2 babae na sangkot sa child abuse, arestado ng PNP-WCPC

HIMAS-rehas sa ikinasang entrapment operation ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang dalawang babae na sangkot sa pagbebenta ng mga malalaswang video ng mga bata nitong gabi ng Huwebes, Setyembre 15 sa Bulacan at Leyte.

Naalarma ang PNP-WCPC nang inirefer ng United States’ Homeland Security Investigations Manila ang nasabing kaso ng pang-aabuso sa PNP.

May kaparehong referrals din ang German Police, Nordic Liaison Office at Australian Federal Police sa PNP kung saan kasalukuyang iniimbestigahan na o naaresto na nila ang mga mamamayan ng kani-kanilang bansa na bumili ng mga nasabing video.

Batay sa kanilang imbestigasyon, nasa higit 20 bata ang biktima ng pang-aabuso na mapapanood sa mga video na nakumpiska.

Nasa 12 bata ang narescue ng PNP-WCPC sa ikinasang operasyon na kasalukuyan nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development.

Follow SMNI News on Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo