2 indibidwal, tiklo sa anti-drug operation sa Rizal

ARESTADO ang dalawang drug suspects matapos ang isinagawang operasyon sa San Mateo, Rizal.

Ito ay sa pangunguna ng mga tauhan ng San Mateo Municipal Police Station kasama ang Rizal Provincial Intelligence Unit (PIU).

Sa ulat kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang mga nahuli na sina Diadema Babasa, 56 taong gulang, high-value individual at Betty Babasa, 45 taong gulang.

Nakumpiska ng mga pulis ang mahigit 1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga sa mahigit 6.9 milyong piso.

Muling tiniyak ni General Azurin ang seguridad ng publiko lalo na sa iligal na droga.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo