Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan ngayong linggo

ASAHAN ngayong linggo ang higit isang pisong rollback sa presyo ng produktong petrolyo ng mga kumpanya ng langis.
Sa pagtataya ng mga oil industry, posibleng bababa mula P1.50 hanggang P1.80 ang kada litro ng diesel.
Habang mula P0.50 hanggang P0.80 ang ibababa sa kada litro ng gasolina.
May ‘di kalakihang rollback din ang kada litro ng kerosene na mula P1.80 hanggang P2.00.
Asahan namang iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang kanilang pinal na price adjustment ngayong araw ng Lunes.
Comments
Post a Comment