Posts

Showing posts from August, 2022

Thai actors, nais ma-explore ang Pilipinas; Inihayag na napamahal sila sa bansa

Image
INIHAYAG ng Thai actors na sina Tay Tawan at New Thitipoom o mas kilala bilang Taynew na nais nilang ma-explore ang Pilipinas. Sa isang press conference at fan meeting na isinagawa ng dalawa noong Hulyo 30, ibinahagi nito na ang isa sa gusto nilang gawin sa bansa ang makabisita sa mga sikat na tourist spots dito at matikman ang Pinoy dishes. Sa mga lugar, nais ng mga ito ang makapunta sa Boracay at Bohol. Sa mga pagkain, gusto naman nilang matikman ang kare-kare, halo-halo at ang classic Filipino dish na adobo. Ayon pa sa dalawa, napamahal na sila sa Pilipinas simula pa noong una silang bumisita dito taong 2019 para sa isang TV series. Sa kabilang banda, hindi rin nagpahuli si Tay na makipagkita sa kanyang Pinoy friends na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia. Habang si New ay nagpahayag na gusto nitong maka-collab si Richard Juan. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pres. Marcos, bumisita sa burol ni ex-Pres. Fidel Ramos; Mga nagawa ni FVR, sinariwa

Image
NITONG umaga ng Huwebes, Agosto 4, nagtungo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Heritage Park sa Taguig City para dalawin ang burol ng yumaong si former President Fidel V. Ramos. Kasama ni PBBM sina Executive Secretary Vic Rodriguez at Special Assistant to the President Anton Lagdameo pati na rin sina House Speaker Martin Romualdez at dating Senate President Vicente Sotto III. Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na isang family event din ito dahil may kaugnayan ang kanilang pamilya kay FVR. “I just came to, of course, offered my condolences to the family, through the former president’s wife. You also must be remember that we are related to FVR so it is also a family event, the loss of FVR,” pahayag ni Pangulong Marcos. Nabanggit din ni Pangulong Marcos sa asawa ni FVR na si former First Lady Amelita ang mga nagawa ng dating presidente na nagsisimbolo aniya ng stability ng bansa. “I just reminded Mrs. Ramos on how FVR, when he became president, was a symb...

Seafood vendors sa Virigin Island na nagbenta ng overpriced na pagkain sa mga turista, bibigyan ng leksyon ng DOT

Image
BUMUO na ng technical working group ang Department of Tourism (DOT) para bumuo ng isahang guidelines para sa mga tourist destination sa bansa. Kasunod ito ng overpricing na ginawa ng mga seafood vendor sa Virgin Island sa Panglao Bohol. Sa Facebook post ng isang Vilma Uy sa Facebook, makikita na umabot sa P26,000 ang nabayaran niya sa isla. “The approach really needs to be holistic, we cannot leave anyone behind in trying to resolve this issue,” saad ni DOT Sec. Christina Garcia Frasco. Para kay Frasco, kailangan maturuan ang lahat ng stakeholders sa ‘Filipino brand’ of service para maiwasan ang ganitong mga isyu. ‘’I have already directed our regional office training on the Filipino brand of service to the stakeholders involved in the alleged overpricing. So what we anticipate is that we would be able to improve the experience din ng ating mga turista in these destinations,” pahayag ng kalihim. May mga panawagan na ngayon na parusahan ang mga nag-overprice ng seafood sa ...

President Yoon, makikipag-usap kay U.S House Speaker Pelosi sa pamamagitan lamang ng telepono

Image
MAKIKIPAG-USAP lamang si President Yoon kay U.S House Speaker Pelosi sa pamamagitan ng telepono ngayong araw matapos sabihin ng isa sa mga opisyal mula sa opisina ni Yoon na ang pagkikita ng dalawa ay hindi napaghandaan o wala sa plano. Sa kasalukuyan, ay nasa summer vacation si President Yoon, nang dumating kahapon ng gabi sa Osan Airbase sa Pyeongtaek si U.S House Speaker Nancy Pelosi. Nakatakda namang makipagkita si Pelosi kay South Korean National Assembly Speaker Kim Jin-Pyo upang pag-usapan ang regional security, economic cooperation, at iba pang mga naantalang isyu sa pagitan ng dalawang bansa. Sa kanyang two-day trip, nakatakda ring bisitahin ni Pelosi ang Inter-Korean Truce Village sa Panmunjom, ngayong araw. Si Pelosi ang kauna-unahang U.S House Speaker na bumisita sa South Korea, pagkatapos ng pagbisita sa bansa ni former Speaker Dennis Hastert, noong taong 2002. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Burol ni dating Pangulong Ramos, bukas na para sa mga opisyal ng gobyerno

Image
OPISYAL nang binuksan ngayong araw ang burol ng na-cremate na mga labi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Heritage Park sa Taguig City . Unang opisyal na dumating sa lamay ni Ramos si Labor Secretary Bienvenido Laguesma . Base sa inilabas na schedule ng pamilya Ramos, alas-7 ng umaga hanggang alas 2:30 ng hapon ang nakalaang oras para sa pagbisita ng mga government officials. Alas-3 hanggang 4:30 ng hapon naman para sa naging bahagi ng Gabinete ni Ramos at sa Ramos Peace and Development Foundation Inc. Bukas ay ibang grupo naman ang papayagang makadalaw sa burol. Nakatakda naman ang libing sa Agosto 9, alas-10 ng umaga sa Libingan ng mga Bayani. BASAHIN: Pres. Marcos, bumisita sa burol ni ex-Pres. Fidel Ramos; Mga nagawa ni FVR, sinariwa Follow SMNI News on Twitter

Sabah, magbubukas ng flight routes papuntang Indonesia

Image
MAGBUBUKAS ng flight routes ang estado ng Sabah sa Malaysia upang makakuha ng mga turista mula sa Indonesia. Makikipagtulungan ang gobyerno ng Sabah upang buksan ang flight routes sa Indonesia sa pamamagitan ng Batik Air sa pagsisikap na paunlarin ang estado bilang health tourism destination. Ayon kay State Tourism, Culture and Environment Minister Datuk Jafry Ariffin, ito ang tamang panahon para i-target ng Sabah ang health tourism sa pamamagitan ng pagsusulong ng pinakabagong mga pasilidad na inaalok ng mga ospital sa estado. Dagdag pa ni Ariffin, dapat aniyang samantalahin ang kasalukuyang trend sa kalusugan dahil ang bawat medical tourist ay may potensyal na gumastos ng higit pa sa mga ordinaryong turista. Kabilang din sa nasabing ruta papuntang Indonesia ang Pontianak at Balikpapan sa Kalimantan. Inaasahang maisasakatuparan ang mga flight routes sa lalong madaling panahon upang mahikayat ang mga turista sa mga karatig bansa. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter ...

Japan, nababahala sa Chinese military drills malapit sa Taiwan

Image
NAGPAHAYAG ng pagkabahala ang bansang Japan hinggil sa military drills ng China malapit sa Taiwan. Ayon sa mga ulat, tumaas ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa  matapos ang pagbisita ni U.S House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan na siya namang inaangkin na teritoryo ng China. Ayon sa top government spokesman ng Japan na si Hirokazu Matsuno, ang peace at stability sa Taiwan Strait ay mahalaga hindi lamang para sa Japan kundi maging sa buong mundo. Matapos ang 7 taon, nakatakda namang bumisita si Pelosi sa Japan sa susunod na linggo at makikipagkita kay PM Fumio Kishida upang palakasin pa ang bilateral relation ng U.S at Japan. Umaasa naman si Matsuno na mareresolba ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China sa isang mapayapang dayalogo. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

PLtGen. Vicente Danao, nagpasalamat sa suporta ng PNP sa kanyang panunungkulan sa organisasyon

Image
PINASALAMATAN ni PLtGen. Vicente Danao Jr. ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa suportang ipinagkaloob ng mga ito sa kanyang tatlong buwang pag-upo bilang OIC ng PNP. Aniya, malaking bahagi ang pakikiisa ng mga kawani ng organisasyon sa nagpapatuloy na kaayusan sa bansa. “I would like to express my deepest gratitude to everyone who helped and worked with me during my three-month stint as the Officer-in-Charge of the Philippine National Police. Every one of you became a part of my commitment and dedication to achieve a lasting peace and order in our country, ” pahayag ni Danao. Isa aniya sa mga maipagmamalaki ng kanyang maiksing panunungkulan ang pakikipagtulungan ng lahat upang itaguyod ang maayos at payapang national and local elections 2022 hanggang sa matagumpay na inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Kabilang sa ipinagmalaki ni Danao ang katatapos lang na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo kung saan walang anumang karahasan ...

U.S. at Australia, naglunsad ng ikalawang spy satellite

Image
NAKATAKDANG ilunsad ngayong araw ang ikalawang spy satellite na ginawa ng Australia at Estados Unidos mula sa launch site sa New Zealand . Ang una sa dalawang satellite na ito ay inilunsad dalawang linggo na ang nakakaraan para magkolekta ng intelligence mula sa mga kaalyadong bansa. Hindi inanunsyo ng Australian Department of Defense ang matagumpay na paglulunsad ng unang satellite o ang launch date ang ikalawang satellite. Ipinagdiwang ng US Spy Agency National Reconnaisance Office ang antipodean adventure na naglalarawan ng buwaya, rocket at agila. Nagulat naman ang ilang space industry dahil walang impormasyon at anunsyo mula sa Australia ukol rito. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Bilateral relations ng Malaysia at US, nananatiling malakas

Image
PINAHAHALAGAHAN ng Malaysia at Estados Unidos ang kanilang bilateral relations at patuloy na magtutulungan para sa kaunlaran at seguridad ng ekonomiya ng bansa. Nitong Martes, Agosto 2 ay dumating sa bansa si US House of Representatives Speaker Nancy Pelosi kasama ang kanyang delegasyon sa Kongreso bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa apat na bansa sa Asya. Ang pagbisita ni Pelosi ay nakatuon sa mutual security, economic partnership at demokratikong pamamahala sa Indo Pacific Region. Ayon naman kay Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob, ang partnership ay mas lumakas at tumaas sa pamamagitan ng katatapos na ASEAN-US Special Summit na ginanap sa Washington D.C. mula noong Mayo 12-13. Bukod pa rito, lumakas din ang partnership sa pamamagitan ng vaccine diplomacy cooperation kung saan nag-donate ang US ng isang milyong dosis ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa Malaysia para tulungan ang bansa sa paglaban sa pandemya. Dagdag pa rito, ang US ay kasalukuyang pangatlo sa ...

Smart public transport system, itatayo sa Makati City

Image
INAASAHANG magkakaroon na ng pampublikong electric buses sa lungsod ng Makati. Ito ay matapos lumagda ng kasunduan ang Makati local government at mga opisyal ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) ngayong araw ng Miyerkules para sa pagtatayo ng isang smart public transport system sa lungsod. Sa isang press conference sa Makati City Hall, sinabi ni Mayor Abby Binay na sa pamamagitan ng naturang proyekto, mababawasan ang problema sa trapiko sa siyudad. Sa ngayon, isasapinal pa ng LGU ang ruta ng electric bus sabay tiniyak ng alkalde na ipaprayoridad nila ang mga area na hindi napupuntahan ng ibang public transport. Kasama rin sa pag-aaralan at tutukuyin pa ng LGU ang depot, command center pati na rin ang loading at unloading stations ng smart public transport system. Inaasahang magbibigay ng malaking ginhawa sa mga commuter ang bagong public transport dahil  mas mabilis ang biyahe at mura ang singil sa pamasahe. Hassle-free rin ang bayad sa pamasahe dahil gagawin i...

5.5 milyong pamilya, nangangailangan ng ayuda – DSWD

Image
AABOT sa 5.5 milyong pamilyang Pilipino ang mahirap at kailangan ng assistance base sa survey na ginawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) simula pa noong taong 2019. Kalimitan sa mga pamilyang ito ay mula sa Bicol Region, Western Visayas at Bangsamoro. Ayon sa DSWD, sumailalim sa scientific process at validation ang listahan 3 o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction ng DSWD. Gumamit ang DSWD ng algorithms sa pag-compute ng mga variable gaya ng income, expense at iba pang salik. Dagdag pa ng DSWD, walang benepisyo ang mabibigay kaagad sa 5.5 million na natukoy na pamilya ngunit ang mga pamilyang ito ay maisasali sa 4Ps program. Saad ni DSWD Sec. Erwin Tulfo, babawasan pa ang listahan sa mga susunod na 3 buwan upang ma-accommodate ang 4.4 million na benepisyaryo ng 4Ps. Ang listahan din na ito ang magiging basehan ng gobyerno at iba pang civil society organizations sa pagbibigay ng financial aid at iba pang programa tulad ng 4Ps. Dagd...

Pasahero mula sa Indonesia, pinagmulta ng aabot sa $2000 dahil sa iligal na pagdadala ng McDonalds meal sa backpack

Image
NAHAHARAP sa 2 libong dolyar na multa ang isang pasahero mula sa Indonesia na nagbyahe tungo sa Australia dahil sa iligal na pagpupuslit ng McDonalds meal sa backpack nito. Isang manlalakbay mula Indonesia na dumating sa Australia ang pinagmulta ng aabot sa 2 libong dolyar matapos ma-detect ng border guards ang dalawang Mcmuffins at isang ham croissant na nakalagay sa backpack nito. Naamoy ng biosecurity detector dog na si Zinta ang hindi idineklarang egg-and-meat meal sa Darwin Airport na nagdulot naman ng napakamahal na multa para dito. Ayon sa Australian Agriculture Minister na si Murray Watt, ito na umano ang pinakamahal na McDonalds meal na posibleng bayaran ng naturang pasahero. Matatandaan na ang Australia ay mayroong hyper-stringent biosecurity na mga batas na nakadisenyo para protektahan ang malaking industriya ng agrikultura ng bansa mula sa imported na peste at mga sakit. Sa ngayon nakaalerto ang mga awtoridad matapos maiulat ang outbreak ng foot and mouth disease sa...

DepEd, inanunsyong walang magiging delay sa muling pagbubukas ng mga eskwelahan sa mga lugar na niyanig ng lindol

Image
INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang muling pagbubukas ng mga eskwelahan sa Agosto 22 sa kabila ng pagyanig ng malakas na lindol sa hilagang bahagi ng Luzon. Ito ang inihayag ni DepEd spokesperson Michael Poa matapos pag-aralan ng kagawaran ang sitwasyon at kakayahan ng mga eskwelahang apektado ng lindol sa pagbubukas ng mga klase. Gayunman, nilinaw ng tagapagsalita na ang desisyong ito ay para lamang sa pagbubukas ng mga klase sa Agosto 22 dahil sa 451 na classroom ang nasira ng lindol at ang implementasyon ng in-person classes ay magsisimula pa sa Nobyembre 2. Matatandaan na sa kalagitnaan ng Brigada Eskwela sa Imus Pilot Elementary School sa Imus, Cavite ay sinabi na ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio na plano ng DepEd na magkaroon ng 1.4 bilyong piso ng recovery at reconstruction fund. Sa kabila nito ay sinabi ni Poa na hindi pa pinal ang nasabing halaga dahil sa plano ng departamento na humingi ng karagdagang pondo mula s...

South Korea, tumaas ang electric consumption dahil sa heatwave

Image
TUMAAS ang konsumo ng kuryente sa buwan ng Hulyo sa South Korea dahil sa nararanasang heatwave. Ayon sa Korea Power Exchange (KPX) ang karaniwang konsumo ng kuryente ng bansa ay umabot sa 82,007 megawatts sa buwan ng Hulyo, mas mataas ng isang porsyento kaysa nakaraang taon. Ito ang may pinakamataas na naitala mula noong taong 2005. Ang huling naitala noong Hulyo 2021 ay nasa 81,158 megawatts lamang. Dagdag naman ng KPX ang power reserve ratio ng bansa ay bumaba rin sa 10 porsyento 3 beses noong nakaraang buwan. Ang bansa ay dapat merong ratio na 10 porsyento o higit pa upang mapanatili ang isang matatag na power supply at makapaghanda sa anumang darating na sakuna. Sa ngayon, ang pamahalaan ay nagsusumikap upang maka-secure ng karagdagang power supply nang walang sagabal habang magpatutupad ng mga hakbang upang mabawasan ang pagkonsumo ng kuryente lalong-lalo na sa pampublikong institusyon. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

30 pinaghihinalaang positibo sa monkeypox sa Thailand, nag-negatibo sa sakit

Image
INIULAT na negatibo sa monkeypox ang 30 indibidwal na naging close contact ng 2 positibong kaso ng monkeypox sa Thailand. Ayon sa Disease Control Department, magpapatuloy ito sa pagte-trace ng mga pinaghihinalaang kaso ng monkeypox. Ang unang kaso ay ang 27-taong gulang na Nigerian na ngayon ay nasa Cambodia na at ginagamot roon at ang isa naman ay isang Thai national. Ayon naman sa ahensya, inihayag ng World Health Organization na hindi na kailangan ng malawakang pagbabakuna laban sa impeksyon ng monkeypox pero ang mga indibidwal na may mataas na risk ng impeksyon gaya ng frontline medics ay kinakailangang mabakunahan. Ayon sa huling sitwasyon ng monkeypox sa buong mundo, higit 22 libong kaso na ang kaso na naiulat sa 76 na bansa kung saan ang pinakamataas na incident rate ay ang Estados Unidos. Follow SMNI NEWS in Twitter Tweets by smninews

DBM, aprubado na ang P4.13-B special aid para tulungan ang mga mahihirap na pamilya na apektado ng inflation

Image
APRUBADO na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P4.13 bilyong special allotment para tulungan ang mga mahihirap na pamilya na apektado ng inflation. Sa isang pahayag, sinabi ng DBM na inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash aid ng mga mahihirap sa pamamagitan ng Targeted Cash Transfer (TCT). Sa ilalim ng programa, ang bawat non-4Ps beneficiary na tinukoy ng DSWD ay makatatanggap ng P500 kada buwan sa loob ng 2 buwan. Inaasahan naman na mahigit 4 milyong benepisyaryo ang mabebenepisyuhan ng second trance allocation. Sinabi ni Pangandaman na maaring mapalawig ang tulong hanggang kaya ng pamahalaan ang pondo. Follow SMNI NEWS in Twitter Tweets by smninews

Panlilinlang ng Makabayan bloc, panahon na para wakasan –VP Sara Duterte

Image
MULING binanatan ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang Makabayan bloc kasunod ng pambabatikos ni dating Bayan Muna Rep. at Lumad leader Eufemia Cullamat sa kaniyang pagsusuot ng tribal outfit sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kamakailan. Ayon kay VP Sara, natatawa lang siya sa mga mapagkunwaring pahayag ng Makabayan bloc habang iniisip kung paano ayawan ng taumbayan ang Bayan Muna at iba pang Makabayan bloc partylist groups na muling makalusot sa Kongreso. “I always have time for Makabayan bloc. The laugh that I get reading Makabayan bloc’s hypocritical and dramatically rehashed statements — while thinking about how the Filipino people rejected the bid of Bayan Muna and two other Makabayan bloc partylist groups to once again infiltrate Congress and legitimize their existence,” pahayag ni VP Sara. Pagdidiin pa nito na sinungaling ang Makabayan bloc at may “love affair” sa mga terorista at komunista. “ While pretending that w...

North Luzon Command, nag-alay ng gun salute para kay dating Pangulong Fidel Ramos

Image
KASUNOD ng pagpanaw ni dating Pangulong Fidel Valdez Ramos, agad na nagpakita ng pakikidalamhati ang pamunuan ng North Luzon Command (NOLCOM) ng Philippine Army. Alas singko kaninang madaling araw nang mag-alay ng 8 gun salute ang North Luzon Command headquarters. Pakikiisa ito sa pagpanaw ng dating ika-12 na Commander-in-Chief ng bansa. Matatandaang, unang naging bahagi ng Philippine Constabulary si Ramos mula 1972-1986 at bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula 1986-1988. Naging pinuno rin ang dating pangulo sa Department of National Defense (DND) mula 1988-1991. Ayon sa NOLCOM, 8 gunfires sa bawat kalahating oras ang iaalay nila hanggang alas singko ng hapon. Naka-half mast rin ang Watawat ng Pilipinas ng NOLCOM. Nauna na ring sinabi ng AFP na hindi nito makakalimutan ang kontribusyon ni dating Pangulong Ramos sa kanilang hanay partikular na sa paninilbihan nito bilang pangulo ng Pilipinas at pagtataguyod ng kapayapaan sa bansa. “We shall honor...

Pagkakabasura ng panukalang tax exemption sa honoraria ng mga guro, okay lang sa COMELEC

Image
SA kabila ng pag-veto ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa panukalang tax exemptions sa mga guro na nagsilbing poll worker ay tiwala ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi magpapatinag ang mga guro sa hangarin nila na magsisilbi tuwing halalan. Nirerespeto ng COMELEC ang desisyon ng Malacañang matapos ibasura ang panukalang batas na magbibigay ng tax exemptions sa mga guro na nagsilbing poll workers noong nakaraang halalan. Isa ito sa mga panukalang batas na ivineto ng Pangulo kamakailan. Sa ilalim sana ng panukala ay hindi makakaltasan ng buwis ang natanggap na honoraria ng mga guro noong eleksyon. Pero dagdag ng Komisyon, hindi rito nagtatapos ang kanilang adhikain na maibigay ang tax exemptions sa mga guro. Dahil hindi nga naging batas ang panukala, tuloy ang 5 percent tax deduction sa honoraria ng mga poll worker. Matatandaan na noong nakaraang halalan ay P7,000 ang honoraria na ipinagkaloob sa mga Electoral Board Chairman, 6,000 naman sa mga EB member, 5...

23-M eligible individuals, target na maturukan ng first booster shot sa 1st 100 days ni PBBM

Image
PUSPUSAN ang ginagawang hakbang ng Department of Health (DOH) para mapataas ang antas ng booster shot sa bansa. Tinatarget ng DOH na makakuha ng 23 million na eligible individuals na maturukan ng first booster shot sa first 100 days ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa panayam kay DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire, sinabi nito na kung ibi-breakdown, nasa 397, 000 ang kailangang maabot kada araw para makuha ang naturang target. Base sa naging tala ng DOH, nasa 185,000 lamang ang average bawat araw ang nababakunahan ng first booster. Kaya naman puspusan ang panghihikayat ng DOH sa publiko para mapalakas pa ang booster roll-out sa bansa. Sa kabilang banda, inihayag ni Vergeire na hindi na kailangang gawing mandatory ang pagpapabakuna o magpapa-booster shot. Lalo’t may mga iba’t ibang estratehiya na noon ang pamahalaan na epektibo para sa vaccination rollout. Ang pahayag ni Vergeire ay kasabay ng PinasLakas booster vaccination campaign event ng DOH sa Pasig C...

Pagsuot ng tribal dress ni VP Sara Duterte, pakikiisa aniya sa mga IP

Image
NILINAW ng Vice President at Education Secretary Inday Sara Duterte-Carpio na bahagi ng kanyang pagbibigay-karangalan sa isa sa 11 tribo ng mga katutubo sa Davao City ang kanyang pagsuot ng tribal attire sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bukod dito, sinabi rin ni VP Sara, na ito ay bilang pakikiisa sa mga katutubo sa Mindanao at iba pang indigenous people (IP) sa buong bansa na nakikiisa sa pakikipaglaban kontra sa panlilinlang ng CPP-NPA-NDF. Partikular na tinukoy ng pangalawang pangulo ang malalang pananamantala ng teroristang NPA sa mga kabataan na nirerecruit para sa kanilang armadong pakikibaka. Ayon kay VP Sara, ang kanyang pagsusuot ng kasuotan ng mga tribo ay upang mapataas ang kaalaman ng publiko hinggil sa pambibiktima ng CPP-NPA-NDF sa mga IP. Kaugnay naman sa pambabatikos ni Eufemia Cullamat, dating kinatawan ng natalong Bayan Muna Partylist kay VP Sara na umano’y pakitang-tao lang ang ginawa ng pangalawang pangul...

NDRRMC, welcome development ang rightsizing sa ahensiya

Image
IKINATUWA at ikinokonsiderang welcome development ng pamunuan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang panukala at isinusulong na palawakin o palakasin ang pwersa ng NDRRMC. Sa isang pahayag ay sinabi ni NDRRMC Spokesperson Mark Timbal na suportado at nagpapasalamat sila kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa nasabing isyu. Samantala nauna dito ay iginiit naman ni Senadora Imee Marcos na hindi dapat magdulot ng kalituhan sa gobyerno ang pagpapabuti sa disaster management habang gusto rin nitong tapyasin ang burukrasya. Ito’y kaugnay sa rekomendasyon na dapat i-upgrade na lang o bigyang dagdag kapangyarihan ang NDRRMC bilang suporta sa “rightsizing” policy ng gobyerno, kaysa gumawa pa ng bago at napakalaking departamento. Magagawa naman anyang ma-upgrade ang kasalukuyang papel ng NDRRMC bilang konseho patungo sa isang otorisadong ahensya, sa halip na magtatag ng isang “full-scale department” na mangangailangan ng malaking ...

