PBBM, nais maisabatas ang pagbibigay ng rice allowance sa gov’t workers

TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magiging batas ang pagbibigay ng rice allowance para sa government workers.

Aniya, hakbang ito para mabawasan nang bahagya ang suliranin ng mga kababayan lalong-lalo na sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan.

Naibahagi naman ng Pangulo na may rice allowance set-up na ang ilang mga malalaking korporasyon kung kaya’t maganda na ring mai-adopt ito at maisabatas.

Sakaling matuloy ay magiging parte ng sweldo ang pagbibigay ng bigas sa isang government worker.

Ang mga bigas namang allowance ay bibilhin mismo sa mga magsasaka sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Yakap ng Magulang Movement, nangangambang maulit ang pananambang ng NPA sa maghahatid ng tulong sa nasalanta ng bagyo

AFP, tinanggap ang bagong SMNI PAARU Reservists

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo