Pangulong Marcos, pinirmahan na ang EO para sa opsyonal na pagsusuot ng face mask

NAG-ISYU na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng isang executive order para sa opsyonal na pagsusuot ng face mask.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nilagdaan na ni PBBM ang Executive Order No. 3 na nagpapahintulot ng boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor places.

Batay sa nasabing EO, ‘effective immediately’ ang pagpatutupad ng opsyonal na paggamit ng face mask sa labas.

Subalit, saad ng kalihim, dapat may maayos na bentilasyon ang isang lugar at gawin pa rin ang social distancing.

Sa kabila nito, ani Cruz-Angeles, hinihikayat pa rin ng pamahalaan ang senior citizens, mga immunocompromised maging ang unvaccinated at ang hindi kumpleto ang bakuna, na magsuot pa rin ng face mask kahit nasa outdoor areas.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo