGBIGAY ang National Capital Region (NCR) ng mga paddle boat sa mga barangay sa mga priority waterways ng Metro Manila sa ilalim ng Manila Bay Rehabilitation Program. Pinangunahan ni Regional Executive Director Jacqueline A. Caancan ang paglagda ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang mga recipient barangay sa paglipat ng mga paddle boat. Sa kabuuan, 20 barangay o 5 barangay bawat isa para sa 4 na administrative area sa ilalim ng DENR Metropolitan Environmental Offices (MEOS) ng Metro Manila—ang tatanggap ng mga paddle boat na maaaring gamitin hindi lamang sa paglilinis at pagpapanatili ng Ilogo Creek sa ilalim ng kanilang nasasakupan ngunit sa emergency response din. Samantala ang DENR-NCR ay nangunguna sa mga pagsisikap na i-rehabilitate ang mga daluyan ng tubig ng Metro Manila upang maiwasan ang pagkasira ng Manila Bay. Follow SMNI News on Twitter

UAE, naghahanda sa paglulunsad ng kauna-unahan nitong Moon Mission sa Nobyembre

Image
NAGHAHANDA ang United Arab Emirates (UAE) na gumawa ng bagong kasaysayan sa sektor ng global space industry sa pamamagitan ng posibleng paglulunsad ng kauna-unahang Moon Mission ng bansa sa buwan sa darating na Nobyembre. Matapos na mahusay na nailunsad ng Emirati Mars Mission ang byahe patungo sa Red Planet na Mars noong nakaraang taon, sinusubukan naman nitong mag-deploy ng kauna-unahang rover nito sa buwan sa Nobyembre. Ang Lunar Rover na Rashid ay ilulunsad sa pamamagitan ng SpaceX Falcon 9 rocket mula sa Kennedy Space Center sa Florida sa pagitan ng Nobyembre 9 at 15. Ihahatid naman ng Japanese Lander Hakuto-R Mission 1 ang Rashid Rover sa buwan at ang eksaktong launch date ay iaanunsyo sa susunod na buwan. Matatandaan na noong Hunyo ay pinuri ni UAE Pres. Sheikh Mohamed ang makasaysayang misyon ng bansa at nakipagkita sa mga engineer na nag-develop ng misyon na ito mula taong 2017. Ang Rashid ay idedeploy sa hindi pa gaanong napuntahan na bahagi ng buwan na kilala sa tawag...

Suplay ng bigas at karne ngayong holiday season, sapat pa –DA

Image
INIHAYAG ng Department of Agriculture (DA) na may sapat na suplay ng bigas at karne ang bansa ngayong holiday season. Base kasi sa supply outlook ng National Rice Program ng DA, tumaas ang produksyon ng lokal na palay sa bansa. Ibig sabihin, kayang-kayang tugunan ng mga magsasaka ang pangangailangan ng ating bansa sa pagtatapos ng 2022. Samantala, maging sa suplay ng mga lokal na manok at baboy ay sapat din, batay sa Philippine Food Supply Demand and Sufficiency Outlook para sa 2022, nasa 1.82 million metric tons ang kabuuang suplay ng broiler para sa taong 2022. Mula sa naturang bilang, nasa 1.65 million MT ay mula sa locally produced. Habang ang pork supply outlook naman ay nasa 1.79 million MT ang demand para sa taong ito. Pagtitiyak pa ng agricultural sector, magkakaroon ng masaganang suplay hanggang sa 2023. Follow SMNI News on Twitter

Pasig City, inilunsad ang COVID-19 vaccination caravan para sa mga Pasigueño

Image
INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Pasig City ang COVID-19 vaccination caravan o ang “CaraVacc to the Community” program. Naglalayon itong palakasin ang vaccination rate sa lungsod sa pamamagitan ng pag-set up ng mga site sa mas maginhawang lugar na malapit sa mga tirahan, paaralan, o lugar ng trabaho. Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, mas magiging madali ito para sa mga hindi pa nabakunahan dahil inilapit na mismo ng lungsod ang vaccination program. Sa ulat ng Pasig City COVID-19 Vaccination Team (PCCVT), 7,090 indibidwal ang nabakunahan sa nakalipas na 22 araw ng paglulunsad ng CaraVacc. Sinabi rin ni Mayor Sotto na nasa 14,688 na mag-aaral ang nabakunahan sa kanilang “CaraVacc to School” sites simula noong magbukas ang klase, Agosto 22. Samantala nananatiling bukas ang Pasig City General Hospital (PCGH) tuwing Biyernes para mabakunahan ang mga indibidwal na may comorbidities. Follow SMNI News on Twitter

Pastor ACQ, sang-ayon sa pahayag ni Cong. Marcoleta na walang ‘red-tagging’

Image
SA kanyang programang Powerline nitong Martes, sinuportahan ni Pastor Apollo C Quiboloy ang ginawang pagbanat ni SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta sa mga komunista dahil sa paggamit nila ng salitang red-tagging. Ayon sa kongresista, wala sa diksyunaryo ang salitang red-tagging; dinugtungan naman ni Pastor Apollo ang gamit ng nasabing salita. “Tama si Cong. Marcoleta. Wala namang ‘red-tagging.’ Ginawa lang naman ng mga komunista iyan para sila’y makatago. So walang red-tagging. Kung komunista ka, komunista ka. Kung kampi ka sa komunista, kampi ka sa komunista,” pahayag ni Pastor Apollo. “Kampi kayo sa NPA di ba? Eh di kampi kayo sa NPA. Asan ang red-tagging doon? Kaya tama iyong sinabi ni Cong. Marcoleta. Pagpalain siya. Kayong mga KAGAT party-list, mga red kayo talaga. Mga red tide kayo talaga eh. Bakit hindi ninyo palitan ang inyong bandera? Imbes pula, gawin ninyong blue o kaya yellow. Pagka yellow kayo, yellow-tagging? Pink-tagging? Saan ba iyang tagging-taggin...

Australia, suportado ang G7 sa pagpapatupad ng price cap sa Russian oil

Image
SINUPORTAHAN ng Australia ang plano ng G7 nations na magpatupad ng price cap sa Russian oil. Ito ay isinusulong ng mga nasabing bansa upang subukan na bawasan ang abilidad ni Pres. Putin ng Russia na pondohan ang pwersa nito na nasa Ukraine. Kahit nagpatupad na ng ban sa lahat ng import ng Russian oil, gas at refined petroleum products ang Australia, inihayag ni Treasurer Jim Chalmers na ang pagsuporta sa aksyon ng G7 ay maghihikayat sa ibang bansa na sumunod upang magkaroon din ng moderasyon sa global oil price. Ang cap ay napagkasunduan ng G7 Nations noong Setyembre 2 at magiging epektibo na sa Disyembre 5 at naglalayon na pwersahin na ibaba ang presyo ng Russian oil sa aabot sa 40 dolyar hanggang 60 dolyar na halaga bawat barrel. Samantala, nagbabala naman si Russian Pres. Vladimir Putin sa sinumang lalahok sa price cap scheme na ito ay hindi pagbebentahan ng bansa ng langis. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pinoy designers, ibinida ang mga disenyong gawa sa MUSA Fabric sa New York Fashion Week

Image
IBINIDA ng mga Pinoy designers ang mga disenyong gawa sa banana o MUSA Fabric sa katatapos lang na New York Fashion Week . Sa katatapos lang na New York Fashion Week ibinida ng mga Pilipino designer ang mga disenyong mula pa sa Davao del Norte. Umani ng paghanga ang mga kakaibang likha mula sa iba’t ibang designer na nagmula pa sa maraming bansa na lumahok sa fashion week. Ang mga disenyong ito ay gawa pa sa banana fiber na gawa ng mga katutubo sa Davao Region. Higit sa lahat hinangaan ang MUSA dahil sa adbokasiya nito na nagbibigay ng pangkabuhayan sa mga katutubo at jail inmates sa Davao del Norte. Ang MUSA Fabric ay nagsimulang makilala sa international stage dalawang taon nang nakalipas at nakapagtayo na ito ng dalawang livelihood center para sa Ata-Manobo Tribe at Kagan Tribe at ngayon ay magtatayo na naman ng karagdagang livelihood center para sa Mansaka Tribe. Sa pamumuno ni Joy Soo ang CEO, founder at designer ng House of Musa ay nakilala ang MUSA Fabric. Kasama rin sa ...

Philippine Coast Guard, ikakasa ang pagbabawal ng single-use plastic sa karagatan

Image
BALAK ng Philippine Coast Guard (PCG) na tuluyan nang i-ban ang paggamit ng single-use plastic sa karagatan. Ito ay parte ng kanilang inisyatiba kasabay ng pagdaraos ng 2022 Maritime Week. Ngayong araw Setyembre 19 hanggang Setyembre 25 ay idaraos ng mga maritime stakeholders ang 2022 Maritime Week. Ito ay taunang ginagawa ng DOTr, Marina, PCG, Philippine Ports Authority, PPA Port Operations and Services Department para makapaggawa ng mga polisiya na makatutulong sa karagatan ng bansa. Para sa taong ito, ang tema ay “New Technologies for Greener Shipping” kung saan balak ng mga stakeholder na magkaroon ng mga programa na makatutulong para maibsan ang sea pollution at mai-promote ang marine preservation. Susuportahan ni PCG Commodore Armand Balilo ang pagpapabawal sa paggamit ng single-use plastic sa karagatan lalo na sa hanay ng kanilang mga empleyado o personnel. Karamihan aniya ng basura na nakukuha sa karagatan ay mga plastik. Ayon kay Balilo, pwede nilang patawan ng penalt...

Paglikas ng higit 2-M katao dahil sa bagyo, ipinag-utos ng Japan

Image
IPINAG-utos ng pamahalaan ng Japan ang agarang paglikas ng higit 2 milyong mamamayan nito dahil sa masamang epekto na posibleng idulot ng bagyong Nanmadol. Sa datos ng meteorological agency ng bansa nananatili sa 180 kilometers ang maximum winds ng bagyo o 112 miles kada oras mula sa hilagang bahagi patungong kanluran sa Kyushu Region. Ayon sa ahensya, ang signal warning na ito ay ang pinakamataas na nilang naitala, epekto na rin ng malakas na bagyo. Dagdag pa nito na paminsan-minsan lang naitatala sa bansa ang pagpasok ng napakalakas na bagyo. Samantala, inanunsyo rin ng mga paliparan sa Japan na maaapektuhan ang buong flights pati na rin ang bullet trains services sa bansa. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Obispong nag-iimbak ng mga armas ng rebelde, pinangalanan ng pastor ng UCCP

Image
TAHASANG isiniwalat ngayong araw ni Pastor Nathaniel Annas mula sa United Church of Christ of the Philippines (UCCP) ang nangyayaring katiwalian sa loob ng kanilang simbahan. Ito ay ang pagkaka-involve ng mga obispo sa mga gawa ng CPP-NPA-NDF sa kanilang denominasyon. Kabilang sa di-akalain ng naturang pastor ay ang pag-iimbak ng baril ng rebeldeng armadong kilusan sa mga simbahan. Ang salarin, isang si Jeanne Escabal o “Ka Susan” na isang obispo at kasalukuyang may mataas na katungkulan sa simbahan. Para naman kay Pastor Annas, handa siya sa kung anong pwedeng mangyari sa kaniyang buhay sa pagsisiwalat niya ng mga gawa umano ng mga obispo sa kanilang denominasyon. Follow SMNI News on Twitter

2 babae na sangkot sa child abuse, arestado ng PNP-WCPC

Image
HIMAS-rehas sa ikinasang entrapment operation ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang dalawang babae na sangkot sa pagbebenta ng mga malalaswang video ng mga bata nitong gabi ng Huwebes, Setyembre 15 sa Bulacan at Leyte. Naalarma ang PNP-WCPC nang inirefer ng United States’ Homeland Security Investigations Manila ang nasabing kaso ng pang-aabuso sa PNP. May kaparehong referrals din ang German Police, Nordic Liaison Office at Australian Federal Police sa PNP kung saan kasalukuyang iniimbestigahan na o naaresto na nila ang mga mamamayan ng kani-kanilang bansa na bumili ng mga nasabing video. Batay sa kanilang imbestigasyon, nasa higit 20 bata ang biktima ng pang-aabuso na mapapanood sa mga video na nakumpiska. Nasa 12 bata ang narescue ng PNP-WCPC sa ikinasang operasyon na kasalukuyan nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development. Follow SMNI News on Twitter

Sen. Revilla may pa bloodletting bilang bahagi sa pagdiriwang ng kanyang ika-56 na kaarawan

Image
BILANG bahagi sa naunang pagdiriwang sa ika-56 na kaarawan ni Senator Bong Revilla Jr. ay pinangunahan ng senador ang isang bloodletting activity sa Cavite. Sa Bacoor, Cavite maagang tinungo ng mga miyembro ng kapulisan at kasundaluhan ang Strike Revilla Gym, hindi para manghuli ng mga kriminal kundi makiisa sa isang bloodletting activity. Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Sen. Revilla na nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-56 na kaarawan sa Setyembre 25. Kasama ng senador ay ang kanyang maybahay, na si Congresswoman Lani Mercado-Revilla.   “Tatlong hospitals po ang aalayan natin ng dugo sa araw na ito. Alam naman po nating lahat na ang pag-aalay ng dugo ay isang noble cause. Ito po ay… Nagbabahagi kayo ng inyong buhay sa ibang taong nangangailangan. Alam naman po natin na if you donate blood ay nakakatulong po ito sa inyong kalusugan. Dahil importanteng importante po sa ating lahat ang iron na andun po sating dugo. Pag defficient po kayo sa iron, mahirap. Pero pag ove...

Dubai, nakuha ang ika-23 pwesto bilang popular na syudad sa pinakamayayamang residente

Image
NASA ika-23 pwesto ang Dubai sa popular na syudad sa pinakamayayamang residente. Napabilang ang Dubai sa listahan ng pinaka-popular na syudad para sa pinakamayayaman matapos itong makapagtala ng 18 porsyento na pagtaas sa kita ng mga indibidwal na mayroong malalaking net worth sa unang 6 na buwan ng taon. Ang status ng Dubai bilang isa sa pinakamabilis na lumalagong syudad ay naging dahilan para tawagin itong City of Gold, Gulf Tiger at Jewelry Destination of the World. Ayon sa isang bagong pag-aaral, natuklasan na ang Dubai ay bahay ng 13 bilyonaryo, 202 centimillionaire at tahanan ng aabot sa 68 milyonaryo. Ang ulat na ito ay nailathala ng London-based firm Henley Global Citizens report para sa ikalawang kwarter ng taon. Ayon pa rito, dahil sa basic materials, hotels, financial services, oil and gas, real estate, retail at transport ay napanatili ng Dubai na matatag ang ekonomiya nito. Ang prime residential areas gaya ng Emirates Hills, Jumeirah Golf Estates at Palm Jumeirah ...

Grupo ng mga negosyante, hindi maitago ang pangamba sa mga insidenteng kidnapping at iba pang krimen

Image
AMINADO ang Federation of Philippine Industries (FPI) na may pangamba sila sa mga napapabalitang mga insidente ng kidnapping at iba pang mga krimen. May iginiit naman ang grupo na dapat gawin ng kasalukuyang administrasyon hinggil sa pagsubok na kinakaharap ngayon ng pamahalaan. Hindi lingid sa kaalaman ng mga miyembro ng FPI ang mga insidente ng krimen na umugong sa bansa sa kasalukuyan. Bagamat hindi napag-uusapan sa kanilang mga huling pagpupulong, aminado si Dr. Jess Arranza na nagdudulot din ng pangamba sa kanyang pinamumunuang FPI ang mga serye ng kidnapping at iba pang krimen. Ang FPI ay binubuo ng 130 malalaki at maliliit corporate members at 36 na industry associations. Ipinagmalaki pa ni Arranza na noong panahon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ay naging maganda ang takbo ng pagnenegosyo sa bansa dahil sa istriktong pagpatutupad ng peace and order. Iginiit ni Arranza ang kahalagahan ng peace and order. Kakambal anya dapat ito sa pagsusumikap ng...

DOT, umaasang magkakaroon muli ng proyekto ang “Survivor Israel” sa bansa

Image
UMAASA ang Department of Tourism (DOT) na muling magkakaroon ng proyekto ang “Survivor Israel” sa Pilipinas. Sa pag-uusap ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss , inilahad nito na ang film tourism ay isa mga produktong prayoridad ng DOT. Kaya umaasa si Frasco na may mga follow-through project ang “Survivor Israel”, isang reality TV show na nag-shoot ng ilang season sa mga beach ng Caramoan. Kabilang din sa mga tinalakay ng dalawang opisyal ay ang iminungkahing paglulunsad ng mga flight sa pagitan ng Maynila at Israel. Nagpahayag naman si Ambassador Fluss ng interes na lumahok sa mga consumer activation activities sa Pilipinas sa iba pang mga proyekto na hino-host ng DOT. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Taas-pasahe sa mga pampublikong transportasyon, inaprubahan na ng LTFRB

Image
APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng mga public transport group na taas-pasahe. Inilabas na ng LTFRB ang desisyon sa hirit na taas-pasahe para sa mga pampublikong transportasyon. Sa inaprubahang petisyon ng ahensya nasa P1 na provisional increase para sa Traditional Public Utility Jeepneys at Modern Public Utility Jeepneys sa unang apat na kilometro na magtataas sa minimum na pamasahe sa TPUJ sa P12 at MPUJ sa P14. Magkakaroon din ng karagdagang pamasahe na P0.30 sa bawat susunod na kilometro para sa TPUJ at P0.40 sa MPUJ. Habang ang pamasahe sa bawat susunod na kilometro para sa TPUJ ay magiging P1.80 mula sa P1.50, at P2.20 mula sa P1.80 para sa MPUJ. Habang karagdagang pamasahe naman na P0.40 sa kada kilometro para sa mga Public Utility Buses at P0.45 para sa mga may aircon, at karagdagang P0.35 bawat kilometro para sa mga provincial bus. Ang pamasahe kada susunod na kilometro sa ordinary bus ay magiging P2.25 mula P1.85, ...

DBM, nilinaw ang mga agam-agam ukol sa pondo sa pagpatatayo ng Martial Law Museum

Image
NILINAW ng Department of Budget and Management (DBM) ang kuro-kuro na inalis ang pondo sa pagpatatayo ng Martial Law Museum sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program (NEP). Ayon sa DBM nananatiling available ang pondo para sa Martial Law Museum. Tugon ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa ginanap na budget hearing, matapos ang naging pahayag ukol dito ni Human Rights Violations Victims Memorial Commission Executive Director Carmelo Crisanto. Saad ng pamunuan ng nasabing komisyon, sa ilalim ng 2023 NEP, walang special provision na nakapaloob para sa Martial Law Museum. Paliwanag naman ni Pangandaman, hindi talaga ito kasama sa panukalang national budget kahit pa sa mga nakalipas na taon. Bagkus, kabilang ang pondo para rito sa “Trust Receipts” na inayos ng Kongreso at nailabas na noong nakaraang taon pa. Ibig sabihin, Ito ay kasalukuyang may pondo na. Dagdag pa ng kalihim, dahil Trust Fund ito, mananatiling available ang pondo para sa kanilang opisina, hanggang gan...

PRO Cordillera, nakiisa sa 1986 Mt. Data Peace Accord

Image
NAKIISA ang Police Regional Office (PRO) Cordillera sa ika-36 taong paggunita sa 1986 Mt. Data Peace Accord. Nagsilbing kinatawan ng PRO Cordillera si PRO Cordillera deputy regional director for administration Police Brigadier General John Cayaban Chua. Pinangunahan ni Presidential Adviser for Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. ang programa na ginanap sa Bauko, Mt. Province. Ito ay may tema na “Peace and Unity Towards Autonomy and Sustainable Development.” Ang programa ay bilang paggunita sa peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) noong Setyembre 13, 1986. Naging dahilan ito sa pagpapalabas ng Executive Order No. 220 noong Hulyo 15, 1987 na lumikha ng Cordillera Administrative Region (CAR). [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

40% na refugees mula Afghanistan na kinupkop ng Japan, nagsialisan

Image
NAGSIALISAN sa bansang Japan ang 40% ng higit isandaang refugees na kunupkop nito mula sa Afghanistan . Pressure at kakulangan ng suporta ang isa sa nakikitang dahilan ng mga refugee kung bakit iniwan nila ang bansang Japan. Pahayag ng mga kasamahan ng mga evacuee mula sa Afghanistan, 58 sa mga kasamahan nito ang bumalik sa kanilang bansa sa kabila ng panganib at pang iinsulto ng mga Taliban, habang pito sa mga ito ay pumunta sa Estados Unidos at Britanya. Ikinababahala ngayon ng mga kasamahan ng mga evacuee ang posibleng kahihinatnan ng mga kasamahan nila lalo na at walang seguridad kung saan ito maninirahan. Kung maaalala nitong Agosto nang umabot sa 98 katao ang kinupkop ng pamahalaan ng Japan dahil sa pangako nitong handa itong tumulong sa mga nangangailangan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Mga sundalo sa Cambodia, tatanggap ng bonus sa pagdiriwang ng Pchum Ben Festival

Image
TATANGGAP ng bonus ang mga kasundaluhan ng Cambodia sa pagdiriwang ng Pchum Ben Festival ngayong Setyembre 24-26. Maliban sa mga kasundaluhan, makatatanggap din ng bonus ang mga contracted officer, retiree at lahat ng mga opisyal ng armed forces ng Cambodia. Ayon kay Phay Siphan, spokesman ng pamahalaan napaka importante para sa kanila ang nalalapit na pagdiriwang, kaya bilang regalo sa mga kasundaluhan ay binigyan nila ito ng kaunting biyaya. Dagdag pa ni Siphan, repleksyon ito ng magandang pakikitungo ng prime minister sa mga kasundaluhan na handang magbuwis ng buhay para sa bansa. Samantala, nakasaad din sa pinirmahang panukala ng prime minister ng Cambodia ang kaparehong bonus na matatanggap ng mga sundalo sa darating na Khmer New Year. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

2023 proposed budget ng OVP, mabilis na nakalusot sa komite sa Kamara

Image
AGAD tinerminate ng House Appropriations Committee ang budget hearing ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2023. Nasa P2.3 billion ang proposed budget ng OVP o 223% na increase kumpara sa budget ng tanggapan ng ikalawang pangulo ngayong taon na nasa mahigit P700 milyon. Ayon naman sa APPRO Committee na mabilis nilang tinapos ang budget hearing dahil sa ‘courtesy’ ng Kamara para kay VP Sara Duterte na pinangunahan ang OVP sa pagdinig. Nagpasalamat naman si VP Sara sa Kamara at kay Speaker Martin Romualdez sa suporta nila sa OVP at nagpahayag ng kahandaan para sa mas pinaigting na kooperasyon ng dalawang sangay ng pamahalaan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

PBBM, nais maisabatas ang pagbibigay ng rice allowance sa gov’t workers

Image
TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging batas ang pagbibigay ng rice allowance para sa government workers. Aniya, hakbang ito para mabawasan nang bahagya ang suliranin ng mga kababayan lalong-lalo na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan. Naibahagi naman ng Pangulo na may rice allowance set-up na ang ilang mga malalaking korporasyon kung kaya’t maganda na ring mai-adopt ito at maisabatas. Sakaling matuloy ay magiging parte ng sweldo ang pagbibigay ng bigas sa isang government worker. Ang mga bigas namang allowance ay bibilhin mismo sa mga magsasaka sa bansa. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

PNP, iginiit na walang krimen na hindi naaksiyunan sa bansa

Image
PATULOY na naninindigan ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na walang krimen sa bansa ang hindi nito nariresolba. “Wala hong krimen na nangyari na hindi po inaaksiyunan,” ito ang iginiit ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa publiko. Aniya, hindi nagsasayang ng oras ang kapulisan upang tugunan agad ang mga sumbong ng tao. Tanging pakiusap lang ng mga awtoridad sa mamamayan, agad na ipagbigay alam sa kanilang hanay ang mga nakikitang krimen upang agad din itong maresolba. Sa halip anila na ipost sa social media, mainam kung sa mga awtoridad ito isuplong para maimbestigahan. Sa huli, iginiit ng PNP na walang dapat na ipag-alala ang publiko mula sa mga naitatalang krimen dahil agad din naman itong nabibigyan ng kaukulang pansin kasabay ng agarang imbestigasyon dito. Sa kabilang banda, pinag-aaralan na rin ng PNP ang pakikipag-ugnayan sa mga social media bloggers at influencers kaugnay sa mga pinopost ng mga ito, online. Partikular na bibigyan ng pans...

Squid Game, maaaring maging kauna-unahang foreign-language show na manalo sa kasaysayan ng Emmys

Image
MAAARING maging kauna-unahang foreign-language television show ang Squid Game ng South Korea na manalo ng top honors para sa best drama sa kasaysayan ng Emmys. Nakakuha na ng panalo ang South Korean series ng panalo sa Emmys na may apat na trophies sa Creatives Emmys, isang pre-gala event kung saan ibinibigay ang mga parangal sa minor categories kabilang na ang isa para kay Lee Yoo-Mi para sa best guest actress. Ang iba pang palabas na kalaban ng Squid Game para sa top drama prizes ay ang Dystopian Workplace Series na “Severance” ng Apple TV Plus, at final season ng Crime Saga ng Netflix na “Ozark.” [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Bakunahan sa LRT-1 Balintawak Station, tuluy-tuloy

Image
NAGPAPATULOY ang bakunahan sa LRT-1 Station sa pakikipagtulungan sa Quezon City Health Department . Ang naturang bakunahan ay bukas mula Lunes hanggang Miyerkules at magsisimula ng 9am-3pm. Bukas ito para sa mga pasahero na hindi pa nababakunahan ng kanilang primary doses at booster. Kung saan, mayroong available brands na Pfizer para sa 1st at 2nd dose, 1st at 2nd booster shot. Habang Sinovac naman para sa 1st at 2nd dose, 1st booster shot. Hinimok ng Light Rail Manila Corporation ang mga mananakay na magpabakuna bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

2 miyembro ng communist terrorist, sumuko sa Bukidnon

Image
SUMUKO ang dalawang miyembro ng communist terrorist na nag-o-operate sa Cabanglasan, Bukidnon sa ilalim ng Sub-Regional Committee 2 (SRC-2), North Central Mindanao Regional Party Committee (NCMRC). Sa ulat ng 88th Infantry Battalion , kinilala ang mga sumuko na si alyas Sam, 24 taong gulang, squad leader, at kanyang misis na si alyas Ella, 24 taong gulang, squad medic. Ibinunyag ng dalawa na nagdesisyon sila na sumuko dahil sa pagod, gutom, kulang sa tulog, pagkakasakit, at ang kanilang matinding pagnanais na makapiling ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Marami rin aniya sa kanilang mga kasama ang gusto na sumuko dahil nakubkob na ang ilan sa base nila kasunod ng walang humpay na kampanya ng militar. Hinikayat ni Lieutenant Colonel Christian Vingno, commander officer ng 88th Infantry Battalion ang natitirang miyembro ng NPA na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan ngayong linggo

Image
ASAHAN ngayong linggo ang higit isang pisong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis. Sa pagtataya ng mga oil industry, posibleng bababa mula P1.50 hanggang P1.80 ang kada litro ng diesel. Habang mula P0.50 hanggang P0.80 ang ibababa sa kada litro ng gasolina. May ‘di kalakihang rollback din ang kada litro ng kerosene na mula P1.80 hanggang P2.00. Asahan namang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw ng Lunes. Follow SMNI News on Twitter

Ilang mahahalagang usapin, tinalakay ng PNP chief sa Indonesian at Singaporean counterparts

Image
NAKIPAGPULONG si PNP chief Police General Rodolfo Azurin, Jr. sa kanyang counterparts sa pagbisita sa Indonesia at Singapore bilang bahagi ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa naturang mga bansa. Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni Azurin na tinalakay niya kina Police General Listyo Sigit Prabowo, Chief of Indonesian National Police at Commissioner of Police Hoong Wee Teck ng  Singapore Police Force ang “common security concerns.” Kabilang dito ang mga mekanismo sa pagpatutupad ng batas sa COVID-19 pandemic, at post-pandemic scenario, transnational crimes kabilang ang drug trafficking, commercial fraud, trafficking in persons, counterfeiting, IPR violations, cybercrime, at terorismo. Sinabi ni Azurin na nagkasundo sila ng mga opisyal na talakayin ang mga isyu sa darating na ASEANAPOL Conference. Bagama’t hindi natalakay nina Azurin at Listyo ang Phil-Indo Delimitation Agreement, suportado ng PNP chief ang pananaw ni Pangulong Marcos na maga...

Pangulong Marcos, pinirmahan na ang EO para sa opsyonal na pagsusuot ng face mask

Image
NAG-ISYU na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng isang executive order para sa opsyonal na pagsusuot ng face mask. Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles , nilagdaan na ni PBBM ang Executive Order No. 3 na nagpapahintulot ng boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor places. Batay sa nasabing EO, ‘effective immediately’ ang pagpatutupad ng opsyonal na paggamit ng face mask sa labas. Subalit, saad ng kalihim, dapat may maayos na bentilasyon ang isang lugar at gawin pa rin ang social distancing. Sa kabila nito, ani Cruz-Angeles, hinihikayat pa rin ng pamahalaan ang senior citizens, mga immunocompromised maging ang unvaccinated at ang hindi kumpleto ang bakuna, na magsuot pa rin ng face mask kahit nasa outdoor areas. Follow SMNI News on Twitter

Bilang ng turista sa Thailand, tumaas pa

Image
TUMAAS pa lalo ang bilang ng turista sa bansang Thailand ngayong taon. Sa datos ng Tourism Ministry ng Thailand, dinagsa pa ng maraming turista ang bansa mula sa buwan ng Abril hanggang Hunyo. Aabot na sa 68,700 na bilang ng mga turista ang naitala nito sa 3 buwan na monitoring ngayong taon, dahilan upang kilalanin ang bansa bilang best meetings and incentives destination sa buong Asya ngayong taon. Ayon sa Thailand Convention and Exhibition Bureau (TCEB), inaasahan pa nila ang pagdating ng 4,143 turista ngayong buwan ng Setyembre habang nasa higit 30 libo ang inaasahan naman ng ahensya sa buwan ng Oktubre at Disyembre. Dagdag pa ng ahensya, nararapat lamang na kilalanin ang bansa dahil sa mataas na bilang ng pumapasok na MHA turista. Samantala, ilan sa mga tampok na puntahan ngayon ng mga turista sa bansa ang Bangkok, Phuket, at Pattaya. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter