Mga sundalo sa Cambodia, tatanggap ng bonus sa pagdiriwang ng Pchum Ben Festival

TATANGGAP ng bonus ang mga kasundaluhan ng Cambodia sa pagdiriwang ng Pchum Ben Festival ngayong Setyembre 24-26.

Maliban sa mga kasundaluhan, makatatanggap din ng bonus ang mga contracted officer, retiree at lahat ng mga opisyal ng armed forces ng Cambodia.

Ayon kay Phay Siphan, spokesman ng pamahalaan napaka importante para sa kanila ang nalalapit na pagdiriwang, kaya bilang regalo sa mga kasundaluhan ay binigyan nila ito ng kaunting biyaya.

Dagdag pa ni Siphan, repleksyon ito ng magandang pakikitungo ng prime minister sa mga kasundaluhan na handang magbuwis ng buhay para sa bansa.

Samantala, nakasaad din sa pinirmahang panukala ng prime minister ng Cambodia ang kaparehong bonus na matatanggap ng mga sundalo sa darating na Khmer New Year.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon