Australia, suportado ang G7 sa pagpapatupad ng price cap sa Russian oil

SINUPORTAHAN ng Australia ang plano ng G7 nations na magpatupad ng price cap sa Russian oil.

Ito ay isinusulong ng mga nasabing bansa upang subukan na bawasan ang abilidad ni Pres. Putin ng Russia na pondohan ang pwersa nito na nasa Ukraine.

Kahit nagpatupad na ng ban sa lahat ng import ng Russian oil, gas at refined petroleum products ang Australia, inihayag ni Treasurer Jim Chalmers na ang pagsuporta sa aksyon ng G7 ay maghihikayat sa ibang bansa na sumunod upang magkaroon din ng moderasyon sa global oil price.

Ang cap ay napagkasunduan ng G7 Nations noong Setyembre 2 at magiging epektibo na sa Disyembre 5 at naglalayon na pwersahin na ibaba ang presyo ng Russian oil sa aabot sa 40 dolyar hanggang 60 dolyar na halaga bawat barrel.

Samantala, nagbabala naman si Russian Pres. Vladimir Putin sa sinumang lalahok sa price cap scheme na ito ay hindi pagbebentahan ng bansa ng langis.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon