South Korea, bukas sa pakikipag-ugnayan sa US sa gagawing Naval Exercise

BUKAS ang South Korea sa pakikipagpulong sa Estados Unidos ukol sa gagawing Naval Exercise sa loob ng 4 na araw.

Nagsimula na ang unang araw na Naval Exercise ng South Korea sa Estados Unidos upang mapalakas pa lalo ang depensa ng bansa pagdating sa digmaan.

Sa loob ng 4 na araw na Combined Naval Exercise ng South Korea at Estados Unidos, bukas ito sa paggamit ng 20 war ships, nuclear powered aircraft carrier, USS Ronald Reagan at maging ang strike group training.

Base sa report, ang super carrier ang gagamitin sa pagsasanay ng dalawang bansa at kayang magdala ng 80 fighter jets at 5,000 sailors.

Maliban dito pag-aaralan din ng dalawang bansa kung papaano ang tamang paggamit ng mga 7,600 ton guided-missile destroyer, ROKS Seoae Ryu Seong-Ryong at 4,400 ton destroyer.

Samantala, target din ng South Korea na mas mapalalim pa ang ugnayan sa Estados Unidos sa pagpapalawak ng kaalaman sa sasakyang pandigma sa himpapawid.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon