Taas-pasahe sa mga pampublikong transportasyon, inaprubahan na ng LTFRB

APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng mga public transport group na taas-pasahe.

Inilabas na ng LTFRB ang desisyon sa hirit na taas-pasahe para sa mga pampublikong transportasyon.

Sa inaprubahang petisyon ng ahensya nasa P1 na provisional increase para sa Traditional Public Utility Jeepneys at Modern Public Utility Jeepneys sa unang apat na kilometro na magtataas sa minimum na pamasahe sa TPUJ sa P12 at MPUJ sa P14.

Magkakaroon din ng karagdagang pamasahe na P0.30 sa bawat susunod na kilometro para sa TPUJ at P0.40 sa MPUJ.

Habang ang pamasahe sa bawat susunod na kilometro para sa TPUJ ay magiging P1.80 mula sa P1.50, at P2.20 mula sa P1.80 para sa MPUJ.

Habang karagdagang pamasahe naman na P0.40 sa kada kilometro para sa mga Public Utility Buses at P0.45 para sa mga may aircon, at karagdagang P0.35 bawat kilometro para sa mga provincial bus.

Ang pamasahe kada susunod na kilometro sa ordinary bus ay magiging P2.25 mula P1.85, P2.65 mula P2.20 para sa may aircon, at P1.90 mula P1.55 sa mga provincial bus.

May P5 taas pasahe rin sa flagdown rate ng mga taxi at TNVS, kung saan ang minimum na pamasahe para sa taxis at Sedan-type TNVS ay magiging P45 at P55 naman sa AUV/SUV-type TNVS.

Para sa hatchback-type na TNVS, ang flagdown rate ay magiging P35.

Mananatili naman ang pamasahe sa kada kilometrong tatahakin para sa mga taxi at TNVS.

Paliwanag ni Garafil, mahaba-habang panahon ang ginugol upang mapagdesisyunan ang hiling ng mga transport group.

Kaya naman, ngayon lang inilabas ang desisyon ukol sa hirit pasahe.

Dagdag pa nito, hindi rin gaanong mataas ang epekto nito sa inflation rate gaya ng naging projection noon ng NEDA na nasa .1%.

Sa kasalukuyang, naka-pending pa rin ngayon ang petition ng UV Express para sa taas-pasahe dahil kakapasa lang nila ng position paper nitong Agosto, at dadaan pa ito sa masusing pagdinig.

Follow SMNI NEWS in Twitter


Comments

Popular posts from this blog

Virtual Pag-IBIG Mobile App, inilunsad para sa mas mahusay na serbisyo

Estados Unidos, inalala ang mga buhay na nasawi sa Sandy Hook School shooting pagkatapos ng 10 taon