Dating domestic helper, tumatakbo para sa lokal na posisyon ng City council sa Vancouver

Image
ISANG Pinay na dating domestic helper at ngayon ay isang business owner, author ang tumatakbo sa lokal na posisyon sa city council ng North Vancouver . “I came to Canada in 1990’s as a nanny and  I have been here now for almost 32 years,” ayon kay Me Ann, dating OFW at ngayon ay business owner/author. Isang single mother si Me Ann, sa kanyang pagsusumikap ginawa ni Me Ann ang lahat pati ang pag-aaral sa night school, community at weekend classes habang namamasukan sa kanyang kagustuhan na umangat sa pamumuhay at matupad ang kanyang mga pangarap. Ngayon ay isa na ngang ganap na business owner ng isang manpower agency para sa mga caregiver at nanny na nakatulong ng maraming pamilya mula sa Pilipinas na makarating sa Canada at nakapaglathala ng 4 na libro patungkol sa kanyang mga pinagdaanan. “Marami akong pinagdaanang hirap, pagkatapos ko naging nanny naglinis din ako ng bahay, to the point na dahil masaya ang pinaglilinisan ko napalaki ko yun,” dagdag pa nito. Likas na k...

SolGen, dumistansya sa pag-anunsyo ng desisyon ni PBBM sa imbestigasyon ng ICC sa drug war

Image
TUMANGGI at ayaw munang sabihin ni Solicitor General Menardo Guevarra kung mayroon na bang pinal na desisyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Kaugnay sa hiling ng International Criminal Court (ICC) na maimbestigahan ang drug war campaign na ginawa ng Duterte administration. Ipinaliwanag ni Guevarra na ipinauubaya niya sa Malakanyang ang pag-anunsyo ng isyu kaya mas mainam na hintayin na lamang ang magiging pahayag ng Pangulo. Ito ay matapos kinumpirma ng SolGen na nakipagpulong na sila kay Pangulong Marcos kasama sina Executive Secretary Vic Rodriguez, Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, Justice Secretary Crispin Remulla, at Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo. Sinabi ni Guevarra na tinalakay sa pagpupulong ang posisyon ng pamahalaan ukol sa imbestigasyon ng ICC sa isyu sa giyera kontra droga ng nagdaang pamahalaan. Matatandaang 2019 nang kumalas ang Pilipinas sa ICC Rome Statute kaya malinaw aniya na hindi na miyembro ang bansa sa Rome Statute ng ICC. [e...

Agrikultura, magiging sentro ng programa ni PBBM – Chief Presidential Legal Counsel

Image
MAGIGING sentro ang agrikultura ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr . Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI. “Ang agrikultura ay nadagdagan dahil ‘yun ang magiging sentro ng programa ng Pangulo, without considering also the importance of the other needs of the country. But, he wants to assure the country there will be enough food for the people which I think is the best program to take,” wika ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile. Pinayuhan naman ni Enrile ang mga Pilipino na huwag munang ikumpara ang pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa loob ng 6 na taon dahil nasa 2 buwan pa lamang na nakaupo si Pangulong Marcos Jr. Bukod pa rito, sinabi rin ni Enrile na magkakaroon din ng pinakamalaking budget ang edukasyon ng bansa. Naniniwala naman si Mang Jess Arranza na walang masama kung magbigay ng opinyon ang mga tao hinggil sa hindi nabanggit na mga isyu n...

Dating Sen. Leila de Lima, muling humarap sa pagdinig sa kanyang kaso sa droga; Ronnie Dayan tumestigo

Image
MULI na namang humarap ngayong araw sa Muntinlupa Regional Trial Court si dating Senador Leila de Lima kaugnay pa rin sa kinahaharap na kaso nito sa droga. Alas otso kaninang umaga nang dumating sa pagdinig sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC), Branch 204 si dating Senador De Lima. Ang pagdinig ay para sa nagpapatuloy ng unang presentation ng defense evidence ng dating senadora. Ayon din kay Atty. Filibon ‘Boni’ Tacardon, lawyer ni De Lima, natapos na ng prosecution ang kanilang cross examination. Sa panig naman ng kampo ni De Lima nagsasagawa rin sila ng cross examination. Ayon din kay Tacardon, maraming naitanong ang prosecution kay Ronnie Dayan tungkol sa kanyang salaysay sa Kongreso at sa kanyang judicial affidavit kaya nagtagal ang cross examination. Matatandaan noong nakaraang Mayo 6, naghain si De Lima sa korte ng Manifestation and Omnibus Motion para sa agarang pagbasura ng mga kaso laban sa kanyang pagpapalaya  at para makapag-piyansa. Kasunod ito ng pag-amin n...

Imee: Pagtugon sa mga kalamidad, dapat nang umangat tungo sa katatagan

Image
INIREKOMENDA ni Senador Imee Marcos na i-upgrade ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may mas pinalakas na kapangyarihan sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo at may karapat-dapat na badyet, kaysa magtayo ng isang “full-scale” o malaking departamento. Una nang inihain ng senadora ang Senate Bill 1125, para sa pagbuo ng National Resilience and Disaster Management Authority noong Oktubre 2019, noong 18th Congress, at muli niyang inihain ang Senate Bill 186 ngayong Hulyo sa pagpasok ng 19th Congress. “Kilos na at move-on na tayo sa magulong disaster response para sa buong taong katatagan,” giit ni Imee Marcos. Tinalakay ang panukala ni Marcos sa pulong na pinangunahan ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pambansa at mga lokal na opisyal sa Abra. “Kailangang agaran nang palakasin ang NDRRMC, dahil hanggang ngayon obligado pa ring pumunta ang Pangulo, DSWD Secretary, NDRRMC, AFP, DPWH at PHIVOLCS sa mga lugar na tinam...

Panukalang 2023 national budget, sentro ng diskusyon sa Cabinet meeting ngayong araw

Image
MULING pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Cabinet meeting sa Aguinaldo State Dining Room sa Malacañang Palace ngayong araw, Hulyo 29. Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kabilang sa natalakay sa pulong ang patungkol sa proposed 2023 national budget. “Nagkaroon kami ng Cabinet meeting nitong umaga, 9 o’ clock. It was a special Cabinet meeting. Ang pinag-usapan po namin ay tungkol sa budget. Nagpresenta po ang Department of Budget and Management, at ipinakita iyong proposed submission for Congress,” ayon kay Cruz-Angeles. Sa official Facebook page ng Office of the President, nakasaad dito na ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon ay 4.9 percent na mas mataas kaysa sa PHP5.024 trillion 2022 national budget. Makakukuha ng pinakamalaking funding ang mga sektor ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at agrikultura. Nabanggit naman ng Press secretary na kasama rin sa prayoridad sa proposed national budg...

SSS, hinabol ang mga hindi nagbibigay ng tamang kontribusyon sa Makati at QC

Image
MATINDING pag-iikot ang isinagawa ng Social Security System (SSS) sa bahagi ng Quezon City at Makati City ngayong araw ng Biyernes. Ito ay upang isa-isahin ang mga establisimyento na hindi tumatalima sa kautusan alinsunod sa Republic Act 11169 o ang tinatawag na Social Security Law. Sa bahagi ng Quezon City, nasa 10 employers ang inikot ng ahensiya upang isyuhan ng show cause order dahil sa hindi tamang pagbibigay ng kontribusyon sa kanilang mga empleyado. Sinabi ni Attorney Renato Cuisia, head ng Legal Services Division ng SSS Congressional  Branch isa lamang ito sa kanilang hakbang upang paaalahanan ang mga negosyante na sumunod sa umiiral na batas. Ang kabiguang hindi pagbabayad ng kontribusyon ng mga employer ay malaking epekto para sa mga empleyado dahil maaaring hindi nila matatanggap ang mga benepisyong ipinagkakaloob ng SSS. Kabilang ang maternity loan, retirement loan, funeral loan, sickness loan, educational loan, privilege loan, calamity loan at iba pa. Dahil dit...

DICT, target na maiplementa agad ang mandato ni PBBM sa kanilang ahensya

Image
TARGET ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mabilis nilang maipatupad ang mandato ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang ahensya. Isa na aniya dito ayon kay DICT Sec. Ivan John Uy sa panayam ng SMNI News ang digitalization gaya ng sa Department of Migrant Workers (DMW). Kaugnay ito sa mas pinabilis na pagrelease ng overseas employment certificate. Layunin din ng DICT ang mabigyan ng kaukulang sistema ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) na nagnenegosyo sa pamamagitan ng e-commerce platform simula nang magkaroon ng pandemya. Samantala, noong nakaraang araw ay aprubado na ng National Telecommunications Commission (NTC) ang registration ng Starlink Internet Services Philippines Incorporated sa Northern Luzon. Dahil dito, naibahagi ni Sec. Uy na posibleng dalhin ni Elon Musk ang Tesla dito sa Pilipinas. Si Elon Musk ay siya ring may-ari ng Starlink. Mula rito, umaasa si Sec. Uy na mas lalago at dadami na ang mag-iin...

Pagbabakuna ng 2nd booster sa mga may comorbidities, inumpisahan na sa NCR

Image
NAGSIMULA na ang pagbabakuna ng second booster shot para sa mga edad 50 pataas at 18-49 na may comorbidities sa mga lungsod ng Metro Manila. Ito’y matapos inilabas ng Department of Health (DOH) ang guidedlines para dito. Tiniyak naman ng DOH na sapat ang COVID-19 vaccines para sa 2nd booster sa buong bansa. Sa San Juan City, pinangunahan ito ni Mayor Francis Zamora katuwang ang DOH at Department of  Interior and Local Government (DILG) . Bakunang Pfizer ang kanilang gagamitin para sa 2nd booster ng nasabing priority group kung saan nasa 41,000 ang available doses. Umaasa si Zamora na sa lalong madaling panahon ay ma-expand pa ang pagbabakuna ng second booster.  “I’m hoping that eventually they will expand soon to 18-49 na heath population. Bakit po? Dahil dito sa San Juan halimbawa marami sa mga nabigyan na ng first booster ay lagpas na apat na buwan na,” pahayag ni Zamora. Sa Makati City, binuksan na rin ang pagbabakuna ng second booster sa nasabing priority group...

Concert tours ni Shawn Mendes, kanselado

Image
KANSELADO ang concert tour ng Canadian singer na si Shawn Mendes matapos inanunsyo nito na nagkaroon siya ng mental health issues. Saklaw ng naturang suspensyon ay ang nakatakda sana nitong pagbisita sa North America , United Kingdom at Europe. Advise na rin aniya ito ng kanyang mga doktor para matutukan ang kanyang kalusugan at wala pang tiyak na impormasyon kung matutuloy pa ba ang mga suspendidong concert schedules. Inihayag naman ni Mendes na hindi ito senyales na hihinto na siya sa paggawa at pagre-release ng musika at hangad pa rin aniya na makita ang kanyang fans sa pamamagitan ng concert tours. Unang sumikat si Mendes sa kanta nitong “Stitches” noong 2015. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Total exported products ng Thailand, tumaas sa 11.9%

Image
UMABOT sa 11.9% ang total exported products ng Thailand sa buwan ng Hunyo ngayong taon. Base sa opisyal na datos ng Commerce Ministry nitong Miyerkules, nagkakahalaga ng USD26.55 billion ang kabuuang exported products ng bansa noong nakaraang buwan. Inihayag din ng ahensya na sa unang anim na buwan ngayong taon aabot na sa 149.18 billion dollars ang na-export ng Thailand o 12.7% sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon. Kung maaalala nasa 24.5% o 28.08 billion dollars naman ang kabuuang imported products ng bansa dahilan upang magkaroon ito ng trade deficit na 1.53 billion dollars. Samantala, nangunguna naman ang bansang Estados Unidos, Japan at China sa pinagkukunan ng mga produkto ng Thailand. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Kamara, bibilisan ang pagpasa sa SONA priority measures ni President Bongbong Marcos

Image
IGINIIT ni House Speaker Martin Romualdez na bibilisan nila sa Kamara ang pagpasa sa mga panukalang batas na binanggit ni President Bongbong Marcos sa kaniyang SONA. Ayon kay Romualdez, 8 sa 19 na legislative priority measures ng pangulo ay pasok ‘for swift approval’ batay sa Rule 10, Section 48 ng House of Representatives. Sa ilalim nito, mapapabilis ang pag-apruba sa mga nabanggit na panukala dahil lusot na ang mga ito sa third and final reading sa nagdaang mga kongreso. Ang mga ito ay ang Valuation Reform Bill, PIFITA, E-Governance Act, Internet Transaction Act, GUIDE, Medical Reserve Corps, National Disease Prevention Management Authority, at ang Virology Institute of the Philippines bill. At sa walong panukalang batas na tiyak na ang agarang pagpasa, lima dito ay main author si Speaker Romualdez. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

1 patay sa pagtama ng lindol sa Benguet ayon sa pulisya

Image
ISA ang patay sa pagtama ng malakas na lindol sa La Trinidad, Benguet . Sa ipinadalang mensahe sa SMNI News ni Police Captain Marnie Abellanida, isang Aron Cul-iteng ang biktima sa boarder ng gumuhong gusali. Sinubukan pang isugod sa Benguet General Hospital ang bikitma. Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Pangulong Marcos, tutungo sa Abra matapos ang naranasang lindol

Image
LILIPAD patungong Abra si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr . kasunod ng naranasanang malakas na lindol doon. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Press secretary Trixie Cruz-Angeles na tutungo si PBBM sa Abra, ang epicenter ng magnitude 7 na lindol para alamin ang sitwasyon doon. Sa ngayon aniya ay nakikipag-ugnayan ang pangulo sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinabi ni Cruz-Angeles na ipinag-utos ni PBBM ang agarang pagpapadala ng rescue at relief teams sa Abra at iba pang lugar na tinamaan ng lindol. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Nasawi dahil sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra, umakyat na sa 4 – DILG Sec. Abalos

Image
UMAKYAT na sa 4 ang naiulat na nasawi dahil sa magnitude 7 na lindol na tumama sa probinsya ng Abra. Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos , dalawa sa mga nasawi ay mula sa Benguet habang tig-isa sa Abra at Mountain Province. Bukod sa apat na nasawi, sinabi ng kalihim na 60 ang naiulat na nasugatan sa lindol kung saan 44 dito ay mula sa Abra. Hindi pa naman aniya malinaw kung naberipika na ang naturang datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NGRRMC). Samantala, sinabi ni Abalos na 15 probinsya, 15 na lungsod, 280 munisipalidad at 6,756 barangay ang apektado ng malakas na lindol. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Malakas na insurhensiya at korupsiyon, hindi nakakaengganyo ng investors – Political Analyst

Image
HINDI makakaengganyo ng investors kung malakas ang insurhensiya at korupsiyon sa isang bansa. Ito ang naging pananaw ni Political Analyst at Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News hinggil sa hindi pagsali ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa isyu tungkol sa NTF-ELCAC at maging sa korupsiyon sa kanyang SONA. Ayon pa kay Malindog-Uy, nagsisimula ang lahat ng mga krimen sa iligal na droga. Sinabi rin ni Malindog-Uy ang kanyang obserbasyon na para bang iba ang NTF-ELCAC ngayon dahil hanggang ngayon ay wala pang rollout mula sa kanila. Samantala, nilinaw naman ng propesor na hindi niya binabatikos si PBBM. Nais niya lang ipabatid dito kung ano pa ang isyu ng lipunan na dapat ring tutukan nito. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Matagumpay na programa ng NTF-ELCAC, dapat suportahan ng isang lider – expert

Image
DAPAT suportahan ng kahit sinong lider ang nagawa na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) . Sa panayam ng SMNI News kay Malou Tiquia, ang Founder at CEO ng PUBLiCUS Asia. Sinabi nito na ang taumbayan ang mismong nagsasabi na mahalaga ang usapin hinggil sa insurhensiya. Batay aniya sa kanilang huling survey, 56% sa mga Pilipino ang umaasang mabanggit ang NTF-ELCAC at gusto nilang marinig ang plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). Kahit pa aniya sinabi na ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy nito ang programa ngunit kailangan din nitong liwanagin kung alin doon sa programa ang kanyang tututukan. Inihayag din ni Tiquia na hindi na kailangan pang baguhin ang isang bagay na nagtagumpay na kaya dapat itong suportahan. Ipinunto rin nito na dapat bigyan na ng solusyon ang mga problema na matagal na nating alam. Nilinaw naman nito na hindi personal ang kanyang puna dahil ang paglilingkod...

Publiko, patuloy na pinag-iingat kasunod ng malakas na lindol sa Abra

Image
PINAALALAHANAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na manatiling mapagbantay, magsagawa ng pag-iingat, at sundin ang babala ng mga awtoridad. Ito ay kasunod ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra na naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Una nang pinulong ni Defense OIC Senior Undersecretary Jose Faustino Jr. ang kanyang mga opisyal upang magkaroon ng assessment at tugon sa epekto ng lindol. Tiniyak din nito ang 200 milyong pisong quick response funds para sa mga apektadong local government units (LGUs). Nabatid na may mga naiulat na pinsala sa imprastraktura at pribadong istruktura at pagguho ng lupa sa ilang lugar. Naka-deploy rin ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), Philippine National Police (PNP), at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa search, rescue, at retrieval operations sa pangunguna ng LGUs. Gayundin ang pagsasagawa ng aerial inspections ng Philippine Air F...

EJ Obiena nagkamit ng bronze medal sa World Athletics Championships

Image
GUMAWA ng kasaysayan si EJ Obiena nang makuha nito ang bronze medal sa World Athletics Championships sa Hayward Field sa Eugene, Oregon, United States. Si Obiena ang kauna-unahang Pinoy na nakapasok sa podium sa world championship stage. Nai-reset ni Obiena ang Asian Record at ang kanyang personal na best sa pamamagitan ng 5.94-meter clearance. Sinubukan ni Obiena na makamit ang 6.00m ngunit hindi siya pinalad sa kanyang tatlong pagsubok. Ang 26-anyos na si Obiena ay nasa roll ngayong taon na nanalo ng 6 na gintong medalya. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Kaso ng dengue ngayong taon, halos 74,000 na

Image
PUMALO na sa 73,909 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa simula noong Enero 1, 2022 hanggang Hulyo 2, 2022. Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Health OIC Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 18,699 dengue cases ang naitala mula Hunyo 12 hanggang Hulyo 9, 2022. Ayon kay Vergeire, ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng dengue ay sa Central Luzon, Cagayan Valley, at National Capital Region. Sa ngayon aniya ay patuloy ang kanilang kampanya laban sa dengue kung saan pinakikilos na nila ang mga local government units para gawin ang 4S strategy at paganahin na ang kanilang dengue brigades. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Tourism infrastructure, patututukan ni Pangulong Marcos

Image
BIBIGYANG prayoridad ng Marcos administration ang tourism infrastructure sa bansa. Sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) kahapon, naniniwala si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na mahalaga ang papel ng turismo upang mas makilala ang ‘Filipino brand’. Dagdag pa ni Pangulong Marcos na ang turismo ay hindi lamang mahalaga sa paglago ng ekonomiya ng bansa pero maging sa pagpaparami ng trabaho. Kaya isa sa kaniyang plano ay ang pagpapaunlad ng tourism infrastructure sa bansa. Suportado ng Tourism Department ang mga plano at programa ni Pangulong Marcos kabilang na rito ang pagbibigay ng pantay-pantay na oportunidad sa lahat ng mga tourist destination sa bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Inaasahan din ng kagawaran na mas dadami pa ang job opportunities dahil sa pagpatatayo ng mga kalsada at paliparan sa bansa. Ayon pa kay DoT Sec. Christina Frasco, alam na alam ng presidente ang pangangailangan ng nasabing industriya kaya paglalaanan aniya ito ng gobyer...

ORCC, ilulunsad ng pamahalaan para sa mga OFW na nanganganib ang buhay

Image
IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakdang ilunsad ng pamahalaan ang One Repatriation Command Center (ORCC) para sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na naiipit sa kaguluhan o kaya naman ay nakararanas ng pang-aabuso at nanganganib ang buhay. Ayon sa Pangulo, maglalaan ang Department of Migrant Workers (DMW) ng isang social media platform at hotline upang matulungan agad at maligtas ang mga OFW mula sa mas higit na kapahamakan. Samantala, sa kasalukuyan ay nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa pamahalaan ng Saudi Arabia upang buksan muli ang deployment. Sa katunayan, sa mga susunod na buwan ay magtutungo si DMW Sec. Susan Ople sa nasabing bansa upang tiyakin na may sapat na pwersang magsisiguro na mabubuksan muli ang empleyo sa bansa at para maisulong ang kampanya laban sa human trafficking. Hinangaan at pinasalamatan naman ng Pangulong Marcos ang mga mambabatas na nagpasa sa panukalang batas na maglilikha sa DMW at sa dating Pangulong Rodrigo Roa Dute...

Paglikha ng Centers for Disease Control at Vaccine Institute, hiniling ni PBBM sa Kongreso

Image
HINILING ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr . sa Kongreso na magpasa ng batas na lilikha ng Centers for Disease Control (CDC) at Vaccine Institute. Sa unang  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong  Marcos, inilatag nito ang mga nais isulong na panukalang batas o legislative agenda para sa pangkalusugan na higit na makatutulong lalo na ngayong pandemya. Binigyang diin nito ang kahalagahan na maipasa ang panukalang batas na lilikha ng CDC sa Pilipinas katulad ng mga nakalatag na health systems sa iba’t ibang mga bansa. Kaugnay nito, ikinatuwa naman ni Department of Health (DOH) Officer in Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang inihayag na suporta ni Pangulong Marcos sa sektor ng kalusugan. Partikular dito ang nirekwes na mga prayoridad na programa ng ahensiya gaya ng Centers for Disease Control Bill at iba pang may kaugnayan sa pagtugon sa pandemya. Nauna nang sinabi ni Vergeire na sa harap ng nararanasang COVID-19 pandemic, importante para sa...

VACC, saludo sa QCPD sa mabilis na pagkakahuli sa suspek sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Manila University

Image
SALUDO ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Arsenio “Boy” Evangelista sa Quezon City Police District (QCPD) sa mabilis na pagkakahuli sa suspek sa nangyaring shooting incident sa Ateneo de Manila University sa Quezon City nitong linggo. Nakilala ang suspek na si Dr. Chao-Tiao Yumol, 38 taong gulang mula sa Lamitan City, Basilan at ang mga nasawing biktima na si dating Lamitan Mayor Rose Furigay, Victor George Capistrano, executive assistant ni Furigay; at Bandiola Jeneven na isang security guard ng Ateneo. Si Furigay ay dumalo sa graduation ng kanyang anak na si Hannah na sugatan din sa naturang pamamaril. Sinasabing may personal na alitan ang suspek at dating alkalde dahil sa isinampang cyber-libel case ng suspek sa biktima. Paliwanag ni Evangelista, si Yumol ay isang doktor na hindi na nakapag-practice ng medicine dahil sa patong-patong na kaso nito na isinampa ng biktima na si dating Mayor Furigay. Naniniwala naman si Evangelista na mag-isa lang ang ki...

Panukalang Anti-Bullying Act, palalakasin ng PBA Party-list – Rep. Migs Nograles

Image
ISINASAPINAL na ng Pwersa ng Bayaning Atleta (PBA Party-list) ang ginagawa nilang panukala na Anti-Bullying Act. Sa naging panayam ng SMNI News kay PBA Partylist Rep. Migs Nograles , saklaw ng kanilang magiging panukala ang lahat ng uri ng bullying. Hindi lang ito nakatutok sa mga bata na nasa paaralan gaya ng nakasaad sa kasalukuyang batas ng bansa. Maliban pa dito, sisilipin din ayon kay Rep. Nograles kung ano ang magagawa nila sa usaping maprotektahan mula sa pornograpiya ang mga kabataan. Samantala, ang PBA Partylist din ang naghain ng House Bill No. 1365 o ang panukalang Domestic Violence Act of 2022 kung saan layunin nito na maprotektahan din ang mga asawang lalaki na ika nga ay “under the saya”. [embedded content] Follow SMNI NEWS in Twitter

Alegasyon ng mga sumusuporta sa gunman sa nangyaring shooting incident sa Ateneo, itinanggi ni dating PACC Chair Belgica

Image
TINIYAK ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica na wala siyang kinalaman sa kaso ng pamamaril ng isang doktor na nakilalang si Chao-Tiao Yumol sa dating alkalde ng Lamitan na si Rose Furigay. Ito ang inihayag ni Belgica sa panayam ng SMNI News matapos magpasaring si Maharlika na isang vlogger na dapat kasali siya sa dapat na imbestigahan. Maliwanag din aniya na ang kanilang mandato na nakasaad sa EO 43 na ang maaring imbestigahan ng PACC ay mga Presidential appointees lamang na may salary grade 26 pataas tulad ng mga regional director, assistant secretary, undersecretary at secretary. Hindi kasama dito ang mga halal ng bayan tulad ng mga mayor at iba pang lokal na opisyal ng gobyerno. Ngunit dahil sa tawag ng tungkulin at kagustuhang makapagbigay ng serbisyo sa publiko, kanilang tinanggap ang reklamong inilapit ni Doctor Yumol. Sinabi rin aniya mismo ni Yumol na inilapit na rin niya ang nasabing reklamo sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng ...