Pasig City, inilunsad ang COVID-19 vaccination caravan para sa mga Pasigueño

INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Pasig City ang COVID-19 vaccination caravan o ang “CaraVacc to the Community” program.

Naglalayon itong palakasin ang vaccination rate sa lungsod sa pamamagitan ng pag-set up ng mga site sa mas maginhawang lugar na malapit sa mga tirahan, paaralan, o lugar ng trabaho.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, mas magiging madali ito para sa mga hindi pa nabakunahan dahil inilapit na mismo ng lungsod ang vaccination program.

Sa ulat ng Pasig City COVID-19 Vaccination Team (PCCVT), 7,090 indibidwal ang nabakunahan sa nakalipas na 22 araw ng paglulunsad ng CaraVacc.

Sinabi rin ni Mayor Sotto na nasa 14,688 na mag-aaral ang nabakunahan sa kanilang “CaraVacc to School” sites simula noong magbukas ang klase, Agosto 22.

Samantala nananatiling bukas ang Pasig City General Hospital (PCGH) tuwing Biyernes para mabakunahan ang mga indibidwal na may comorbidities.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon