Pinoy designers, ibinida ang mga disenyong gawa sa MUSA Fabric sa New York Fashion Week

IBINIDA ng mga Pinoy designers ang mga disenyong gawa sa banana o MUSA Fabric sa katatapos lang na New York Fashion Week.

Sa katatapos lang na New York Fashion Week ibinida ng mga Pilipino designer ang mga disenyong mula pa sa Davao del Norte.

Umani ng paghanga ang mga kakaibang likha mula sa iba’t ibang designer na nagmula pa sa maraming bansa na lumahok sa fashion week.

Ang mga disenyong ito ay gawa pa sa banana fiber na gawa ng mga katutubo sa Davao Region.

Higit sa lahat hinangaan ang MUSA dahil sa adbokasiya nito na nagbibigay ng pangkabuhayan sa mga katutubo at jail inmates sa Davao del Norte.

Ang MUSA Fabric ay nagsimulang makilala sa international stage dalawang taon nang nakalipas at nakapagtayo na ito ng dalawang livelihood center para sa Ata-Manobo Tribe at Kagan Tribe at ngayon ay magtatayo na naman ng karagdagang livelihood center para sa Mansaka Tribe.

Sa pamumuno ni Joy Soo ang CEO, founder at designer ng House of Musa ay nakilala ang MUSA Fabric.

Kasama rin sa mga Pinoy designer na lumahok sa fashion week sina Carl Andrada na base sa Los Angeles California, Nicole Santos na mula pa sa Manila at si Melanie Mundin na naka-base naman sa Canada.

Ang MUSA Fabric ay isang produkto na gawa sa Pilipinas na ipinagmamalaki at sinuportahan ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon