Mandatory quarantine sa mga COVID-19 patient sa Malaysia, magpapatuloy hanggang katapusan ng taon

MAGPAPATULOY ang mandatory quarantine sa mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19 hanggang sa katapusan ng taon sa pagsasaalang-alang ng panuntunan na ipinatupad sa Malaysia.
Inihayag ni Health Minister Khairy Jamaluddin na magpapatuloy hanggang katapusan ng taon ang mandatory quarantine para sa mga COVID-19 patient.
Ayon kay Jamaluddin, ang pagsasaalang-alang ng panuntunan na ito ang isa sa mga pangunahing dahilan sa pagkontrol ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ang pinakahuling mga panuntunan sa quarantine ng COVID-19 ay nagsasaad na ang mga positibong kaso ng COVID-19 ay dapat ma-quarantine sa loob ng 7 araw mula sa araw na natanggap nila ang positibong resulta ng pagsusuri, anuman ang COVID-19 vaccination status ng mga ito.
Gayunpaman, maaring tapusin ng mga COVID-19 patient ang kanilang quarantine nang mas maaga kung magnegatibo ang resulta ng RTK-AG test nito sa loob ng ikaapat na araw.
Samantala, maari ding gawin ang pagsusuri sa ikalima o ikaanim ng quarantine at kung positibo ang pagsusuri, kinakailangan na magpatuloy ang quarantine ng pasyente hanggang ikapitong araw.
Ang mandatory quarantine ay ipagpapatuloy hanggang sa katapusan ng taon sa pagtatapos ng Act 342.
Comments
Post a Comment