Bilang ng turista sa Thailand, tumaas pa

TUMAAS pa lalo ang bilang ng turista sa bansang Thailand ngayong taon.
Sa datos ng Tourism Ministry ng Thailand, dinagsa pa ng maraming turista ang bansa mula sa buwan ng Abril hanggang Hunyo.
Aabot na sa 68,700 na bilang ng mga turista ang naitala nito sa 3 buwan na monitoring ngayong taon, dahilan upang kilalanin ang bansa bilang best meetings and incentives destination sa buong Asya ngayong taon.
Ayon sa Thailand Convention and Exhibition Bureau (TCEB), inaasahan pa nila ang pagdating ng 4,143 turista ngayong buwan ng Setyembre habang nasa higit 30 libo ang inaasahan naman ng ahensya sa buwan ng Oktubre at Disyembre.
Dagdag pa ng ahensya, nararapat lamang na kilalanin ang bansa dahil sa mataas na bilang ng pumapasok na MHA turista.
Samantala, ilan sa mga tampok na puntahan ngayon ng mga turista sa bansa ang Bangkok, Phuket, at Pattaya.
Comments
Post a Comment