40% na refugees mula Afghanistan na kinupkop ng Japan, nagsialisan

NAGSIALISAN sa bansang Japan ang 40% ng higit isandaang refugees na kunupkop nito mula sa Afghanistan.
Pressure at kakulangan ng suporta ang isa sa nakikitang dahilan ng mga refugee kung bakit iniwan nila ang bansang Japan.
Pahayag ng mga kasamahan ng mga evacuee mula sa Afghanistan, 58 sa mga kasamahan nito ang bumalik sa kanilang bansa sa kabila ng panganib at pang iinsulto ng mga Taliban, habang pito sa mga ito ay pumunta sa Estados Unidos at Britanya.
Ikinababahala ngayon ng mga kasamahan ng mga evacuee ang posibleng kahihinatnan ng mga kasamahan nila lalo na at walang seguridad kung saan ito maninirahan.
Kung maaalala nitong Agosto nang umabot sa 98 katao ang kinupkop ng pamahalaan ng Japan dahil sa pangako nitong handa itong tumulong sa mga nangangailangan.
Comments
Post a Comment