UAE, naghahanda sa paglulunsad ng kauna-unahan nitong Moon Mission sa Nobyembre

NAGHAHANDA ang United Arab Emirates (UAE) na gumawa ng bagong kasaysayan sa sektor ng global space industry sa pamamagitan ng posibleng paglulunsad ng kauna-unahang Moon Mission ng bansa sa buwan sa darating na Nobyembre.

Matapos na mahusay na nailunsad ng Emirati Mars Mission ang byahe patungo sa Red Planet na Mars noong nakaraang taon, sinusubukan naman nitong mag-deploy ng kauna-unahang rover nito sa buwan sa Nobyembre.

Ang Lunar Rover na Rashid ay ilulunsad sa pamamagitan ng SpaceX Falcon 9 rocket mula sa Kennedy Space Center sa Florida sa pagitan ng Nobyembre 9 at 15.

Ihahatid naman ng Japanese Lander Hakuto-R Mission 1 ang Rashid Rover sa buwan at ang eksaktong launch date ay iaanunsyo sa susunod na buwan.

Matatandaan na noong Hunyo ay pinuri ni UAE Pres. Sheikh Mohamed ang makasaysayang misyon ng bansa at nakipagkita sa mga engineer na nag-develop ng misyon na ito mula taong 2017.

Ang Rashid ay idedeploy sa hindi pa gaanong napuntahan na bahagi ng buwan na kilala sa tawag na Mare Frigoris upang mangolekta ng siyentipikong datos.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon