Paglikas ng higit 2-M katao dahil sa bagyo, ipinag-utos ng Japan

IPINAG-utos ng pamahalaan ng Japan ang agarang paglikas ng higit 2 milyong mamamayan nito dahil sa masamang epekto na posibleng idulot ng bagyong Nanmadol.

Sa datos ng meteorological agency ng bansa nananatili sa 180 kilometers ang maximum winds ng bagyo o 112 miles kada oras mula sa hilagang bahagi patungong kanluran sa Kyushu Region.

Ayon sa ahensya, ang signal warning na ito ay ang pinakamataas na nilang naitala, epekto na rin ng malakas na bagyo.

Dagdag pa nito na paminsan-minsan lang naitatala sa bansa ang pagpasok ng napakalakas na bagyo.

Samantala, inanunsyo rin ng mga paliparan sa Japan na maaapektuhan ang buong flights pati na rin ang bullet trains services sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo