Pastor ACQ, sang-ayon sa pahayag ni Cong. Marcoleta na walang ‘red-tagging’

SA kanyang programang Powerline nitong Martes, sinuportahan ni Pastor Apollo C Quiboloy ang ginawang pagbanat ni SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta sa mga komunista dahil sa paggamit nila ng salitang red-tagging.
Ayon sa kongresista, wala sa diksyunaryo ang salitang red-tagging; dinugtungan naman ni Pastor Apollo ang gamit ng nasabing salita.
“Tama si Cong. Marcoleta. Wala namang ‘red-tagging.’ Ginawa lang naman ng mga komunista iyan para sila’y makatago. So walang red-tagging. Kung komunista ka, komunista ka. Kung kampi ka sa komunista, kampi ka sa komunista,” pahayag ni Pastor Apollo.
“Kampi kayo sa NPA di ba? Eh di kampi kayo sa NPA. Asan ang red-tagging doon? Kaya tama iyong sinabi ni Cong. Marcoleta. Pagpalain siya. Kayong mga KAGAT party-list, mga red kayo talaga. Mga red tide kayo talaga eh. Bakit hindi ninyo palitan ang inyong bandera? Imbes pula, gawin ninyong blue o kaya yellow. Pagka yellow kayo, yellow-tagging? Pink-tagging? Saan ba iyang tagging-tagging ninyo. Naka-tag talaga kayo eh. Mga komunista kayo, kampi kayo kay Joma, kayo ay kampi sa NPA, hindi ninyo nakondena ang NPA at ang ginagawang kabulastugan. Ano kayo? Nagkukunwari pa kayo,” dagdag ni Pastor Apollo.
Sa kaugnay na isyu patungkol sa mga komunistang teroristang grupo, inilahad naman ni Pastor Apollo na labis ang takot na idinulot ng CPP-NPA-NDF sa bansa, kabilang na ang religious sector.
“Tingnan ninyo itong mga pastor na… talagang nabalot na ng takot ang bansang Pilipinas eh. For 53 years nabalot na ng takot. Tingnan ninyo itong pastor na naglahad na UCCP, ano iyong mga text na pagkatapos nailahad ito ng SMNI sa social media, ano iyong mga comments nila sa baba. “Pastor, mag-ingat po kayo baka balikan kayo.”
“Pastor, nawa’y proteksyunan kayo ng Panginoon.”
“Pastor, nawa’y magpatabang kayo sa military para may security.”
“Pastor, nawa baka kayo’y barilin ng riding in tandem…”
Itong lahat. Kita mo ang takot ng tao sa Pilipinas? Natakot na nila. Nabalot na ng takot ang tao kaya hindi makapagsalita,” ayon ni Pastor Apollo.
Pinawi naman ni Pastor Apollo ang takot na ito at nanawagan sa mga nasa religious sector na maging matapang laban sa mga demonyong komunistang teroristang grupo.
“Huwag po kayong matakot. Huwag ninyong sabihin iyong natatakot kayo sa kanila. Dapat sila ang matakot sa atin. Kaya ito, kakasihan ka ng Panginoong Diyos. Dapat sila ang matakot sa atin, hindi tayo ang takot sa kanila. Alisin na po niyo ang takot. Iyong nababasa ko, sabi ko talagang binalot na ng takot ang lahat ng tao sa Pilipinas. Babalikan, papatayin, aambushin. Naku, mga demonyo iyan. Tayo’y nasa Diyos. Mas makapangyarihan ang Diyos natin. Huwag kayong matakot. ‘Pag nagbulgar kayo, ipakita niyo ang mukha niyo tulad ng ginawa ng pastor na ito. Iyan, matapang iyan. Ganyan, maglantaran na tayo. Biro mo, iyan sinabi niya, “lahat ng aming kapastoran sa UCCP sa Eastern Leyte ay puro kasapi na. Mga taga-UCCP, leadership ng UCCP, mahiya naman kayo sa Diyos at sa ating pamahalaan. Ang mga pastor ninyo naging mga NPA,” ayon pa ni Pastor Apollo.
Muli namang nanawagan si Pastor Apollo sa mga rebeldeng komunista na sumuko na sa pamahalaan at binigyang-diin na walang pakialam ang kanilang mga pinunong nagpapasarap lang sa buhay.
“Sumuko na kayong lahat, wala na kayong magagawa. Ano pang gagawin ninyo? Kasama ninyo diyan sa bundok, mga alimatok. Anong limatok sa Tagalog? Mga linta, mga dengueng lamok, mga ahas. Ang inyong atip, dahon ng saging, dahon ng gabi, takbo dito, takbo doon,” paghikayat ni Pastor Apollo.
“Si Joma, ang sarap ng buhay, nasa Netherlands, steak ang kinakain, tingnan niyo ang taba-taba na niya. Tingnan niyo ‘yung mga kadre, ‘yung mga ulo-ulo. Tingnan ninyo itong KAGAT diyan sa Kongreso, ang sarap ng buhay, ang kinis-kinis ng mga mukha,” ayon pa ng butihing Pastor.
“Lahat ng pera nasa kamay nila, tingnan niyo si Zarate, ang kanyang anak nagliliwaliw sa ibang bansa, nag-aaral sa unibersidad, hindi ni-recruit na maging NPA. Kayo’ng tinataya. Balik na kayo, may programa ang gobyerno sa inyo, bumalik na kayo. Tingnan niyo ang anak niya oh,” dagdag ni Pastor Apollo.
“Tingnan ninyo, nagliliwaliw sa iba’t ibang lugar ng Europa pero anti ano ‘yan sila mga burgis daw, ayaw nila, nagpapayaman lang daw ang mga nasa gobyerno pero tingnan ninyo ang anak ni Zarate oh. Kasama ninyo ‘yan. Tingnan niyo ang lifestyle niya, enjoying lifestyle abroad,” aniya pa.
“Tingnan niyo ang tatlo, ang kikinis ng mukha. Tingnan niyo, ipakita natin ang tatlo, tingnan niyo. Tingnan niyo si Raoul Manuel, ang kinis ng mukha baka nagpapa-parlor ‘yan araw-araw.”
“Tingnan ninyo itong dalawa, naglalagablab ang mga mata. Wala ‘yan sa bundok, nandito ‘yan, ang gaganda ng mga suot, tingnan niyo. Kayo riyan, putik dito, putik doon, takbo dito, takbo doon. Tingnan niyo ang mga paa ninyo, puro alipunga, mabaho ang mga paa ninyo. Nagtitiis kayo riyan tapos hindi naman ninyo pwedeng kayanin ang gobyerno.”
“Wala, hindi kayo mananalo eh, susuko na lang kayo para maging mapayapa buhay niyo. That is a lost cause. Lost na ‘yan. Hindi kayo mananalo. Nandito kami. ‘Yang pa martsa-martsa ninyong ‘yan, wala ‘yan. Naku, nasa bundok kayo. ‘Yung plano ninyong kupkupin ang buong Pilipinas magpapasimula sa mga kabundukan papunta ng mga siyudad, ilan lang kayo,” dagdag ng butihing Pastor.
Samantala, pinalakpakan naman ni Pastor Apollo ang napapintong tuluyang pagtatapos ng pamamalagi ng mga NPA sa Davao Region kasunod ng sunod-sunod na pagsuko ng mga miyembro ng mga NPA mula sa Guerilla Front 18 na siyang natitirang NPA guerilla front sa rehiyon.
“Hindi kami hihinto hanggang ang last na NPA ay susuko at ang last na KAGAT ay hindi na makakapanungkulan sa panlilinlang muli,” ayon pa ni Pastor Apollo.
Samantala, pinaboran ni Pastor Apollo ang plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 11 na gawing protected area ang Pantaron Mountain Range na dating lungga ng mga rebeldeng komunista.
“Maganda yung suggestion na yun, ako’y payag ako dun, at ito’y ating alagaan ng hindi na mapamugaran muli ng mga ahas, mga cobra na mga CPP-NPA-NDF. Cobra ng Pilipinas. Gawin nating mga ganun ang lahat ng mga bundok. Tapos kami dito sa Sonshine Philippines Movement, ako rin ang Chairman magtatanim tayo ng napakaraming mga puno at aalagaan natin yan, maganda, maganda yun,” ani Pastor Apollo.
Sa huli, hinikayat din ni Pastor Apollo ang mga opisyal ng paaralan at kabataan sa buong bansa na umanib sa itinayong youth organization ng butihing Pastor upang maging kapaki-pakinabang para sa bayan.
“Mga estudyante, mga school administrators, ‘wag na kayong tumanggap ng ibang organisasyon diyan, nanloloko, nangre-recruit lang ‘yan. Ang Keeper’s Club International, ako po ang Chairman, lahat ng young people sa mga unibersidad, colleges ay amin pong nire-reach out para sila ay makasama, at maturuan ng tamang asal at maging produktibo sa kanilang pamumuhay ‘pag dumating ang panahon. Hindi sila mamamatay sa kabundukan,” ayon kay Pastor Apollo.
“Lahat ng young people sa buong Pilipinas gusto ko maging member niyan para tayo ay maging kaaya-aya, mapapakinabangan at maging mga matitinong mamamayan ng ating bansang Pilipinas na mapapakinabangan para sa nation-building,” pagtatapos ng butihing Pastor.
Comments
Post a Comment